Chapter 7 - What is success without You?

1.1K 32 0
                                    

AYA

Mula ng mawala si Zee nakalimutan ko na ang magsaya. Itinuon ko nalang ang araw araw na buhay ko sa trabaho. Kung dati hindi ako nag re-restday OT ngayon nagagawa ko na. Hindi narin sakin mahalaga ang mag leave at tila nalilimutan ko na kung anong petsa. Nakakatuwa nga na mas malaki na ang kinikita ko ngayon, pero ano naming gagawin ko dun? Okay lang sana sapat lang kinikita ko kasama ko naman siya.

I was taking mg phone call when my Team Leader asked me to go on meeting. Pagkatapos non pumunta kami sa conference room. Nagtataka naman ako kasi andoon din yong ibang boss naming and even the managers. Lima kaming ahente ang pinapunta doon at nagtataka nga kami kung anong meron.

"Hala bakit tayo lang andito?" tanong ni Angela na kateam ko.

"May nagawa ba tayong mali? Hala kinakabahan ako." Tugon naman ni Kc na pinakabata samin.

"Hindi ko din alam. Ano kayang meron, nakakakaba nga." Bulong ko kay KC.

Biglang dumating yong director namin sa trabaho kaya lalo kaming kinabahan. Kahit malamig sa conference room talagang pinagpapawisan kami. Nakakapanlamig sa kamay. Hindi pa naman ako pwede mawalang ng trabaho kasi mag isa nalang ako sa buhay at walang matatakbuhan.

"I can see the fear in you faces my dear agents." Biglang sabi ng director. "Don't worry I ain't bite people." Tuloy nya habang natatawa.

"The reason I ask for your presence is very important, you know guys that there was an account that has been pulled out in other centers and....HAHAH I was just messing with you guys.." naputol nyang sabi dahil namumutla na mga kasama ko. Hehe alam ko kasi sa sarili ko na malinis ako mag trabaho.

"I called you because, Angela, KC, Marvin, Clinton you guys are promoted as a level III agents and Aya because of you hard work we are promoting you as a coach! Congratulations guys!"

Lahat kami ay natuwa sa narinig naming. After our hard works we are now promoted at ang ikinatuwa ko from level 2 agent naging coach kaagad ako. Matutuwa sana si Zee kung nandito pa siya. "What is success without you?" tanging bulong ko sa sarili ko. Sigurado kung nandito pa siya mag cecelebrate kami.

"By the way. Aya, I know that you are aware that we are in need of coaches and you will be sent in our new location together with other coaches. That will be in Davao." Nagulat ako sa sinabi ng manager. Hindi ko madadalaw si Zee kapag sa Davao. Bigla kong naramdaman ang hangin na tila ba nais ni Zee na sumama ako.

"Madam, would you mind my asking, for how long it would take?" I asks

"More or less 2-3 months." Sagot nya.

Nagdadalawang isip ako pero sabagay kailangan ko rin ito para sa sarili ko. Isa sa wishlist ko ang mapromote at makapunta ng Davao. Ginagawan ba ni Zee ng paraan para matupad ko pa yon. Nakakatuwa ka talaga. Pagkatapos naming pumorma sa bagong kontrata agad na akong nagsimula sa bago kong tasks.

Maaga akong pumunta sa puntod ni Zee para mag paalam. After 2 days pupunta na kasi ako ng Davao kasama ang iba para sa trabaho.

"Zee aalis muna ako ha. Di muna kita madadalaw. Pero alam ko naman na babantayan mo ako at saka may check na yong dalawa sa wishlist ko. Ikaw talaga, tinutulungan mo pa ako. I missed you so much and I love you Zee..." sambit ko sa kanya.

Nakakamiss talaga sya. Sobra! Naiimagine ko kung gano kami kasaya ngayon kung andito lang sana sya. Magkukulitan kami at magtatawanan. Sobrang miss na miss ko na siya.

When You're GoneМесто, где живут истории. Откройте их для себя