CHAPTER 2

6 4 0
                                    

Habang kinakalma ko ang sarili mula sa pagkainis doon sa lalaki, bigla naman tumawag si Violet.

“Hello!”

“Oh, mainit ang ulo natin ngayon, a! Ano'ng meron?” tanong agad niya.

“May lalaki kasing nakakainis dito sa ina-apply-an ko, e! Napaka-arogante!” inis na sabi ko sa kanya.

“Gano'n ba. Kumusta naman ang pag-a-apply mo ng trabaho d'yan sa DN company? Nakuha ka ba?” tanong niya ulit.

“Hindi pa nagsisimula 'yung interview, pero may kaunting minuto na lang bago magsimula,” sagot ko.

“Paano kung hindi ka makuha diyan? Ano nang gagawin mo?” tanong niya ulit na ikina ikot ng mata ko.

“Ano ka ba naman! H'wag ka ngang nega diyan! Baka magkatotoo pa 'yan, e!” Bulyaw ko sa kanya. “Kung hindi ako makuha rito, edi hahanap ulit ako ng ibang a-apply-an! Alam mo naman kailangan ko talaga ng pera ngayon.”

“Mukang iba na yata ang motto mo ngayon…”

“Oo, iba na talaga. Kung dati ay 'enjoy your life as long as you can' pero ngayon 'I want to make money, earn money, save money! Money is life!'” eksaheradang sabi ko sa kanya.

“Ehhh…” Kahit hindi ko nakita ang kanyang reaksyon ngayon, alam kong napangiwi na siya sa sinabi ko. “Nakakatakot ka na, Gia. Nagmumukha ka na'ng pera niyan. Akala ko pa naman 'yung motto mo ngayon ay 'never give up until you find job.'” Aniya na ikina tawa namin dalawa.

Napatigil lang ako sa pagtawa nang biglang may tumikhim sa likuran ko kaya nilingon ko ito. Ngunit, paglingon ko sa taong tumikhim ay nanlaki agad ang mga mata ko sa aking nakita. Ang lalaking nakasuot ng black suit while holding brown envelope. He looked at me with a genuine smile. 

“Hi, I like your motto in life,” he subtly said.

Kung hindi ako nagkakamali. Siya si Logan Imperial. Ang lalaking inutos sa akin ni Miss Ruann na usisain. Darn it! Bakit kaya siya nandito?

“H-Hello, Sir. Good morning.” Bati ko naman sa kanya na may kaunting ngiti sa labi. Shit! Narinig niya 'yung pinag-usapan namin ni Violet. Nakakahiya naman! Pero buti na lang hindi siya ang pinag-usapan namin.

Pinasadahan niya muna ako ng tingin bago siya nagsalita. “So, are you here for the interview?” he asked habang inabot niya ang pindutan ng elevator.

“Yes, sir.” I answered immediately.

Bumukas ang elevator at agad naman siyang pumasok sa loob, habang ako ay nanatili lang sa aking pwesto. Hindi ko kasi inaasahan na makikita ko siya rito. E, no'ng isang gabi lang ay balak ko pang lagyan ng sleeping pills ang kanyang inumin.

“You can join me here, so you won't be late for your interview. Baka nagsisimula na rin 'yon ngayon,” he said.

“Sure, sir. Sasabay po ako,” Sabay pasok ko sa loob ng elevator. “Thank you so much!” I added.

Pumwesto agad ako sa likuran niya. Nakakahiya naman kasi kung tabihan ko siya agad.

“Uy, Gia. Sino 'yang kausap mo?” Napatingin naman ako sa hawak kong cellphone nang marinig ko ang boses ni Violet. Naka-on pa pala 'tong cellphone ko. Kaya naman kahit nagsasalita pa si Violet ay ni-off ko muna ang aking cellphone. Magse-send na lang ako ng message sa kanya mamaya.

Nakasara na ang elevator nung ibaba ko ang aking cellphone. Napatingin ako sa aking repleksyon sa harapan at nakita kong nakatingin pala sa akin si Logan Imperial. 

BLS #1: EXPENSIVEWhere stories live. Discover now