Chapter 11: Your Love

483 56 2
                                    


Umuulan pa rin.

Kung may isang pakiramdam na nadagdag kay Eugene na ayaw niyang maramdaman, iyon na siguro ang kaalamang umuulan . . . at wala pa sa bahay niya si Divine.

Wala naman siyang pakialam dati kung umuulan maliban kung may baha na o non-passable na ang mga kalsada. Hindi pa naman nagsasabing may cancellation ng pasok o ng mga biyahe. Ang sabi sa weather forecast, rainshowers lang. Walang thunderstorm o bagyong paparating. Limang araw na magtatagal ang pabugso-bugsong pag-ulan. Alas-singko pa lang, madilim na dahil sa maiitim na ulap. Pagdating ng alas-sais, nantatadtad na naman siya ng text kay Miss Van para

itanong kung ano bang oras uuwi ang asawa niyang anak ng CEO ng telecommunications company pero never pa siyang ni-reply-an sa kahit anong text niya rito.

Tinawagan na rin niya ang number ng father-in-law para kumustahin ang asawa niya. Dalawang call lang ang ginawa niya at hindi na umulit dahil hindi ito sumasagot. Ayaw niyang masabihang makulit ng ama ni Divine dahil baka buong pamilya na niya ang mapagalitan dahil sa kakulitan niya.

Bilib na talaga siya sa mag-amang Lee na kuntodo pasa ng upgraded proposals and projects para sa communication networks pero hayun at ito pa ang hindi marurunong magsipag-reply at sumagot ng calls.

Alas-siyete nang may mag-doorbell nang sunod-sunod. Halos liparin niya ang daan mula kusina hanggang pintuan para lang pagbuksan ang murderer ng doorbell niya.

Pabagsak pa niyang binuksan ang pinto at halos mag-swing na iyon pasara sa sobrang lakas ng hatak niya.

"Jijin . . ." malungkot na tawag nito sa pangalan niya.

"Diyos ko, Mine! Kanina pa kita tinatawagan!" nag-aalalang sabi niya at hinatak agad ito papasok sa loob ng unit.

Hindi ito basa. Hindi na rin ito nakasuot ng leather heels kundi rubber boots na. Kinuha niya ang shoulder bag nito. Siya na ang naghubad ng boots nito para ilagay sa gilid ng pinto. Nakasunod lang siya rito habang lulugo-lugo itong tumungo sa sala.

"Jijin . . ." Nanunulis ang nguso nito nang humarap sa kanya. Nag-alok agad ito ng mga braso at nagpapaawang tiningnan siya.

"O, bakit?" may pag-aalalang tanong niya nang yakapin din ito. Nakatukod na naman ang baba nito sa dibdib niya at tinitingala siya.

"Sad ako," naiiyak na sabi nito.

"Aw . . . bakit sad ang misis ko?" malambing na tanong ni Eugene, hinahawi ang buhok ni Divine na nasa pisngi.

"Nakakita ako ng dog . . ."

"Tapos?"

"Tapos wala siyang house. Doon lang siya sa ilalim ng puno nakatira." Nanunubig na ang mga mata ni Divine at nagbabadya ng pag-iyak.

"Nasaan yung dog?" may pag-aalalang tanong ni Eugene

"Nasa Laguna."

At nasa Makati sila.

Hindi alam ni Eugene kung matatawa ba sa iniiyakan ng asawa niya, o malulungkot sa asong sinasabi nito, o mapu-frustrate na naman dahil hindi makakainom ng gamot ang asawa niyang kaiinom lang ng gamot nitong umaga.

Sinapo na lang niya ito sa likod ng ulo at idinantay ang pisngi nito sa dibdib niya. Ang lakas na naman ng iyak ng asawa niya habang dinadamdam ang tungkol sa nakita nitong aso na walang bahay roon sa probinsiya kung saan ito galing.

Pagod ang asawa niya. Kapag iniiyakan na ni Divine ang kahit anong bagay, malalim man o mababaw ang dahilan, senyales na iyon na sobrang napagod ito. At alam na niya iyon. Kapag napagod ito, tulog agad ito pagkatapos.

Good Boy's DilemmaWhere stories live. Discover now