038

4 0 0
                                    

Nievez's Point of View


7:27 pm

Sa isang resort ang reception ng kasal.

Karga ko si August, at nakaupo lang habang pinagmamasdan ang anak kong si December habang kasayaw ang asawa niya. Kakatapos lang ng kasal kanina, pero puno pa rin ng kasiyahan sa buong venue.

Natutuwa akong makita ang anak kong masaya kasama ng mahal niya, at mga nagmamahal sa kanya.

"Won't you dance, Nievez?" Nag-angat ako ng tingin. Si John. Tumabi ito sa akin at hinawakan ang maliit na kamay ni August. "You must enjoy, too. Akin na si August, you join them."

"Hindi, okay na ako rito." Pagtanggi ko. Sakto namang huminto si Anthony sa harapan naming dalawa. "Tita, ako na po kay August."

"Hmm? Ayos lang ba sa iyo? Kanina mo pa siya binabantayan, a."

Tumango naman ang binatilyo. "Ayos lang po. Ipapakilala ko rin po si Au sa mga kaibigan namin. Saka, pansin ko rin po kasi na hindi pa kayo nagdi-dinner. Kami na muna po ang bahala sa kanya."

Ang bait talagang bata nito.

Marahan kong binigay si August sa kanya, at ito nama'y masayang karga ang bata papunta sa table ng mga kaibigan nila. Napanatag ang loob ko dahil maging sa kinauupuan ay rinig ko ang hagikhik ni August. Napaka-cute talagang bata.

John then chuckles, probably because he heard our grandchild's laughs, too. "So cute." Saka ito humarap sa 'kin. "Would you.. like to have a walk? Sa tabing-dagat. Sandali lang."

"Sige ba."

7: 45 pm

Malamig ang simoy ng hangin. Napakaganda ng mga bituin sa kailaliman ng gabi. Maging ang buwan ay nagliliwanag, umaayon sa saya ng mga okasyong ipinagdiriwang naming lahat.

"Nievez?" Pagtawag niya sa pangalan ko.

"Hmm?"

"I umm.. thank you for everything." Aniya.

Bahagyang nag-ekis ang mga kilay ko, "Para saan? Wala naman akong ginawa na dapat mong ipagpasalamat." John then chuckled, and removed his shoes. Natawa na lang ako nang hinagis niya iyon. "Ba't mo hinagis?"

"I wanna walk bare feet. Hahanapin ko rin ang mga 'yon mamaya." Dagdag niya, at humalakhak.

Iiling-iling kong hinubad ang sandals na suot at ginaya ang paghagis sa sapin nito sa paa. Pareho kaming napahagikhik sa ginawa namin. Pakiramdam ko tuloy, para kaming naging mga bata ulit.

We then walked. Nababasa na ng tubig ang mga paa namin.

"Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon, kung wala ka sa timeline ko. I mean, you became a part of my life and it made me reach where I am now. If it wasn't for you, I wouldn't have Kazael, and August..."

I smiled. "Gets ko na. Kahit naman ako, hindi ako magkakaroon ng isang Decem kung hindi dahil sayo. Kaya kahit na hindi ako nakapagtapat noon, masaya ako. I feel like those all what happpened were destined to make us.. happier."

"Hmm, yeah. I umm... I really wanna thank you, too. For opening up. For letting me know what you feel, even if we're now aged. It never sounded late." John smiled at me.

I slightly nodded.

"Thank you for having no regrets." John added. I was just going to reply his words when my stomach growls. Umalingawngaw ang baritono at malalaki nitong halakhak. "You really haven't had dinner, huh."

"Hindi pa," pag-iling ko.

"Come on. Bumalik na tayo roon sa reception. Let's have something to eat." Yaya niya, na sinang-ayunan ko.

Pareho naming hinanap ang mga sapatos na kanina'y inihagis. Nang makita't mabitbit, sabay kaming bumalik sa venue. While walking with him, I genuinely smiled.

I know John never changed since the first day I ever saw him. The kind, good-looking man once I wished to be mine. I really, really still remember how I fell in love with him, and how things didn't worked out in my favor. But, those things happened on our lives that placed us on paths that neither I didn't imagine I'd have... those were the best.

And he's right, I didn't regretted it.

Juan Francisco Romero, was one of my life's good part. No matter what, he's still.. and forever dear to me. Nothing will change.

Dear JohnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon