CHAPTER 6 - The Stranger

1.4K 35 0
                                    

STRANGER:

Lagi ko nakikita yong babae na yon araw araw dito sa sementeryo. Simula noong nilibing ung ate ko. Mahal na mahal ko yong ate ko na yon. Parang nanay na kapatid ko sya, kasama sa lahat ng bagay at mga kakulitan. Kakambal ko sya. Pero hindi ko talaga matanggap na namatay sya. Namatay sya dahil sa pagmamahal sa lesbian na yon. Hindi din ako makapaniwala na pinili nya yon kaysa samin ng pamilya nya. Pero di ako nagalit kay ate. Nagmahal lang naman sya. Mula nung namatay kasi ang karelasyon nya, hindi na sya kumain, nanghina at saka lang naming nalaman na may sakit pala si ate. Hanggang sa namatay na din sya. Hindi ko talaga matanggap na wala na sya. Naaawa ako sa kanya at sa tuwing nakikita ko yong babae na nasa puntod na yon naiisip ko si Ate. Sana di sya matulad sa ate ko.

Lagi kaming nagkakasabay sa pagbisita sa puntod. Gusto kong lumapit sa kanya pero nahihiya ako. Baka kung anong isipin di bagay sa image ko. Napansin ko din ang pagbabago sa kanya. Sa araw araw na nagdaan napupuna ko na pumayat sya. Nong nakita ko sya dati parang mataba pa sya noon ee. Nakakatakot baka nagkasakit na yong babae sa lungkot. Ano nya kaya yong namatay at lagi nyang binibisita? Kapatid kaya nya yon o kaibigan. Nakakacurious kasi dahil lagi syang nadoon halos araw araw.

Napaaga ng kunti ang punta ko napansin ko ibang babae ang nakatayo. Alam ko hindi sya yon. Nakadress to at make up. Halos ang kapal ng foundation, morena sya at payat. Ngayon ko lang nakita yong babae na yon baka kaibigan galing ibang bansa o lugar.

Ilang minute nakakaraan nakita ko na sya. Pero bakas sa mukha nya ang pagkagulat nong nakita yong babae. Naririnig ko pinag uusapan nila. Halos 30 minutes bago naglakas loob magsalita yong morenang babae.

Nagulat ako sa mga naririnig ko. Parang teleserye. Yong morena ang dahilan ng pagkamatay non. Pero I admire that girl, kahit ano pang sabi ng morena, naging mahinahon sya at kalmado. Kahit na may sinasabi nya kalmado lang sya kahit na mabigat ang mga binibitiwan nyang salita.

Napuna kong naupo na yong babae at parang sinisisi sya ng lalaking kasama ng morena agad akong napalapit ng nahimatay yong morena at tila susugurin sya ng lalaki na yon. Buti at nasalag ko ang suntok. Siraulo yong lalaki na yon. Kawawa na nga tong babae sya pa lumalabas na masama. Nagawa ko na mapaalis yong lalaki at ng Makita ko ang mata nya. Wlang pagbabago. It was still cold as eyes kahit na may luha pa. Natakot siguro sya. Parang gusto ko syang yakapin pero nakakahiya saka baka ano pa isipin. Di bagay sa image ko. HAHA

Finally I was able to talk to her. Hindi ko alam biglang parang ang lamig tas ang bilis ng tibok ng puso ko. Naawa ako sa kanya. Para din siyang si ate pero mas matatag sya.

Nakakainis dumating nanaman ung isang lesbian na kala mo lalaki manamit pero pambabae naman pangalan, Missy ata yon. Lagi nga yong nakabuntot dun sa babae eh parang kakaiba. I heard her mention her name and it was Aya. Such a wonderful simple name.

"Ikaw nanaman! Stalker ka ba?" nagagalit na tanong nung les na kadadating

"No Missy. He just save me. Muntik na kasi akong suntukin ng kuya ni ano eh." Pagtatanggol sakin nung babae

"Sorry Aya, Its my fault." Paghingi ng tawad nung les pero di ko alam kung bakit

"So Aya is your name?" tanong ko sa babae

"Yes, ahm sir pano kita mababayaran sa pagtulong mo sakin?" tanong nya

"Hmm.. wala ka naman dapat ipag alala eh. Okay lang yon." Pagentleman kong sabi naka suit pa naman ako.

"Oo nga Aya. Okay lang yon. Sorry Sir kung nasigawan kita." Syang paghingi ng paumanhin nung les

"Malaking bagay yon Sir, nakakahiya nga po sayo ee." Pagpupumilit ni Aya

"Well, If you insist then can I invite you for a dinner?" bigla kong nasabi.

"NO!!!" Galit nong les na kala mo kung sino. I hate that kind of person.

"Im sorry Sir, hindi pwede." At bigla na syang hinila papaalis si Aya.

"Nakakainis ugali ng mga ganun, kala mo lalaki." Bulong ko sa sarili ko at nakatanaw nalang ako sa kanila papaalis. Natuwa ako nung lumingon pa sya sakin.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Naawa ba ako sa kanya dahil para syang si ate? Sa kanya isa parin akong istranghero. Bumalik na ako sa puntod ni Ate.

When You're GoneWhere stories live. Discover now