Chapter 13 - It's not a date!

516 11 0
                                    

AYA

Nakakainis si Gab. Sabi kong ililibre ko siya pero siya parin ang nagbayad! Kaya ko namang bayaran yon eh. Nakakainis! Nagulat ako nong sabihin niyang ilibre ko nalang siya sa ocean park eh ang mahal doon eh nakakahiya naman kung murang ticket bibilihin ko. Hindi lang yon ang iniisip ko kasi nasa wishlist ko yon at gusto ko kami ni Zee ang pumunta doon ng magkasama. Bago siya nawala dapat pupunta kami pero di na natuloy dahil wala siya.

"Hindi naman sigurong masama kung pupunta ako." Bulong ko sa sarili ko.

"Sir, narinig ko na plano nyo pumunta sa ocean park. Meron pop ala kaming ticket dito na 50% off in partnetship po sa ocean park baka gusto nyo?" narinig kong tanong ng crew.

"Sige Miss pakibigyan ako ng dalawang ticket. Magkano po ba?" agad kong tanong. Aba syempre discount yon at 50% pa.

"Bali 800 na po yong dalawa Maam. Lahat po ng attraction kasama po diyan, mag eenjoy kayo sa date ng asawa nyo." Natutuwang sabi ng babae at umalis na siya. Naiinis ako sa babae sabihin ba naman yon.

"Narinig mo yon napagkamalan pa ako. Nakakainis mukha na ata akong matanda." Bulong k okay Gab.

"Hahaha hindi naman eh! Baka ako napagkamalang matanda." Natatawa nyan sabi sakin. "Salamat nga pala sa libre mong ocean park ha." Biglang lumapit yong crew at iniabot sakin ang ticket.

"Thank you Maam. Enjor date." Sabi ng crew at umalis.

"Gab let me clear myself first. Ocean Park tayo but Its not a date." Nahihiya niyang bulong sakin. At napangiti ako.

"Hahah wag mo ng pansinin yong babae, alam mo naman pag may nakitang babae at lalaki na magkasama kala nag dadate na. It's totally clear its not a date." Ngiting sabi ni Gab sakin.

GAB

Sumakay na kami sa kotse ko at pumunta ng ocean park. Nakita kong tuwang tuwa siya. At syempre hindi ko papalampasin ang araw na to. Kinukunan ko siya ng picture, at palihim baka magalit siya. I will treasure every moment that I could be with her. I hope that someday she will notice me.

"Ang ganda talaga dito. Pakiramdam ko isa akong bata sa tuwa na nararamdaman ko. Matutupad ko parin pala to." Masaya niyang sabi at halos matunaw nanaman puso ko ng makita ko ang mga ngiting yon.

" Oo nga eh, swerte ko din kasi nakalibre ako." Tugon ko sa kanya at tinago ang cp ko baka mapansin kasi.

When You're GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon