019

6 1 0
                                    

Nievez's Point of View

Year 1985
7:58 pm

Seniors and Juniors Prom.


Nasa gilid lamang ako, pinagmamasdan ang mga kaklaseng nakikipagsayaw sa gitna. Wala namang nagyayaya sa akin kaya narito lang ako at tinitingnan kung gaano sila kasaya sa dance floor.

Nadako ang tingin kay John, at agad na napangiti. Napakaguwapo niya talaga.

Kaso, wala itong kasayaw. Tila, minamasahe ang batok at nakakaramdam ng frustrasyon. Hindi ko mawari kung ano ang dahilan. Wala rin naman akong lakas ng loob na lumapit. Kahit na matagal ko na siyang gusto, ni isang beses ay wala akong ginawang paglapit.

Pagmasdan lamang siya ay ayos na ako.



8:59 pm

Naaliw ako habang tinitingnan siya. Parang, naging kumpleto na rin ang gabing ito dahil do'n. Pero, oras na yata ang lumipas at wala pa rin itong naisasayaw.

Nakakapagtaka. Sa guwapo niyang iyan, 'di na ako magtataka kung magagandang babae ang isasayaw nito. Nga lang, kanina pa siya mag-isa.

Lalapit ba ako, o hindi? Nagsimula itong gumulo sa isip ko. Hindi ko alam ang isasagot.

Wala pa rin itong kasayaw ngayon.

Awtomatikong tumayo at naglakad na lang palapit dito, ni walang ideya kung bakit ko ito ginagawa ngunit sugo naman din ng katawan.

Bumilis na lang ang tibok ng puso rito sa dibdib nang mahinto ako sa tapat niya. Kurap-kurap ang mata, hindi makapaniwala ang sarili sa kung bakit na lang ako lumapit sa kanya.

"Hmm?" Salubong nito, sabay ngiti. Agad na nag-init ang pisngi at hindi na halos makahinga sa mabilis na tibok na nararamdaman.

Umatras ako pero... siya naman ang lumapit.

"A-a..." napapikit na lang ako, dahil lalo itong nangiti. Nakakahiya!

"Ha?" rinig ko.

"G-gusto kong... makasayaw ka, Mr. John!" Nakuyom ko ang kamay. Ramdam na ramdam ang hiya, hindi ito maalis sa aking sistema.

Inaasahan kong hindi ito papayag, at tatawanan lamang ako. Sa paraan ko ba naman ng pagyaya, siguradong katatawanan lang ang hitsura ko. Isa pang atras ang ginawa ngunit nagulat na lang nang may humapit sa 'king baywang at humawak sa kamay.

Dito, napamulat ako at siya nama'y ngumiti, "You just saved me tonight, miss. And yes, of course. I'd love to dance with you."

9:03 pm

"Anong pangalan mo?" Pagtatanong nito habang ginigiya ako patungong dance floor. "At, senior year ka rin ba?"

Umiling ako, "Junior ako...." sagot ko. "Ako si... si Nievez. Nievez Luzano."

"Oh," tumango-tango siya.

Isang hakbang pakanan, isang hakbang pakaliwa. Sabay sa himig ng musika ay sumaway kami sa gitna. Lalo akong kinabahan dahil ngayon, sa unang pagkakataon ay nahawakan ko ang kamay niya.

Marahan niya akong inikot, at balik ulit sa unang isteping na ginawa namin kanina.

"A," dahan-dahan akong napatingin sa kanya. Alam kong namumula na ang mga pisngi. "Bakit... bakit wala kang kasayaw?"

"Wala, e. Ayaw akong kasayaw ng gusto ko," aniya, na bahagyang ikina-ekis ng aking kilay. Bakit naman? Sa hitsura niyang ito, at sa bango niya... walang gustong makipagsayaw? Ngumiti siya, "pero, niyaya mo 'ko. Isang pribilehiyo iyon."

Napayuko ako. Lalong nahiya.

"Salamat, Nievez." Dagdag ni John. "Nga pala. Juan Francisco Romero, pangalan ko. Pupuwede mo akong tawaging John."


Tumango ako. Alam ko, John. Alam ko ang pangalan mo.

"Uy! Si Romero may kasayaw na!" Napalingon na lang kaming dalawa, at flash ng camera ang sumalubong sa amin. Bahagya akong napapikit.

"Ito naman, nanggugulat. Ayusin mo picture namin, ano ba," anito at natawa. Tiningnan niya ako, "Ayos ka lang? Pagpasensyahan mo na ang kaibigan ko."

"A-ayos lang..."

"Tingin kayo rito. Ngiti kayong dalawa." Anang kaibigan niya, saka kami kinunan ng litrato.

"Nievez?" Tawag niya, pagkatapos at pagkatapos namin magpa-picture.

"O-o?"

"Kaibigan na tayo, ha." Ngiting-ngiti niyang sabi. Ako naman, hindi makapaniwalang naririnig ito mula sa kanya.

Ngayon, niyaya akong maging kaibigan ng lalaking napupusuan ko.

Hindi ko tuloy maintindihan ang nararamdaman. Kaba, nginig, saya. Tila, naging malambot na lang ang tinatapakan at ako'y nasa mga ulap. Kasabay ng gabi ang pagdiriwang ng mga bituin sa liwanag at kislap nito. Pakiramdam ko, tayo'y mga karakter sa nobela. Labis akong nasisiyahan.

Salamat dahil tinupad mo ang hiling na makasayaw ka. Naging kaibigan pa kita.

Dear JohnWhere stories live. Discover now