Chapter 2: Manipulative, Sad Girl

844 76 12
                                    


Akala ni Eugene, joke lang ang sinabi ni Divine na hindi ito titigil sa panonood ng Criminal Minds, pero alas-dos na ng madaling-araw, nasa sala pa rin ito at nagma-marathon ng series.

"Mine, matulog na," inaantok nang utos ni Eugene.

"Nasa Season 10 pa lang ako."

"Hindi 'yon ang point. Go to sleep na, please."

Nagmuwestra lang ng kamay niya si Divine para lumayas na ang lalaki. "Hindi pa tayo bati, di ba? Bakit mo na ako kinakausap?"

Napabuntonghininga na lang si Eugene sabay sapo sa noo. "2 a.m. na. Masama sa katawan ang magpuyat, di ba? Nanonood ka na nga ng Criminal Minds, nagpupuyat ka pa. What will happen to you niyan?"

"One week ka lang magiging kidnapper! Napakadamot."

Bigla na namang namungay na may halong pagkainis ang tingin ni Eugene kay Divine dahil sa sinabi nito. "One week akong magiging criminal. That's not good for the both of us."

Ngumuso lang si Divine, kunot ang noo, at inisnab na si Eugene saka tumutok sa pinanonood.

Crush niya ang bida sa binasa niyang novel, at hindi naman permanente ang pagiging kidnapper ni Eugene, pero ayaw pa rin nito.

Hindi naman makita ni Eugene ang saysay ng pagiging kidnapper niya kung mag-asawa naman sila ni Divine. Kaya para lang matapos na ang pagtatalo nila, siya na ang namilit rito bago pa sila umagahin sa pagtatalo tungkol sa gusto nitong mangyari.

"No more Criminal Minds na," sabi ni Eugene at isinara ang tab ng pinanonood ni Divine.

"Hey! Hindi pa tayo bati!" Hinampas pa niya si Eugene sa braso habang kagat ang labi, nanggigigil.

"Stop watching this series na. Matutulog na tayo."

"You're not giving me the love I need, and I want to be loved!" galit na hiyaw ni Divine.

"And you want me to kidnap you?" nalilitong tanong ni Eugene. "Habang nakatira tayo sa condo ko? Habang nasa likod mo lang ang wedding picture natin? Saan kita itatago, hmm?"

"Ilagay mo 'ko sa maleta."

Napa-face-palm na naman si Eugene, at pang-ilan na niya iyon mula pa kaninang hapon.

"You want me to do something evil," paliwanag ni Eugene sa asawa niyang makulit.

"Exactly! Kasi cold-blooded and savage ka nga dapat, di ba? Dapat you're—you know? You look at me with piercing eyes and with a menacing aura. Tapos you will push me against the wall and slap me hard sa pisngi habang umiiyak ako."

"That's domestic violence, and no abuse will be tolerated in this household. No slapping in the face, okay?" Hinihintay na lang ni Eugene na mag-off ang laptop para lang makabalik na siya sa kuwarto at makatulog na sila.

"Pero babawiin mo rin 'yon tapos sasabihin mo sa 'kin, ginawa mo lang 'yon kasi love mo 'ko!"

Napangiwi naman si Eugene at litong-lito na kung ano ang pinagsasabi sa kanya ni Divine. "Look, Mine, I can love you with all my heart without slapping your face. Huwag na tayong mag-resort sa abuse and whatnots."

"Pero kasi, ang sexy kaya n'on," nakangusong katwiran ni Divine.

"You know? If this is about that trauma bonding or what, you need to outgrow that. Hindi tayo magiging abusive, hindi tayo magiging manipulative, or savage, or cold-blooded. Walang love doon, okay?"

"Pero gusto ko gano'n ka, kahit one week lang," nakangusong sabi ni Divine, nagpapa-cute pa kay Eugene, nakataas pa ang isang daliri.

"That's unhealthy." Isinara na ni Eugene ang laptop nang mag-off na iyon.

"Di ba, dapat you provide everything na gusto ko kasi sabi nga natin sa wedding vow, to love and obey."

"May limitation ang obedience at hindi ako magiging kidnapper na ilalagay ka sa maleta, kasi sinasabi ko pa lang, kinikilabutan na ako. What more kung gagawin ko pa? Gusto mo bang ma-feature sa SOCO?"

"One week lang naman! Ang KJ mo talaga."

"Walang magiging kidnapper and victim dito, okay? Tara na, matulog na tayo. If you want violence, pipitikin na lang kita sa kamay."

Ibinagsak na lang ni Divine ang katawan sa sofa kaya napabuntonghininga na naman si Eugene saka binuhat ang asawa papunta sa kuwarto.

"Kapag hindi ka naging kidnapper ko, ako ang mangingidnap at ikukulong ko sa ref natin," babala ni Divine na nagpapabigat pa habang buhat ni Eugene. "Tapos tatawag ako ng pulis para isetup ka."

"Next time, ipi-filter ko na talaga ang book recommendation sa 'yo ni Marjorie para hindi ka nagkakaganyan." Maingat na inilapag ni Eugene sa kama si Divine saka siya tumabi rito.

"One week ka lang magiging kidnapper ko, di mo pa 'ko mapapagbigyan?" nagtatampong sabi ni Divine at namaluktot pa habang yakap ang isang unan doon.

"Sige na, sleep ka na," sabi na lang ni Eugene at kinumutan na rin si Divine. Yayakapin sana niya ito pero pinalo nito ang kamay niya.

"Ayoko na sa 'yo. Magbabayad na lang ako ng totoong kidnapper tapos magpapa-kidnap ako sa school. Puwede ko naman hingan ng ransom ang sarili ko kahit 3 million lang."

Napabuntonghininga na naman si Eugene, matutulog na nga lang at lahat.

"Fine, fine, sige na. Ki-kidnap-in na kita bukas," pagsuko na ni Eugene saka ito niyakap palapit sa kanya.

"Talaga?" nakangisi nang tanong ni Divine nang silipin ang mukha ni Eugene.

"Yeah, yeah, sleep ka na. Next time, magbasa ka na lang ng about sa baby sheep or talking dinosaurs, ha? Para hindi ka puro evilness sa utak."


♥♥♥

Kung gustong makabasa ng SPOILERS, join lang sa aking Telegram channel: t.me/TambayanNiLena

Good Boy's DilemmaWhere stories live. Discover now