Chapter 10: Missed

502 53 1
                                    


Umuulan.

Sinabi ni Divine na ayaw nito sa ulan dahil nakaka-trigger iyon ng past trauma nito. Maraming beses nang umulan noong hindi pa nagkakasama ang mag-asawa, at iyon ang unang beses na magkasama silang dalawa sa unang ulan mula nang magpasukan.

Nasa blangkong room pa rin sila na iniwan ng mga second year BA students. Magkaharap sila sa teacher's table habang nagpapatulong si Eugene na mag-check ng papel mula sa quiz niya para sa mga third year na ka-batch ni Divine.

Nakabukas ang bintana, nakapatay ang mga air con. Binabantayan ni Eugene kung kailan titila ang ulan para makababa na silang dalawa. Wala pa naman siyang dalang payong papunta sa building dahil hindi naman umuulan nitong umaga pagpasok niya.

"'Musta pakiramdam mo, Mine?" tanong niya habang bahagyang yumuyuko para silipin ang mukha nito. "Masakit pa rin ba katawan mo?"

"Alam mong hindi ako nakakaramdam ng kahit na ano kapag nakakainom ako ng gamot, di ba?" sagot ni Divine habang tutok sa answer sheet at sa papel na tsine-check-an. "Ilang beses ko bang uulit-ulitin sa 'yo 'yan?"

"Sabi ko nga po. Nagtatanong lang naman para sure." Napanguso na lang si Eugene at natuon na lang ang atensiyon sa scratch paper niyang may drowing na ng asawa niyang nakayuko at naka-focus sa pinatse-check-an niya. Green pen pang pan-check ng quiz ang gamit niya sa paggawa ng sketch dito at kitang-kita kung kanino siya nagmana ng talent sa pag-illustrate.

Nilingon na naman ni Eugene ang bintana at nakitang maulan pa rin. Hindi nagbabago ang lakas ng pagbagsak ng ulan. Sinilip niya ang relo, alas-dose pasado na.

"Gutom ka na, Mine?" tanong na naman niya.

"Hindi pa."

Ang kaso, gutom na siya. Pero maulan pa rin kaya wala rin siyang magagawa kundi magpatila ng ulan o iwan doon ang asawa niya para lang makakuha siya ng payong sa kotse.

Natahimik na naman silang dalawa. Nagpatuloy sa pag-check ng quiz papers si Divine. Itinuloy lang ni Eugene ang pagdrowing sa asawa niyang inaabala ang sarili sa pag-check ng quiz papers na siya dapat ang gumagawa.

"Naaalala mo pa yung ginawa natin kahapon sa room ko,

Mine?" nakangusong tanong ni Eugene at numakaw ng sulyap sa asawa niya saka nag-ilag ng tingin.

"Uminom lang ako ng gamot, hindi ako nagka-amnesia."

"Ay." Nanulis na naman ang nguso ni Eugene at nanghinayang. Akala pa naman niya, nakalimutan na iyon ng asawa niya. "Last ko na 'yon. Hindi ko na 'yon uulitin."

"May sinabi ba 'kong ulitin mo?"

"Hindi naman. Ano lang, just in case lang na i-request mo ulit."

Mula sa pagkakayuko, umangat ang mga mata ni Divine para lang tingnan siya nang masama.

"I'm just saying lang naman," depensa niya nang makita ang paninitig nito nang matalim sa kanya. "Kasi baka after mawala ng effect ng gamot, biglang magbalik ang kidnapping trips mo, you know?"

"You're supposed to stop me from doing anything stupid, right?" sermon ni Divine sa kanya.

"E, umiiyak ka nga kasi."

"Lahat naman iniiyakan ko kapag nasa mood akong umiyak. Kung iyakan kita, hayaan mo 'kong umiyak. Hindi 'yang sasakay ka pa sa kung ano-anong inuutos ko sa 'yo."

Napahinto agad si Eugene sa pagdodrowing at kunot-noong nginiwian ang asawa niyang ang daming demand araw-araw. Ito nga ang nag-utos sa kanya tapos sasabihin nitong huwag siya nitong sundin.

Good Boy's DilemmaWhere stories live. Discover now