CHAPTER 3

4 3 0
                                    

“Sigurado ka bang ayaw mong magpahatid sa inyo?” tanong ni Arc pagkababa ko sa kanilang sasakyan.

Umiling agad ako sa kanya, saka tumingin sa backseat ng sasakyan. Hindi tinted ang bintana ng sasakyan nila kaya kitang kita ko kung paano nakahilig ng bahagya ang ulo ni Marko sa bintana habang nakapikit ang kanyang mga mata. Pagkatapos kong sabihin ang desisyon ko sa pinag-usapan namin kanina… ay  tahimik na siya. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya ngayon. Pero sa sagot ko sa kanya kanina, sa tingin ko nagdadalawang isip na siya sa akin.

“Sige, alis na kami,” pagpapaalam ni Arc sa akin, kaya bumalik naman ang tingin ko sa kanya. Kumindat muna ang lalaki sa akin bago isinara ang bintana ng sasakyan nila.

Nakatayo ako sa tapat ng coffee shop ngayon. Hinintay ko muna makaalis ang kanilang sasakyan bago ko tinawagan si Violet para makipagkita.

“Gia!” Tawag sa 'kin ni Violet pagpasok palang niya sa coffee shop. “I'm with Miss Ruann,” she mouthed at me. Kaya napatingin naman ako sa kanyang likuran, at nakita kong nakasunod nga sa kanya si Miss Ruann.

“Bakit ba nasa ganitong coffee shop lang tayo? Ang cheap, ah!” Dinig kong pagrereklamo ni Miss Ruann habang papalapit sila sa kinaroroonan ko.

“Miss Ruann, kung gusto n'yo nang umuwi, umuwi na lang kayo!” Sabi ni Violet sabay irap sa kawalan.

Humalukipkip naman si Miss Ruann dahil sa sinabi ni Violet. “Hmpt! Wala naman akong magagawa. Nandito na tayo, e!” ani nito.

Umupo na sila sa mga bakanteng upuan, habang si Miss Ruann ay abala sa pagtingin sa paligid. Binalewala na lang namin siya ni Violet, dahil mas importante ang pag-uusapan namin ngayon kaysa sa kaartehan niya.

“Nakita mo raw kanina si Logan Imperial? Ano naman ang nangyari? At ano ang ginagawa niya sa DN company?” pagtatanong ni Violet.

“Ang sabi niya, may kilala raw siya roon sa company. At—”

“Ang DN or DuqueNaval company at Imperial Cooperation ay matagal nang kasosyo sa negosyo. Kilala ang DuqueNaval dahil sa malalaking gusali, hotel, at restaurant. Ang Imperial nama'y kilala dahil sa Security Agency at iba pang business na tungkol sa firearms. Ngunit, kung ikukumpara natin ang dalawa, mas mayaman talaga ang DuqueNaval. Kung ma-impluwensiyang tao ang mga Imperial, mas lalo na ang mga DuqueNaval. Kayang kaya nilang bilhin ang lahat ng bagay sa mundo… kahit ang buhay mo,” mahabang paliwanag ni Miss Ruann.

Napanganga ako dahil sa narinig ko. Hindi ko alam na ganyan pala kayaman ang mga DuqueNaval. Kaya pala sobrang laki ng in-offer sa akin nung Marko na 'yon, para lang mapapayag niya ako sa gusto niya.

“Basahin mo,” mas malalim pa sa bangin at kasing lamig ng yelo ang tono ng boses niya. Napatitig naman ako sa brown envelope na ibinigay niya sa akin.

“Ano ito?” nagtataka kong tanong sa kanya.

“Kunin mo, buksan at basahin mo,” sarkastiko nitong sabi na ikina irap ko sa kawalan. Kinuha ko na lang ang brown envelope at binuksan ito. Nilabas ko ang dalawang bond paper sa loob ng envelope, pagkatapos ay binasa ko naman ang nakalagay sa mga papel na hawak ko.

‘Marriage Contract.’

Wait! What? Marriage contract?! Napabaling agad ako ng tingin sa lalaking katabi ko. Naniningkit ang mga mata kong nakatingin sa kanya habang siya'y nakapikit lang na nakasandal ang ulo sa bintana.

“Marriage contact? Para saan ang marriage contract?” pagtatanong ko sa kanya.

Idinilat niya nang bahagya ang kanyang mga mata, ngunit hindi niya ito inangat para tignan ako.

BLS #1: EXPENSIVEWhere stories live. Discover now