SIMULA

15 4 0
                                    

Wearing a red one-shoulder bodycon gown with a long slit on my right leg. Standing here on the upper deck balcony, I can see how many people who are having fun under the starry night sky. Lahat sila walang ibang ginawa kundi ang uminom, sumayaw, at mayroon din gumagawa ng kababalaghan sa kanilang inuupuan. Wala na silang pakialam kung makita ng lahat ang kanilang hubo't hubad na katawan.

Ano pa ba ang ipinagtataka ko? Its year twenty twenty-three! Para sa kanila, ang mga lahi ni Maria Clara at Crisostomo Ibarra ay matagal nang tapos! Wala nang inosenteng tao sa panahon ngayon.

“Did you see him?” Violet asked me on the phone.

“Hu-huh.” As I sipped my champagne flute while staring at someone who was enjoying the night. “May kasama siyang dalawang babae,” I added.

“Makakalapit ka ba sa kanya?” tanong niya.

“Yes, of course, Violet! Ako pa! Madali lang 'yan.” I proudly said.

“Look, Gia. Kung hindi mo kaya ang mission na 'to, pwede ko naman sabihin kay Miss Ruann na—”

“O, come on, Violet!” I hissed as I rolled my eyes upward. “Ilang beses mo na 'yan sinasabi sa 'kin!”

“I'm just worried, Gia. Baka kung ano pa ang gagawin ng lalaki na 'yan sa 'yo,” aniya.

“Nakahanda ako sa mga posibleng mangyari, okay?” agaran kong sabi sa kanya. “Madali lang naman 'to, e. Lalapitan ko 'yung lalaki at kakausapin. Kunwari kailangan ko lang ng mauupuan para makausap siya, hanggang sa makatyempo ako na lagyan ng sleeping pills ang iniinom niyang alak. At pag tumalab na sa kanya ang gamot, ihahatid ko siya sa kanyang kwarto para magawa ko na ang aking mission. Tatabi ako sa paghiga sa kanyang kama at magkunwaring may nangyari sa amin dalawa, pagkatapos non, pipilitin ko siya na isama niya ako sa kanilang mansion para makuha ko na ang mga papeles na 'yon.” Mahabang litanya ko habang iniisip ang mangyayari sa mission na 'to.

“Gia, hindi mo naman ito kailangan gawin, e. Pwede ka naman manghingi—”

“No! Hindi ako hihingi sa kanila!” Putol ko sa kanyang sinasabi. “Hinding hindi na ako babalik sa bahay na 'yon, Violet. Itinaboy na nila ako!” sigaw ko.

“Pero kapatid—" pinutol ko na naman ang dapat niyang sasabihin.

“Tama na, Violet! Ayaw ko na ng gulo. Kaya kong ipagamot si Tita Lorraine sa sarili kong paraan. I will do everything for her recovery, so I will also do everything for me to succeed in this mission,” I firmly said.

Si Tita Lorraine na lang ang kumupkop sa 'kin simula no'ng nawala na si Lolo Julio. Malaki kasi ang galit sa akin ng mga magulang ko dahil sa nangyari noon, at hanggang ngayon hindi pa rin nila ako napapatawad. Kaya labing-limang taon gulang palang ako ay si Lolo Julio na ang kumupkop, nag-alaga, at nagbigay ng suporta sa akin. Ga-graduate na sana ako ng kolehiyo no'ng inatake sa puso si Lolo Julio, at hindi na ito nakaabot pa sa Ospital. 

Kaya no'ng pagkalibing ni Lolo Julio, dalawang taon nang nakalipas. Inangkin ng mga magulang ko ang lahat ng ari-arian ni Lolo Julio. Dahil ayon sa nakasaad na last will ni Lolo Julio, pinamana niya ang lahat ng ari-arian sa kanyang kaisa-isang anak na si Julia, ang aking ina. Magkapatid lang kasi sa ina sina Tita Lorraine at Mommy Julia, kaya naman hindi na kataka-taka na kay Mommy na ang lahat ng ari-arian, at pati na ang kompanya ni Lolo.

Inangkin nila lahat, pati na rin ang mansion ni Lolo Julio kung saan ako nakatira. At dahil hindi pa rin nila ako napapatawad, kasabay ng pag-angkin nila sa mansion ay ang pagpapalayas sa akin doon.

BLS #1: EXPENSIVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon