CHAPTER 8

8 3 0
                                    

Napangiwi ako habang pinapanood si Miss Ruann na humahagulgol sa harap namin, matapos kong ikwento sa kanya ang nalaman ko tungkol kay Logan Imperial.

“Tumigil ka na sa kaiiyak d'yan, Miss Ruann. Paubos na 'yung tissue, o,” sabi ni Violet habang hinahagod niya ang likod ni Miss Ruann.

“Hindi pwede! M-May kasama s-s'yang i-ibang b-babae kagabi, Violet. M-May ibang b-babae siya!” hagulgol niya nang sobra-sobra.

Isang oras na siyang ganyan na parang baliw na kaiiyak. Limang box na tissues ang naubos niya dahil sa pag-iyak. Pinapatahan naman siya ni Violet kaso patuloy pa rin siya sa paghagulgol na parang wala ng bukas. Huminga ng malalim si Violet.

“Miss Ruann, ang sabi ni Gia, kaibigan lang 'yon ni Logan mo, at nandoon ang babae na 'yon dahil kasama siya sa meeting,” paliwanag ulit ni Violet sa kanya.

Umiling si Miss Ruann sa sinabi ni Violet. Hindi talaga siya naniniwala sa sinabi ko. “Hindi ako naniniwala na kaibigan niya lang iyon! Kita n'yo ba ang itsura ng babaeng iyon, at pati katawan? Matangkad, maputi, mahaba 'yung legs, at mala hourglass na katawan. Ganyang katawan ang gustong-gusto ni Logan ko! Kaya imposibleng kaibigan niya lang iyon!” hiyaw niya saka itinuloy ang kanyang pag-iyak.

Bumuntong-hininga ako, at umiling. Hindi ko alam kung dapat ko bang sisihin ang sarili ko dahil sinabi ko lang naman sa kanya ang nalaman ko kagabi. Isa pa, misyon ko 'to. Ginawa ko lang naman ang trabaho ko. Kaya bakit ako magsisisi?

“Miss Ruann, baka hindi lang talaga kayo itinadhana ni Logan Imperial… baka may ibang taong nakatadhana para sa 'yo,” sabi ni Violet sa kanya.

“Oo nga,” pag-sangayon ko kay Violet.

“No! Logan is mine! No one can have him. I will make him mine. By hook or by crook,” mariin niyang sabi.

Sabay kami ni Violet umiling at nagpakawala ng mabibigat na hangin. Wala na kaming magagawa kundi ang suportahan siya. Siguro, ganyan talaga kapag nagmahal ng sobra-sobra. Gagawin ang lahat para mapa sa kanila ang taong mahal nila.

Ngunit, taliwas naman sa aking isipan ang ganitong paraan na pagmamahal. Kung hindi ka talaga mahal ng taong mahal mo, h'wag mo nang ipilit at hayaan na lamang siya maging masaya sa piling ng iba. Dahil kung totoong mahal mo siya, dapat maging masaya ka na lang para sa kanya. Pareho lang naman kayo masasaktan kapag pinilit mo mahalin ka ng taong mahal mo.

“Gia,” dinig kong tawag sa akin ni Violet.

Ipinilig ko ang aking ulo para alisin 'yong mga nasa isipan ko. Bakit ko nga pala 'yon naisip? Binalewala ko na lang 'yon saka tumingin kay Violet.

“Babalik ka na ba sa ospital?” tanong niya sa akin.

Pababa na kami sa penthouse ni Miss Ruann. Nakatulog na kasi dahil sa kaiiyak kaya iniwan na namin siya.

“Hindi. May usapan kami ni Marko ngayon,” sagot ko na may kasamang pag-iling.

“So… buo na talaga ang loob mo na tanggapin ang alok niya?” tanong niya sa akin. Habang kitang-kita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha.

Tumango naman ako. “Wala na akong magagawa. Mas mabilis kumita ng pera sa pagpapanggap kaysa magtrabaho ka pa,” aniko.

Oo, tama ito. Hindi lang naman ako kikita sa pagpapanggap kong 'to. Makakaipon din ako nito, at makakapagsimula pa ng negosyo na gusto ko.

“At saka tatlong buwan lang naman iyon. Mabilis lang 'yon,” dagdag ko pa.

 --

Pumara agad ako ng taxi pagkalabas namin ni Violet. Nag-offer siya na ihatid ako ngunit tinanggihan ko lang siya. Saka malapit lang naman sa penthouse ni Miss Ruann ang restaurant na sinabi ni Marko sa akin. Kaya nung pagbaba ko ng taxi ay may sumalubong agad sa akin ng isang babae. Naka-cooperate attire ito, at eleganteng tingnan. Ngunit, magalang naman itong yumuko sa akin.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Jan 13 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

BLS #1: EXPENSIVEOnde histórias criam vida. Descubra agora