Chapter 25 - Truth

401 6 0
                                    

AYA

I months na kami na ni Gab. Pero hindi siya tutol sa pagbisita k okay Zee. He is truly a nice man. Kahit isang buwan na kami ayoko magkaroon ng issue about sa amin especially na HR head siya. Mahirap na baka ano pa sabihin nila. I was called the COLD BLOODED COACH sa kompanya and I admit I was too strict when it comes to the policy. Kaya medyo ilag din ako sa mga bagay na pwede madawit ang pangalan ko. The only person know about samin ni Gab ay ang bestfriend kong si Joana at si Mike. I trusted those two kaya nasabi ko sa kanila. Halos maglupasay sa iyak si Joana at alam ko kung bakit. Sobrang masaya siya para sa akin. Lagi niya akong itinutulak kay Gab dati pa.

Muli kong naramdaman ang may naghahatid sundo sa akin. Pero kapag busy at hindi kami pareho ng schedule ay okay lang. Bilib nga ako sa kanya kasi kahit pa anong busy nya nagagawan niya ng paraan na magkita pa kami. Lagi pa siya nagpapadeliver ng bulaklak sa bahay. Namamatay lang mga bulaklak kya sabi ko sa kanya nah wag na sayang kasi heheh.

Though our relationship is hidden to the eyes of everyone. I feel so happy everytime that we are together. He is so supportive at higit sa lahat nirerespeto niya ako.

Pupunta siya ng Korea bukas para sa opening dawn g branch something di ko mainitindihan kaya nag oo nalang ako at saka kasi nakakalungkot. Pero 5 days lang naman daw. Gusto niya akong isama pero hindi pwede kasi nasa kalagitnaan ako ng trabaho for the new batch. Alam niyang napakabusy sa mga ganoong panahon.

"Baby, mag behave ka lang ha habang wala ako!"

"Haha OA Gab." Natatawa kong sabi sa kanya

"Kasi naman dapat kasama ka doon eh. Nakakainis naman schedule mo. Mamimiss kita." Malungkot niyang sabi.

"Saglit lang naman yon. Wag ka mag eextend ha. Umuwi ka agad." Sabi ko sa kanya. "Okay lang din yan para di ka magsawa sa mukha ko."

"Hinding hindi ako magsasawa sayo baby. DITO KA SA CONDO HA!!!! PARA MALAPIT SA OFFICE!" malakas niyang sabi.

"Ang ingay mo! Eh doon nalang ako sa apartment ko!." Nakakahiya na doon ako sa condo niya.

"Kasi nakakatakot eh wala kang kasama tas sched mo madaling araw hindi kita maihahatid."

"Im perfectly fine Gab."

"NO! nakausap ko na si Manong Jose. Hatid sundo ka nya."

"Hala eh company car yon eh. Nakakahiya na Gab."

"Alam ko. Pero mas maganda nag anon makakasiguro ako na safe ka kapag di ka pumayag isasama kita bukas."

"Oo na Gab alam ko naman di ako mananalo sayo. Oo na sa condo mo na ako titira at hahatid ako ni Manong Jose just for 5 days! Kapag na extend ka bahala ka sa buhay mo." Masungit kong sabi sa kanya.

"Good baby. Ayoko na kasi sa sleeping quarters ka natutulog kapag ganyang busy ka. Pag nagpakasal na tayo hindi ka na magtatarabaho doon ka nalang sa bahay." Ngiti niyang sabi at pakiramdam ko namumula ako.

"Housewife agad agad?" natatawa kong sabi.

"Oo, ayoko mag work ka gusto ko sa akin lang pansin mo at sa future babies natin. Lalo pa napakabusy mo sa work mo."

"Nagsalita ang hindi busy." Biro ko sa kanya.

"Asarin mo pa ako isasama kita sa korea bukas!" masungit niyang biro. Kilala ako ni Gab alam nyang mahalaga sa akin ang work ko.

"Haha oo na Gab. Pasalubong ko ha." Biro ko.

"Anong gusto mo?"

"Uhmmm si Soong Jong Ki." Natatawa kong sabi.

"Ha ung pretty boy sa Running man na variety episode ng Korea? Gusto mong bangasan ko yong crush mo na yon?" naiirita niyang sabi at natawa nanaman ako gustong gusto ko talagang asarin siya. Namumula kasi at ang cute niya.

"Seloso HAHAHA."

"Talaga! Baka sa office may crush ka din sisisantihin ko yon." Masungit parin siya.

"Hahaha syempre wala nuh ikaw lang love ko Hon." Natatawa talaga ako sa kanya.

"Kiss mo ko." Sabi niya sa akin at nakanguso nanaman. Nang ikiss ko siya niyakapa nanaman ako at ginapos sa mga halik niya. Tila lagi siyang sabik na halikan ako.

Kinabukasan maaga siyang umalis dahil maaga ang byahe niya. Inihatid na muna niya ako bago dumeretso sa airport. Mamimiss ko siya.

Mabilis na lumipas ang mga araw. Lagi niya akong tinatawagan bago siya magsimula sa work niya. Bigla kong naisip may iba ata siyang work maliban sa HR head siya. Baka may business sila kasi mukhang mayaman siya. Bigla ko tuloy naisip ang layo ng estado ng buhay ko sa kanya. Parang hindi kami bagay. At yon ang ikinalungkot ko. Paano kung di ako matanggap ng magulang niya?

Bahala na muna...

May mga documents akong kilangang kunin sa HR office kaya bumaba ako sa floor na yon bago ako umuwi. Maaga kong natapos ang trabaho dahil sa magagaling mga agents ko ngayon at binigay ko ung last 2 hours nila sa kung ano ang gusto nilang gawin, pwede ko naman kasing gawan ng paraan yon. 2 days nalang pala uuwi na si GAB. Excited na ako.

Nakita ko ung office ng CEO na inaayos. Lagi naman yong wala sa tuwing dadaan ako ang balita ko bata pa daw yong nakabili ng stock ng companya. Pati nga pangalan hindi naming alam. Ngayon tila inaayos yon napasilip ako dahil bukas at tila may naglilinis. Hindi ko alam pero napapasok ako laking gulat ko nakita ko ang picture ko sa isang frame na nasa lamesa.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ng makita ko sa kabilang frame ay picture naming ni Gab. Parang ayaw kong maniwala sa nakikita ko. Mas malayo pa pala ang estado niya sa akin. He is the owner of the company samantalang ako ay hamak na empleyado lang.

"Bakit ka nagsinungaling sa akin Gab." Bulong ko sa sarili ko.

Di ko mapigil ang maluha sa nalaman. Hindi ako galit sa kanya pero naiinis ako dahil sa nagsinungaling siya sa akin. Tila napakaliit ko lang pala.

"Aya..." gulat niyang sabi.

When You're GoneOnde as histórias ganham vida. Descobre agora