030

3 0 0
                                    

Nievez's Point of View

12:19 am

Lahat ng mga naipon kong liham para kay John ay inilabas. Nagdadalawang-isip ako kung ano ang gagawin ko rito. Ibibigay ko ba sa kanya, para na rin ipagtapat ang matagal nang tinatagong paghanga? O, tuluyan ko nang ibabaon.

Hindi ko malaman ang gagawin.

Naisip ding huli na siguro para ungkatin pa ang munting pag-ibig na kinimkim noong dalaga pa. Ngayo'y pareho na kaming napagdaanan ng panahon. At, ikakasal na rin ang mga anak namin.

"Ma? Still awake?" Si Kazael iyon. "That's a lot of papers. Ano ang mga iyan?"

Isa-isa kong binalik sa lagayan ang mga liham, "Mga papel na naipon ko noon."

"A. Umm, have some tea, muna ma." Yaya niya, kaya ako umupo at sumimsim ng tsaa.

"Ikaw, bakit hindi ka pa natutulog?" Pagtatanong ko naman.

"August might wake up. Ako muna ang magtitimpla ng gatas. I know December's so tired taking care of him all day." Sabi niya. "And, umm.. ma?"

"Ano 'yon?" Matapos ilapag sa mesa ang mug na hawak, bahagya itong yumuko na ipinagtaka ko. "Kazael, may problema ba?"

He chuckled, "Wala naman po. Umm, I'm just... just happy, ma." Nag-angat ito ng tingin. Dito ko napansing may luha nang nangigilid sa mga mata niya. "Hindi ko pa 'to nasasabi sa 'yo ulit. But, I'm really thankful. So thankful for having you po, for being December's mom, and for having you as my mom. I'm really thankful, kasi tinanggap niyo ako ulit, ma. Sa kabila ng lahat."

I smiled lightly, and pat this son's back, "You changed. Pinatunayan mong kaya mong magbago para sa anak ko, at para sa sarili mo. Ang maging masaya si December, maging masaya kayo. . . iyon lang naman ang gusto ko, Kazael."

He nodded, "Thank you ulit, ma." Saka niya pinunasan ang sariling pisngi. "Iingatan ko si Decem at August, ma."

"Alam ko namang gagawin mo 'yon. May tiwala ako sayo." Walang pagdadalawang-isip kong ani.

Marahan akong niyakap ni Kazael, at ako nama'y patuloy lang na hinahagod ang likod niya.

Ngayong yakap ko ang anak niya, at nangyayari ang lahat ng mga ito, ay mas lalo kong naunawaan ang naging mayroon sa pagitan naming dalawa ni John.

10: 15 am

"Pasensya na, ha. Kasi, naisip kong mas gusto ko iyong pa-tube na lang imbis na halter strap," ani December sa designer ng gown niya.

Bumalik kasi kami ulit dito para baguhin ang gown sa gusto niuang disenyo.

"It's totally okay, ma'am," anang designer. "I've got the measurements and you're okay to change na po."

"Salamat."

Ako naman, inalalayan ko ang anak sa pagbuhat ng parteng nakasayad sa sahig. Nagtungo kami ng dressing room at tinulungan kong magbihis si December.

"Ma," nilingon niya ako. "Okay lang ba iyong kulay na napili ko? Gusto ko kasing may highlight na violet sa ibabang part ng gown, e. Okay lang ba?"

"Maganda naman ang disenyo, Decem. Saka, ayos lang. Kahit na anong gusto mong design, do'n ako."

Ngumiti siya, kaya ngumiti rin ako.

"Ma, iyon nga palang tungkol sa kuwentuhan natin kahapon. Hindi ka raw nakapunta sa kasal ng papa John?" Tanong niya. Marahan lang akong umiling. "Bakit?"

"May importante rin akong inaasikaso noong araw na iyon. Inaasikaso ko ang papeles at lahat ng kailangan pa-labas ng bansa. Sa Korea rin ako nagturo ng ilang taon, do'n ko nakilala ang iyong ama. Saka lang ako bumalik ng Pinas kasama ng papa mo noong nagdesisyon na kaming magpakasal. Dito ko na pinagpatuloy ang pagtuturo."

"A, gano'n pala." Tumango-tango siya. "Pero, ang galing ng tadhana, 'no?"

"Hmm?"

"Kasi, matapos ang ilang taon na wala kayong communication ni papa John, gumawa Siya ng way para pagtagpuin kayong dalawa ulit." Sabi niya nang may matamis na ngiti sa labi. "Alam mo ma, napakasaya ko talaga."

"Masaya ka kay Kazael?" Nilapitan ko ang anak at inayos ang nakalugay niyang buhok.

Tumango si December. "Alam mo ma, sa totoo lang crush na crush ko talaga si Kazael. Mula first year ako. Kaya, sobrang saya ko nang magustuhan niya rin ako. Mabuti na lang din talaga at nagtapat ako agad ng nararamdaman sa kanya."

Nakita ko ang kinang sa mga mata niya habang tumatango. Ramdam ko sa ngiti nito ang labis na saya.

"Kaya minsan, maganda ring magtapat ng nararamdaman, kasi mas malalaman mo ang lahat ng posibilidad." Dagdag pa niya.

Naisip ko tuloy kung anong nangyari sa amin ni John kung noon pa man, nagtapat na ako. Gaya ng sabi ni Decem, malalaman ang lahat ng posibilidad sa oras na ginawa ito. At, mas may tsansa kapag ganoon. Pero, dito ko rin napagtanto ang ilang bagay, lalo na ang mga bagay sa pagitan ko at ni John.


Hindi ako magkakaroon ng Ronan, na sobra akong minahal at inalagaan. Wala akong December, na napakaganda at mabuting bata. Wala rin akong August, na lalong nagpapasaya ngayon sa buhay ko.

Kaya, sobrang kuntento na ako.

"Masaya rin ako para sa iyo, anak." Sinabit ko sa tainga niya ang humarang na buhok. At, isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan. "Parang kailan lang kita pinalaki, Decem. Ngayon, ikaw naman ang magkakaroon ng pamilya."

"Ang lungkot lang. Pangarap 'to ni papa, e." Niyakap ni December ang braso ko. "Ma?"

"Hmm?"

"Sabi sa akin ni papa John, gusto niya rin akong ilakad patungong altar. Ayos lang ba iyon sayo?"

Hinaplos ko ang mukha ng anak at hinalikan ang pisngi niya. "Ayos lang. Kahit na anong gusto mo, anak. Doon ako."

Dear JohnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon