003

9 0 0
                                    

Nievez's Point of View


11:19 am

"Akala ko na kung anong in-order. Jusmi, binilhan ako ng album, na naman. Lahat ng albums ni inang ma, in-update niya," natatawang kuwento ni Decem habang kumakain sila ni Kazael.

Hawak ko ang apong si August. Hindi mawalay ang tingin ko sa sanggol na 'to, dahil napakaguwapo. Manang-mana sa mga magulang.

"I just knew. I did my research, roses," a naman ni Kazael.

Saglit ko silang tinitigan. Napangiti na lamang dahil, sa wakas... masaya na si Decem. Masaya na ang anak ko. Panatag ang loob ko dahil, tinupad ni Kazael ang hiling ko rito.

Muli kong tiningnan ang guwapong mukha ng aking apo. Marahang hinaplos-haplos ang buhok niya, hanggang sa abutin na lang nito ang isa kong daliri. Humigpit ang kapit niya rito kaya napahagikhik na lang ako sa tuwa.

"Ma," tawag ni Kazael sa akin, "you haven't met dad since, right? He's so busy kasi. Panay business meetings, trips, at expansion ng business ang sched niya. Pero, sobrang excited na siyang makita si August kaya mula bukas hanggang sa matapos ang honeymoon namin, available siya. It's a good time for you two to meet."

"Hmm. Libre naman ako anytime," ngiting sagot ko rito, hindi pa rin nawawala ang tingin sa apo.

5:06 pm

Hine-hele ni Decem si August, sa loob ng bahay. Ako naman, nasa labas at nagpapahangin.

"Ma," napalingon ako at nakita si Kazael na may dalang mga mug. "Coffee?"

Nakangiti ko itong tinanggap, "Salamat." Sumimsim ako pagkahipan, saka siya tiningnan. "Sina Decem lang ang matutulog dito? Ikaw?"

"Opo. Kailangan kong bumalik sa opisina. Ttapusin ko pa iyong trabahong binigay ng boss, para wala na rin akong aalalahanin mula bukas hanggang sa honeymoon," aniya. "I'm planning to resign, sa trabaho ko ngayon."

"Hmm? Bakit?" Pagtatanong ko.

"Plano kong mag-negosyo, mag-invest sa business ni dad. Gusto ko hong matutukan si December at August. Ayaw kong may ma-miss ako, lalo pa't unang anak namin siya." Sabi niya.

Sa bagay. Nasa sa kanila naman iyan kung anong plano nila. At kahit anong mangyari, nandito lang ako para suportahan silang dalawa.

Narinig ko ang mabigat nitong buntong hininga kaya nilingon ko siya. "Ayos ka lang ba?"

Tumango ito, "Ayos lang ho. Umm, honestly, I'm... I'm really thankful that you let me love your daughter again, mama Nievez," tumingin ito sa akin. "I can't imagine myself, living without December. Mahal na mahal ko ho ang anak niyo."

Alam ko naman.

Kahit na, hindi naging maganda ang takbo ng relasyon nila noong una, ipinakita pa rin sa akin ni Kazael na handa siyang magbago para sa anak ko. Pinatunayan niya 'yon.

"Though, napapaiyak ko pa rin siya," napakamot ito sa ulo. "Napapaiyak ko si December kasi kapag binibilhan ko siya ng mga paborito niyang bagay o pagkain, naiiyak siya. Kapag, sinu-surpresa ko siya, naiiyak siya."

Natawa na lang ako, saka tinapik ang balikat nito, "Alam kong mahal mo silang pareho. Panatag na 'ko ro'n, Kazael."

Dear JohnWhere stories live. Discover now