Chapter 14: Dark Clouds

386 35 1
                                    


"There's nothing in all the world I need . . . when I have you here beside me . . ." pagkanta ni Eugene habang sinasabayan ang tunog ng speaker na hingi niya kay Clark.

Abala siya sa pagtutupi ng damit ng asawa niyang hinalukay na naman nito sa drawer pero damit pa rin naman niyang malalaki ang isinuot nito.

"I would be lost without you . . . and all that my heart could ever want has come true . . ."

Tapos na silang mag-dinner at tanggap na niyang hindi magpapalambing ang asawa niyang nasa normal nitong estado.

Ayaw niyang normal ito. Naubos ang maghapon niyang masama ang loob dahil tumanggi lang ito nang tumanggi sa

kung ano-anong alok niya na madalas naman nitong nire-request kapag nagpapalambing.

Ayaw magpakandong.

Ayaw magpasubo ng pagkain.

Ayaw magpakuskos ng likod.

Ayaw magpakusot ng buhok.

Ayaw magpasuklay.

Ayaw magpabihis.

Ayaw magpayakap nang magpayakap.

Ayaw magpa-kiss nang sobra sa dalawang beses.

Ayaw magpakiliti.

Ayaw makipagkulitan.

Ayaw pa siyang pansinin tuwing manlalambing siya.

Para na lang siyang may bagong tenant sa unit niya at napadpad lang doon dahil maulan.

Alas-nuwebe ng gabi, kadalasan ay umiinom na ito ng gamot. Pero sa gabing iyon, ayaw niya itong uminom ng gamot na bigay ng doktor nito. Ayaw rin naman nito dahil wala naman daw iinuman na kailangang remedyuhan. Normal naman daw kasi ang pakiramdam nito—na ramdam na ramdam nga niya kaya siya nabubuwisit. Kaya hayun at nagtupi na lang siya ng damit nito para naman may silbi pa rin siya sa asawa niya kahit paano.

Nabo-bore na siya sa ginagawa niya. Paglabas niya sa closet nang matapos, naabutan niya si Divine na nakatulala lang sa glass door habang nakaupo sa kama.

Isa pang ayaw nito: Ayaw isuot ang binili niya ritong panda onesie para pantulog.

Suot lang nito ang malaking white long-sleeves at panty gaya ng lagi nitong damit.

"Sasaglit lang ako sa balcony. Okay lang bang huwag mo 'kong istorbohin?" tanong ni Divine sa kanya nang bahagya nitong silipin siya sa gilid ng mata.

Pilit ang ngiti niya nang tumango rito. "Okay lang."

Tumayo na rin ito at tumungo palabas ng balcony niya. Hindi niya naiwasang isipin ang sinabi nito sa kanya bago sila ikasal.

"Nati-trigger ang panic attack mo kapag nauulanan ka. Okay lang bang itanong kung paano 'to nangyayari? How would I know kung inaatake ka na pala?"

"Hmm . . . para siyang may stages, e. Like, at first, manginginig lang ang kamay ko. Hindi siya mahahalata kasi, di ba, kapag malamig, parang normal reaction lang ng katawan lamigin. . . . Manginginig ang kamay ko, then most of the time, nagkakaroon ako ng hallucinations. May maririnig ako, pero yung mga nasa paligid ko, wala naman. Meron akong makikitang blurry figure pero wala siya in reality."

Ayaw niyang sundin si Divine, pero ayaw rin niyang pigilan ang ginagawa nito lalo kung alam naman nito kung ano ba ang dapat nitong gawin.

Bumalik na lang siya sa closet para magkalkal na naman ng damitan niya. Katutupi lang niya sa mga damit ni Divine pero humugot na naman siya ng lace panty nito at naghatak siya ng sweater sa damitan naman niya. Sa kabilang drawer, humugot siya ng kabibilog lang niyang bath towel at face towel na gamit ng asawa bago lumabas ulit. Inilipag niya ang mga iyon sa end chair na katabi ng glass door ng balcony. Inilabas na rin niya ang hair dryer sa drawer ng dresser at inihanda iyon sa ibaba ng malaking salamin.

Good Boy's DilemmaΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα