Chapter 4: Step One

922 79 15
                                    


Umagang-umaga pa lang, ramdam na ni Eugene ang pagod dahil pagmulat pa lang ng mata, pamimilit ni Divine sa kanya na maging kidnapper nito agad ang bumungad sa kanya. At ngayon, nangangalumbaba siya sa tabi habang pinanonood itong magkalkal ng "kidnapper's uniform" niya sa araw na iyon.

Nilalamig na nga siya dahil towel lang ang suot niya na tapis sa ibabang parte ng katawan.

"Wala ka bang 'sus' outfit dito?" tanong ni Divine na kanina pa naghahanap ng suspicious na damit sa walk-in closet ni Eugene.

"I can wear that yellow hoodie," pagturo ni Eugene sa hilera ng mga naka-hanger na sweatshirt at hoods niya.

"Jin, walang kidnapper ang magsusuot ng yellow kasi flashy color 'to," paliwanag ni Divine. "Dapat black or gray or anything na dull color."

"May sando akong black. Yung pang-jogging. Yung mga pang-jogging ko, puro dark colors."

Si Divine naman ang napabuntonghininga dahil kanina pa siya nagkakalkal pero wala siyang makitang itim na cotton shirt sa closet ni Eugene. Lahat ng itim nito, pulos mga formal suit at tuxedo. At wala nga raw kidnapper ang naka-tuxedo. Ang kaso, lahat naman ng pambahay at long sleeves nitong cotton at makakapal na jacket ay masasayang kulay gaya ng sunny yellow, peach, pastel colors, light green, o kung hindi naman ay printed at patterns na makukulay.

Sa huli ay sinukuan na ni Divine ang paghahanap sa suspicious na damit ni Eugene at pinili na lang ang black sando ni Eugene, light denim jacket, at denim jeans nito. Inilapag niya ang nakabulatlat na mga nahugot na damit sa clear glass na lalagyanan ng mga relo ni Eugene paglapit niya rito.

"Sure na ba 'yan?" paniniguro pa ni Eugene sa malambing niyang tono dahil tingin niya ay nag-iisip pa rin si Divine kahit may tangay na itong isusuot niyang outfit of the day. "Do I need to do some dress up thing here para makapili ka pa ng iba? Or final na 'yan?" tanong ulit niya. "May mga kidnapper naman siguro na nakasuot ng turtleneck and coat."

"Hindi ka mukhang suspicious kapag naka-formal ka!" reklamo ni Divine. "Sir Eugene, hello?"

Natawa na lang tuloy si Eugene saka tumango nang nakangiti.

"All right. I'll wear these first tapos you decide kung suspicious enough na ito for you. If not, visit na tayo kina Luan kasi marami siyang dark-colored clothes, okay?"

Nakanguso lang na tumango si Divine, malungkot pa rin dahil wala siyang mahanap na "suspicious clothes" sa closet ng asawa.

Tumayo na si Eugene at sinilip pa muna si Divine para magtanong. "Magbibihis na 'ko."

"Okay." Ngumiti lang si Divine pero hindi naman kumilos.

"Are you going to watch me wear these or . . ."

"Yeah . . ." nakangising pagtango ni Divine, halatang sigurado na manonood nga.

Nagdududa na naman ang tingin ni Eugene pero natatawa na lang. "You're the suspicious one here, but you don't look like it."

Nakangisi lang si Divine nang siya naman ang mangalumbaba sa puwestong inupuan ni Eugene. Pinanood nga niya talaga ang lalaking magbihis at bilib na talaga siya sa asawa dahil sa galing nitong magtago ng katawan nitong firm ang muscles. Mahilig itong mag-exercise at inaaya pa nga siya sa gym kahit once a week lang dahil kaya naman daw mag-exercise kahit sa bahay. Sumasama naman siya sa gym, pero hindi para mag-gym din kundi para lang panoorin itong mag-gym (at doon kumain ng samgyeopsal sa katabing kainan ng gym).

Habang iniisa-isa ni Eugene ang napiling damit sa kanya, natatawa na lang si Divine sa nakikita.

"I look suspicious somehow," sabi ni Eugene nang tingnan ang sarili sa vanity mirror.

Good Boy's DilemmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon