Chapter 2

8 2 0
                                    

HAPPY NEW YEAR MGA BABY KO! ENJOY READING!

——

Matapos ang tawag na 'yon ay agad akong pumunta kila Botchok para makipag inuman.

Medyo liblib ang bahay nila kaya hirap hanapin. Ilang beses na'ko nagpupunta dito pero hindi ko pa rin kabisado ang daan. Pagkahawi ko sa mga halaman ay nakita ko si Botchok na kumakaway, maliit lang na tao si Botchok at kulot pa. Inaasar ko siya lagi dati na kulot salot kaya ayon lagi niya rin ako sinusumbong sa mama niya.

“Bot, ano? Nand'yan ba sila Pareng Peto?” tanong ko nang makalapit ako sa kaniya.

Tumango ito at inangat ang kamay niya na may hawak na gin. Hahaha, gin lang kaya namin hindi kinakaya ng pera namin ang pulang kabayo. Lumingon ako sa bahay nila, maliit lang ito sa labas pero kapag nakapasok ka ay maluwag. Meron pa nga silang kusina at kwarto e.

Pumasok na kami at nakita namin sina Peto at Lileth. Magkakaibigan na kami simula pa bata dahil magkakakuntyaba ang mga nanay namin sa sugal. Pero umiwas na si Mama simula nang ipanganak niya ako.

“Shot na, Bossing!” sigaw ni Peto, tumayo siya at inakbayan ako.

Nang makaupo ako ay sinalinan nila ang maliit na baso at ibinigay sa'kin. Tinungga ko naman ito agad, pumunta si Botchok sa kusina nila para kumuha pa ng pulutan.

“Bossing, Yung mga binugbog natin noong isang gabi nagreklamo kanina kay Chairman.” sabi ni Lileth.

“Bakit hindi nakarating sa'kin 'yan, Leth? Tinakot ko na 'yan ha.” madiin kong tanong sabay angat sa paa.

Nang makabalik si Botchok ay pinagpyestahan ko na agad ang pulutan.

“'Di halatang gutom ka, 'no Boss?”

Napahinto sila nang iangat ko ang isa kong kamay. “May sasabihin pala ako...”

Pinunasan ni Peto ang kaniyang pekeng luha sabay sabing “Iiwan mo na kami, Boss?”

“Aalis ka na sa grupo, Bossing?” dagdag ni Botchok.

Binato ko sila nang buto ng mangga. Natahimik naman agad sila. “Mga gago! May trabaho na ako!”

Pumalakpak naman si Lileth at sumigaw ng 'kampay' sumabay naman kami sa sigaw niya. Napangiti ako sa isip, sila rin ang tinuturing kong mga kapatid kasi ako lang mag-isa at sa kanila ko nahanap ang pagmamahal ng isang kapatid.

“Lintek! Hindi ko akalain na matatanggap sa trabaho si Bossing!” sigaw ni Peto.

Papauwi na kami at lasing na lasing sila. Dumating din kasi yung tropa ni Botchok at hiningian namin nang pambili ng pulang kabayo. E nalasing ang mga gago, akala mo mga matitibay e.

“Bwahahaha! Ako rin e! Baka tinakot niya yung boss doon!” dagdag ni Lileth.

Akala ko pa naman kakampi ko 'tong babaeng 'to, kaaway din pala. Nang maglakad lakad na kami ay nagulat kami nang nawala si Peto. Nakita na lang namin siyang nakahiga sa lupa.

“Kulot, buhatin mo 'yan!” sigaw ko kasi buhat ko pa si Lileth.

Siraulo rin 'tong babaeng 'to, tinungga ba naman yung bote ng red horse. Itinaas niya ang kamao na parang kakanta siya.

“How you doin' party people?”

“Ah yeah!” hindi ko alam na buhay pa pala si Peto dapat sinuntok na 'yan para hindi na gumising pa.

“And I'm gonna do a song

That you've never heard before (Yo)

And you know what

Maybe We Weren't Meant to be EnemiesWhere stories live. Discover now