007

11 1 0
                                    

Nievez's Point of View

9:30 am

"Haaah, August," karga na ngayon ni Kazael ang apo ko. "Dad,"

Marahan niyang kinarga si August, "My grandson. Finally, nakita na rin kita! My apo... so cute, so cute." He gave him gentle kisses on the cheeks and forehead. "Manang-mana kay December," he chuckled.

"Yeah," sang-ayon ng anak niya. Saka naman siya... napatingin sa akin.

His eyes are still the same. Lightly wrinkled while smiling because of little August. Bahagyang kumunot ang noo na para bang may naaalala habang tinititigan ako. Muling... gumuhit ang ngiti sa labi nito.

"Nievez? You are... December's mother?" Tanong niya.

Malakas na pagtibok ang kumawala sa 'king dibdib.

"Dad, you... you knew each other? Mama Nievez?" Tanong ni Kazael.

He smiled, "Yes. She's my high school prom partner, I still remember," pagtawa nito ng mahina. "And, and a college junior. A very close, and old friend."

Yes I know him. He's my... he's my first love.



1:23 pm

"Akalain mo iyon, we are going to be family soon. I can't believe I'd see you again after so many years, Nievez. How are you?" Pangungumusta ni John, habang hini-hele si August.

"Ayos naman," marahang ngiti ko lang.

"What do you do now?"

"Teacher ako." Sagot ko. Pisil-pisil ko ang kamay at hindi makatingin ng diretso.

He chuckles, "No wonder why December looks so familiar. Sobrang magkamukha kayong dalawa."

I didn't answered.

"You two, you're that really close, huh?" Tanong ni Kazael.

He nods, "She's really kind. You know, son.. she offered me a dance during that prom. I really am our high school's cutie, and really looked good that night, pero tinanggihan ako ng crush ko na makipagsayaw," tawa niya. "I'd be in such embarrassment if it wasn't for Nievez.

"Eh? Totoo ho ba 'yon?" Napalingon kaming lahat nang marinig iyon. Si December. May dalang tray ng inumin.

"December," marahang tawag ni John sa kanya.

"Pa," pagngiti ng anak ko. Nilapag niya ang tray sa center table at umupo sa tabi niya.

"Manang-mana si August sayo." Puri niya. Saka ito, napatingin sa akin. "Anyway, ano pa ba ang maitutukong ko? Bukod sa pagbabalot ng mga souvenir?"

"Ime-meet po natin ang designers ng susuutin mamaya," anang anak ko.

"Oh," tango niya, "okay. Let me handle the expenses for that, then. Yung catering, okay na?"

"Yep," tugon ni Kazael. "But wait, dad. I can't believe na talagang magkakilala kayo ni mama. I mean, it's just now that we all knew. Talaga nga naman ang tadhana."

"Totoo," yumakap si December sa braso ng nobyo. "Pa, meron pa kayong pictures noong prom? Kasi, yung mga album nina lola na may pics ni mama during high school na-damage noon dahil sa baha."

"Yeah. Meron. Ibibigay ko sayo 'yon," ngiti niya.

Tuwang-tuwa si John sa apo, "I never thought we'd never cross paths again, Nievez. But look at us now. We're both this child's grand parents. It's a good thing for me."

Napangiti na lang ako.

Yes. Yet, never in my entire life I told you what I really felt, John.

11:34 pm

Isang buntong hininga ang naibuga matapos kunin ang kabang itinago sa loob ng maraming taon.

Akala ko, inaanay na ang mga nakalakip na sulat. Pero, hindi pa. Agad nga lang maaamoy ang pagkaluma nito, kaya bukod sa tuwa, nakaramdam ako ng sobrang kaba.

Ngayon lang ulit ako magbabalik-tanaw sa lahat ng mga ala-alang naisulat ko para sa kanya.

Dear, John...

Dear JohnWhere stories live. Discover now