CHAPTER 4

4 3 0
                                    

“I'm sorry, miss. Wala kaming bakante ngayon.” sabi nung manager ng restaurant.

Napabuntunghininga ako habang naglalakad palabas ng restaurant. Maaga akong umalis ng bahay para lang maghanap ng trabaho, pero umabot na ako ng tanghali wala pa rin akong mahanap na trabaho. Mapa-hotel, restaurant, mall o kahit sa isang bar, parehong walang bakanteng trabaho. Kahit sinabi kong nagka-graduate naman ako ng college… wala pa rin. Ano nang gagawin ko ngayon? Hindi naman pwedeng aasa na lang ako do'n sa mission, o doon sa pagpapanggap bilang asawa ng isang milyonaryo. At mas lalong hindi pwedeng aasa na lang ako kay Tita Lorraine. Hindi pwede iyon! Kailangan ko talagang makahanap ng permanenteng trabaho, para makatulong kay Tita.

Naglalakad na ako ngayon sa kalsada, habang tumitingin sa paligid. Nagbabasakaling may makitang nakapaskil na 'WANTED' sa paligid. Ngunit, nakabalik na lang ako sa mall na unang kong in-apply-an ng trabaho, bigo pa rin. Wala pa rin akong makita sa paligid. Tama ngang sinabi ni Mommy. Mahirap ngang maghanap ng trabaho.

Nakaramdam ako ng pagod sa aking paglalakad kaya minabuti ko munang pumasok sa mall para makapag-relax. Hahanap na rin ako ng makakain sa loob, tanghali na kasi at kumakalam na ang sikmura ko.

Nang pumasok ako sa mall ay bigla kong napansin na parang may nakasunod sa akin. Inilibot ko ang aking tingin sa paligid pero wala naman akong nakita. Baka guniguni ko lang 'yon, o dahil lang sa gutom kaya kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko. Ngunit nang sumakay na ako sa escalator, nahimigan ko talagang may sumusunod sa akin. Kaya nilibot ko ulit ang tingin ko sa aking likuran, apat na tao ang nakita kong nakatayo sa escalator, sa bandang ibaba ko. Isang lalaki at babae ang sumunod sa 'kin, na tingin ko'y magkasintahan ang dalawa dahil sa sobrang lapit nila sa isa't-isa. Tapos nasa ibaba naman nila ay lalaki, tapos ang pinakadulo ay babae.

Mula sa magkasintahan na nasa harapan ko, mas malaki ang distansya sa gitna nung lalaki at babae kasya dito sa magkasintahan. Ngunit, 'yung lalaking nasa likuran ng magkasintahan, dalawang baitang na lang ang distansya niya sa dalawa. Kaya hindi ko rin makita nang buo ang kanyang katawan, pero nakita ko naman ang itim niyang cap. Marahan niya itong inayos para hindi makita ang kanyang mukha. Inangat niya nang kaunti ang kanyang mukha sa akin, kasabay ang paghakbang niya ng isang baitang.

Umahon ang kaba sa aking dibdib nang makita ko ang kanyang ngisi. Kaya mabilis ang paghakbang ko paakyat sa second floor ng mall para hindi niya ako maabutan. Medyo maraming tao rito sa second floor, kaya nahihirapan akong lumusot sa gusto kong puntahan. Tumingin ako sa aking likuran, at nakitang nakasunod na sa akin ang lalaki. Nakasuot siya ng itim na leather jacket at jeans. Shit! Sino ba siya? At bakit niya ako sinusundan? Tapos ang creepy pa nang ngisi niya.

Nakita kong pabilis nang pabilis ang hakbang niya papunta sa 'kin, kaya mas lalo lang ako sumuot sa mga tao. Nang makalusot ako sa mga tao ay pumasok agad ako sa isang boutique para magtago. Walang tao sa loob, at wala rin nagbabantay. Kaya malaya akong nakatakbo sa loob para magtago sa mga damit. Ngunit, nang makita ko ang pagpasok ng lalaki, ay dali-dali naman akong pumunta sa dressing room. Hindi ko na alam ang gagawin. Halos bumara na sa lalamunan ko ang aking puso dahil sa lakas ng kabog nito.

May nakita akong kabinet sa loob ng dressing room, kaya naisipan kong buksan ito para dito magtago. Bubuksan ko na sana ito, nang biglang may humila sa kamay ko.

“Ano'ng ginagawa mo rito?” Tanong ng lalaking humila sa akin.

Hahampasin ko na sana siya ng sling bag nang makita ko ang kanyang mukha. Napatigil ako bigla.

“Ikaw?” nagtataka kong tanong.

“You look thrilled. What happened?” Nagtataka tanong din ni Marko habang nakatitig sa 'kin nang mariin.

BLS #1: EXPENSIVEWhere stories live. Discover now