Chapter 8 - Trap?

925 24 0
                                    

Naging maayos naman ang takbo ng trabaho ko. Puro trabaho lang nasa isip ko. Wala na akong panahon sa iba pang bagay. Minsan naisip ko din na bisitahin pamilya ko pero natatakot ako. Natatakot ako sa mangyayari. Alam kong puro sumbat lang sasabihin nila. Pasalamat nalang ako may contact ako sa kapatid kong babae. I'm also helping her and sending her money. I open a bank account just for her. Pakiusap ko lang sa kanya wag magbabanggit ng tungkol sa magulang ko. I know I can trust her.

Natutuwa kahit pano dahil maayos takbo ng work ko. Nakakaipon ako at nakakatulong sa kapatid ko. Pero madalas nilang sabihin sakin na ang laki ng pinagbago ko not just physical but my the way I treat people behind me. Hindi ko sila maintindihan minsan. Sabi nila I always treat people as work buddies only di man lang daw ako makipag kaibigan. Sabi naman ng iba I was cold as Ice lalo na ng mga nagiging agents ko. Hindi daw ako mabiro at napakaseryoso ko.

"Maam Aya, may lovelife ka ba?" tanong ng ahente ko habang naghuhudle. Tahimik lang ako. I used to hear those questions kaya di ko nalang pinapansin.

"Maam Aya wag ka magalit ha, pero lesbian ka ba? Kasi kung lesbian ka sayang kasi, maganda ka maam tas maayos tas chubby.." Mahinang sabi ng isang ahente na alam kong nasa 21 pa lang.

"HAHAHA".. di ko napigilang matawa sa kanya. "Ikaw na bata ka. Ikaw lang naglakas loob na sabihin yan sakin." Nagulat sila at napatingin first time ko kasing tumawa uli. Naturingan na nga akong The Ice Cold Coach.

"Eh bakit maam, ilang taon ka na ba?" naglakas loob na sabi ng isa.

"Malapit na akong mawala sa calendaryo." Natatawa kong sabi at tila nagulat sila. Sabi nila akala nila 24 lang ako. "Huwag nyo akong bolahin." Natatawa kong sabi.

"Maam mas bagay sayo tumawa kaysa seryoso ka. Gulat kami kala naming magagalit ka." Natutuwa ako sa mga batang to dahil kahit pano naramdaman ko uli tumawa.

"Kayo lang kasi ang naglakas loob na kumausap sakin, sorry kung ganoon impression nyo sakin, may mga bagay lang talaga na mahirap. Pero ang sarap palang tumawa uli." Tugon ko sa kanila.

"Maam wag ka magagalit, kasi sabi ng mga naging ahente mo, masungit ka daw tas dip ala kibo, tas gusto mo lagi tama." Sabi ni JC na isang babaeng mahiyain.

"That's my job. To make each one of you the best agents you can always be. To do nothing but right things only." Di ko namalayang nakangiti ako.

"Maam wag kang ngumiti, natutunaw puso ko sayo." Sambit ng ahente ko na 21 year old na si Clarence.

"Haha sira ka Clarence! Haha salamat sa pagpapatawa sakin."

"Sabagay Maam sabi ng mga agents na nahandle mo kaya daw sila nga eexcel dahil sayo." Tugon uli ni JC.

When You're GoneKde žijí příběhy. Začni objevovat