CHAPTER 5

4 3 0
                                    

“Don't worry about me, mom. I'm okay. May tinulungan lang akong kaibigan kaya ako nandito sa ospital.” dinig kong sabi ng nagsasalita sa may gilid ko.

I slowly opened my eyes and saw the white ceiling. Una, hindi pa nag-sink in sa utak ko kung saan ako, ngunit bigla naman pumasok sa isipan ko si Tita Lorraine kaya napaangat ako sa aking hinihigaan.

“Gia!” Napatigil ako at napatingin sa tumawag sa akin. Si Marko? Kumunot agad ang noo ko sa kanya. Bakit siya nandito?

Nagmamadaling lumapit sa akin si Marko, at agad na inalalayan ako. Inalalayan niya ako umupo sa kama, habang ako'y nagtataka kung bakit siya nandito.

“Marko? Ano'ng ginagawa mo rito?” tanong ko.

“Nakita kita kanina. Nahimatay ka paglabas mo ng ospital,” sagot niya naman.

Naalala ko na ang nangyari. Nagmamadali nga pala akong lumabas kanina, para puntahan si Mommy. Hihingi sana ako ng tulong para sa operasyon ni Tita Lorraine. Umangat naman ang tingin ko sa orasan na nakasabit sa dingding ng ospital. Alas dos y media na, malapit na mag-umpisa ang operasyon ni Tita Lorraine kaya kailangan ko na s'yang puntahan ngayon.

Sinubukan kong bumaba sa kama ngunit pinigilan agad ni Marko.

“Teka, saan ka pupunta?” tanong niya habang pinipigilan akong makababa sa kama.

“Kailangan kong puntahan si Tita Lorraine!” sabi ko, habang nakatingin sa kanya nagmamakaawa.

“Alam mo ba kung bakit ka nahimatay?” sabi niya, habang seryosong nakatitig sa akin. “Dahil nalipasan ka na'ng gutom. Kaya mas mabuti pang kumain ka muna bago mo puntahan 'yung Tita Lorraine mo.”

Napatigil ako. Kinuha ni Marko ang tray na may lamang pagkain sa lamesa na nasa gilid ng kama ko, dahan-dahan niya itong nilagay sa aking kandungan. Isang bowl ng sopas, mansanas, at isang basong tubig ang nasa aking harapan ngayon.

“Kumain ka muna. Tapos ihahatid naman kita sa tita mo,” aniya saka umupo sa upuan.

“Hindi na kailangan. Kaya ko na pumunta sa tita ko,” aniko. Nakakahiya kasi. Baka naabala ko na siya.

Umiling naman siya sa aking sinabi. “Hush… I insist,” sabi niya na parang narinig niya ang nasa isip ko. “Kaya bilisan mong kumain diyan para maihatid kita agad sa tita mo.”

Wala na akong magawa kundi ang kumain muna, dahil mukang hindi ako makakalabas ng kwartong ito kung hindi ko susundin ang gusto niya. Nagsimula na akong kumain. Kumuha ako ng kutsara upang magsandok ng lugaw ngunit natigilan naman ako nang mapansin na nakatingin lang sa akin si Marko.

“E, ikaw? Tapos ka na bang kumain?” tanong ko sa kanya.

“Tapos na ako kumain kanina sa mall,” sagot niya naman.

Tumango ako sa naging sagot niya. ‘Oo nga naman, Gia. Alas dos ng hapon na kaya ngayon. Malamang, tapos na siya mananghalian!’

“Okay,” tipid na sabi ko.

Nagsimula na akong kumain. Nung una, naiilang pa ako habang sumusubo dahil nakatingin siya. Ngunit biglang tumunog naman ang kanyang cellphone kaya nagpaalam siyang lumabas muna para sagutin ang tumatawag. Tumango naman ako sa kanya bilang pagsang-ayon. Kaya pagkalabas niya ng kwarto ay binilisan ko ang pagsubo ng pagkain para sa pagbalik niya ay tapos na ako. Hindi kasi ako komportable habang kumakain dahil nakatitig siya sa 'kin, kaya nagpapasalamat talaga ako na tumunog ang kanyang cellphone. Sakto, pagbukas niya ng pintuan ay tapos na akong kumain.

BLS #1: EXPENSIVEWhere stories live. Discover now