Chapter 15: Nightmares

579 47 6
                                    


"Divine!"

Napahinto sa pagsubo si Divine nang lingunin si Eugene sa sofa.

Hingal na hingal si Eugene habang pinandidilatan ang asawa niyang nakaabang na sa bibig ang kutsarang puno ng laman. Bumaba ang tingin niya sa mukha nito sunod sa hawak nitong coffee jelly, balik sa mukha nito at sa coffee jelly ulit.

"I know you love me, Jijin. What's yours is mine . . . and what's mine . . . is mine," paisa-isa pang sabi ni Divine sabay subo ng kutsara, hindi inaalis ang tingin sa kanya. Dahan-dahan pa itong ngumuya.

"Are you real?" kinakabahan nang tanong ni Eugene.

"No." Umiling pa si Divine sabay subo na naman ng isa, hindi rin inaalis ang tingin sa kanya. "I'm just your . . . imaginary wife. I'm not real, Jijin . . . I'm just a product of your playful imagination . . . and so is this coffee jelly . . . it's not real."

Napalingon si Eugene sa balcony. Maliwanag pero umuulan. Bumalik ang tingin niya kay Divine na subo lang nang subo ng kinakain nitong coffee jelly.

Nanginginig ang kamay niya nang damputin ang phone sa center table sa sala. Namali-mali pa siya ng dial hanggang sa sagutin ni Leo ang tawag niya.

"Dada!"

"O? Bakit sumisigaw ka?"

"Am I married?" natatakot niyang tanong habang nakatingin kay Divine na nakaupo sa single-seat sofa.

"Bakit? Ano'ng nangyayari?" kinakabahan na ring tanong ni Leo.

"Dada, kasal na ba 'ko?! Answer me!" galit nang sigaw niya, naiiyak habang nakatingin kay Divine.

"Malamang! Ano ba'ng ginagawa n'yo ni Divine diyan ngayon?"

Biglang napahagulhol ng iyak si Eugene at nabitiwan ang phone niya.

"Hala!" hiyaw ni Divine at mabilis na ibinaba ang cup ng coffee jelly na kinuha niya sa ref—kahit na pinagsabihan na siya ni Eugene na huwag kakainin ang lahat ng mga nasa freezer nang walang permiso dahil baon nila iyon kung aalis man. "Huy, Jijin!"

"Eugene! Ano ba'ng nangyayari sa inyo diyan?!" natatakot nang sigaw ni Leo sa phone.

Si Divine na ang dumampot sa gamit at sumagot. "Papa Leo, umiiyak anak mo!"

"Bakit nga?!"

"Ewan ko po! Natutulog lang 'to, e! Saka papalit nung coffee jelly, dalawa, hehe."

"Anong coffee jelly?!"

"Basta po dalawa! Ay, make it three! Ba-bye, Papa, love you!" Pinatay na ni Divine ang tawag at dinaluhan na si Eugene na iyak lang nang iyak.

Hindi alam ni Divine kung tatawanan ba ang asawa niya o ano. Hagod-hagod niya ang likod nito habang paisa-isang sumusubo ng minemeryenda niyang nakapatong sa center table.

"I thought you'd died . . ." natatakot na kuwento ni Eugene habang nagsusumbong sa kanya ng napanaginipan nito.

"I died?" sabi pa ni Divine at pinunasan ang mukha ni Eugene na nababasa ng luha. "How?"

"You jumped! Sa balcony!"

"Abot ko ba 'yon?" tanong pa ni Divine at sumubo na naman. "You like?" alok niya sa kutsara. Mabilis na umiling si Eugene.

"Akala ko, gabi na . . ." Hikbi nang hikbi si Eugene habang paulit-ulit na pinupunasan ang mga mata.

"'Yan, puyat pa," sermon ni Divine sa kanya. "Sabi mo kanina, iidlip ka lang after ng meeting mo. Ten ka natulog kaninang umaga, alas-dos na. Gutom na ko."

Good Boy's DilemmaWhere stories live. Discover now