029

4 0 0
                                    

February third, year 1994
To: Nievez

Dear Nievez,

Hoping you are always in good health.

Ipagpaumanhin mo kung hindi na ako nakapagsulat pabalik. Kung, bigla na lang din akong lumisan matapos ang lahat. May nangyari lamang sa aking buhay na hindi inaasahan.

Laking pasasalamat ko sa iyo, dahil naging parte ka ng aking buhay. Hindi ko lubos maisip kung ano ako ngayon kapag wala ka. Napakabuti mong ka-school mate, at higit sa lahat, kaibigan.

Hindi ko malilimutan ang mga napagsamahan natin. Lalo na noong ibinahagi ko ang parte ng aking buhay. Ang sarap pala sa pakiramdam na may nasasabihan ka ng problema. Kung hindi dahil sa iyo, wala ako sa tagumpay ngayon.

Nievez, nais ko lamang ipaalam sa iyo kung gaano ako nagpapasalamat. At, dahil isa ka sa mga kaibigang tinuturing, sana'y mabigyan mo ng saglit na panahon ang nalalapit kong kasal.

Naalala mo noong sinabi kong hahanapin ko ang babaeng para sa akin? Iyong kahit mapagod ay hindi ako iiwan? Nakita ko na siya. Kaya, nais kong masaksihan mo ang nalalapit naming pag-iisang dibdib.

Kalakip ng liham na ito ang wedding invitation. Sana ay makarating ka.

Dear JohnWhere stories live. Discover now