CHAPTER 6

5 3 0
                                    

“Gia…” Naalimpungatan ako dahil sa narinig na boses na tumawag sa 'kin.

Pagmulat ko ng mga mata ay agad kong nakita Tita Lorraine na gising na. Napatayo ako sa aking kinauupuan at pinindot ang telecom na nasa bandang itaas ng kama ni Tita Lorraine upang magtawag ng doktor.

“Tita Lorraine, buti naman po gising ka na,” banayad kong sabi.

“Gia, 'yong—” mahinang sabi niya.

“H'wag po muna kayo magsalita, papunta na rito ang doktor ninyo,” aniko, habang nakatingin sa kanya na may ngiti sa aking mga labi.

Nagpapasalamat talaga ako na successful ang operation ni Tita Lorraine, na gagaling na siya. Hindi ko na ulit hahayaan na magkasakit siya. Aalagaan ko siya ng mabuti.

“Gia, 'yong pera… saan ka kumuha ng pera?” mahinang tanong niya.

“Tita, huwag mo na alalahanin ang pera,” I said as I gently caressed the side of her head. “Ako na po ang bahala doon. At huwag kang mag-alala hindi ako humingi ng tulong kina Mommy at Daddy. Kaya magpaggaling ka na'ng mabuti dahil hinihintay ka na ng mga customer mo sa shoe shop mo. Baka lilipat ang mga 'yon sa iba,” sabi ko na may halong biro.

Sumilay naman ang ngiti niya dahil sa biro ko na 'yon. Kaya hindi ko maiwasang ngumiti rin. 

Hindi nagtagal ay dumating na ang doktor. Ni-check niya agad si Tita Lorraine, pagkatapos ay kinausap niya ako. May sinabi lang siya sa akin tungkol sa gamot ni Tita Lorraine, at mga paalala. Pagkatapos naming mag-usap ng doktor ay lumabas agad siya dahil may asikasuhin pa siyang ibang pasyente.

Bumalik naman sa pagtulog si Tita Lorraine kaya naisipan kong lumabas muna ng kwarto. Ngunit, paglabas ko palang sa kwarto ay may narinig naman akong familiar na boses. Kaya napatingin naman ako sa taong nagsasalita sa aking likuran.

“Nasa duty ako ngayon, grandpa,” dinig kong sabi niya pa.

Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita ang kanyang mukha. Ngunit, kung babasehan ko ang suot niya ay nakasuot siya ng coat ng pang doktor. Siguro ay doktor siya rito.

“Yes, grandpa! Don't worry pupunta ako sa birthday mo bukas. Ikaw pa ba! I already cancel my schedule tomorrow for your birthday,” he said.

Hahakbang na sana ako para umalis na, ngunit, napansin niya yata na may tao sa kanyang likuran kaya napatingin siya sa akin. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita ko ang kanyang mukha.

“Cousin-in-law?” gulat na tanong ni Arc. “Nandito ka pala!”

“Bakit? Hindi ba sinabi ng pinsan mo na nandito ako kahapon lang?” tanong ko naman.

Natigilan siya saglit sa tanong ko. Hinarap niya ako nang maayos habang naniningkit ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

“Ibig sabihin ikaw ang sinasabi ni Marko na tinutulungan niya kahapon? Bakit? May nangyari bang masama sa 'yo? O may sakit ka ba?” magkasunod sunod na tanong niya, na may halong pag-aalala. “Gusto mo ba ako na ang titingin sa—”

Tinaas ko agad ang aking palad sa harapan ng mukha niya para tumigil siya sa kanyang pagsasalita. Tumigil naman siya at tinikom ang kanyang labi.

“Hindi rin ba sinabi ng pinsan mo na nandito ako dahil na-ospital ang tita ko?” tanong ko ulit.

Umiling naman siya. “Na-ospital 'yong tita natin? Kumusta na siya?”

Kumunot naman ang noo ko dahil sa una niyang tanong. Ngunit hindi ko na iyon pinansin pa, dahil siguro gano'n lang talaga siya.

“Okay na si Tita. Katatapos lang niya operahan kagabi,” aniko saka ngumiti nang tipid.

BLS #1: EXPENSIVEWhere stories live. Discover now