Chapter 30 - Wedding day.

591 7 0
                                    

AYA

Dumating na ang araw ng kasal. May mga college friends ako na ininvite at syempre di mawawala ang mga bestfriends ko lalo na si Joana dahil siya ang made of honor ko. Andoon din si Kc at iba pa naming close friends. Nagkaayos na rin kami ni Missy. She contacted me via social networking sites at nabati naman kami. Halos lahat ng malalapit na kaibigan ni Gab naroon din lalo na ang parents niya. A day before the wedding di muna kami nagkita kasi pareho kami ng reread sa araw na to.

Gabi na ng makatulog ako. At napanaginipan ko si Zee ang unang taong minahal ko at hanggang ngayon ay mahal ko..

"Aya, everything is perfectly fine now. You had reconciled with your family, you have your dreams come true and you have the best man who can fulfill your wishes. A man that fulfills the space I left too early. I always love you Aya. I'm more than happy to see you have regain the smile in your eyes again, the true smile that I always wanted to see. I will wait for you Aya, till we meet again my love... I can now rest.. I love you Goodbye...Ayacielle.."

 

 

That dream is such more than a reality. Alam ko binabantayan niya ako. Alam ko hindi niya ako kayang basta iwanan ng miserable. Im too lucky to have her. "Thank you Zee. I will always love you. Till then..my love." Bulong ko sa sarili.

Maaga akong nagising dahil sa excitement. At ng malapit na ang oras yong mga taga ayos ko talagang inaasikaso nila ako. Gustong gusto ko yong wedding dress na suot ko. Hindi ko na pinatakpan ng belo ang mukha ko nasa may likuran nalang yon hehehe. Makati kasi sa ilong.

Pinabigay ko sa ring bearer yong regalo k okay Gab at nagulat pa ako na dumating yong flower bear at may dalang isang box. It was a set of diamond earings and necklace. Nakakagulat because it was my birthstone. Sana magustuhan niya ang regalo ko sa kanya.

Ihahatid ako ni papa sa altar. December 5, our wedding day. Naisip ko si Zee bigla pakiramdam ko nasa paligid lang siya. Humangin ng malakas na tila niyayakap ako. I miss her so much.

GAB

Wala ng mas sasaya pa sa buhay ko ngayon. Tuwang tuwa ako sa regalong relo sa akin ni Aya. The day that Ive waiting has come. Finally, my dream has come true. Nang makita ko siya na naglalakad na sa altar kakaibang tuwa ang naramdaman ko sa puso ko. Gusto kong maiyak sa tuwa at kitang kita ko ang saya niya sa mga mata at labi niya. Pinipigil niyang hwag maluha.

"Sir wag kang umiyak." Bulong ng bestman kong si Mark.

"Siraulo ka talaga!"

Nang makalapit na sa akin si Aya. Niyakap siya ng papa ko at kinamayan ng dad ko ang papa niya. At sobrang saya ko ng iabot na sa akin ang kamay niya.

"For richer or for poorer till death do us part."  As we exchange vows all I feel is the happiness. At syempre ang pinakaaabangan ko heheh.

"You may now kiss the bride" sabi ng pare at puno ng pagmamahal ko siyang hinalikan.

"You are now husband and wife." Kitang kita ko ang ngiti at kinang sa mga mata niya kasabay ng malakas na palakpakan.

Puno ng saya hanggang sa reception. Nakakapagod man ang araw na ito pero nag uumapaw sa saya. Inaasikaso naming ang mga bisita noon at napuna ko na tila kinaiinggitan si Aya ng mga dati niyang classmate halos lagi kong naririnig na hindi nila akalain na makakapag asawa pa daw siya. I know the story behind her college life. Wala daw siyang masyadong friends at halos ayaw sa kanya ng karamihan dahil daw sa pangit ang ugali niya. Lahat ng ups and downs niya sinabi niya sa akin but none of those hinders me to love her.

Nang matapos na ang party pumunta na kami sa hotel para makapag pahinga na. My dad gave us a trip to Europe gift at aalis kami the day after tomorrow. Bago pa kami punasok sa pinto binuhat ko siya at halos matawa siya. Agad kong ni lock ang pinto at inupo siya sa kama.

"Haha makaluma ka Gab. Pabuhat buhat ka pa ang bigat bigat ko ee." Natatawa niyang sabi.

"Para swertehin tau." Lumuhod ako sa kinauupuan niya at tinitigan siya. Nagulat ako ng ikiss niya ako kaya napayakap ako sa kanya. Dahan dahan kong hinila tali sa likod ng damit nya at bigla niya akong tinulak.

"Maligo muna ako." Namumula niyang sabi.

"Ayoko." Pilyo kong ngiti sa kanya.

When You're GoneWhere stories live. Discover now