Chapter 19

4 0 0
                                    

“You mean hindi talaga kayo magsyota ni Ida?” nagugulatang tanong ko.

Kailangan kong sabihin iyon kay Garcia!

Hindi na ako nakapagpaalam kay Zero bigla akong tumakbo palabas sa restaurant na 'yon. Hinanap ko sina Garcia at nahanap ko sila sa parking lot. Napahawak ako sa bibig ko nang makitang hinahalikan ni Garcia si Ida. Nakatagilid sila kaya hindi masiyadong kita ang mukha ni Ida pero sigurado akong si Ida 'yon!

Tumalikod na ako. Putcha, mas masakit pa pala 'to kaysa noong pinalo ako ni Mama ng sinturon. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko. Umalis na ako sa parking lot at bumalik sa restaurant.

Wala na akong naabutang Zero doon kaya lumabas na lang ako ulit. Napatingala ako sa kalangitan at nakitang makulimlim na. Habang naglalakad ay naalala kong hindi pala ako maiuuwi ni Garcia kasi mukhang nagkamabutihan na sila ni Ida.

Uulan pa ata? Kamalasan talaga darating kung kailan naghihirap ako.

Inis kong tinanggal ang heels ko habang naglalakad ako sa gilid ng kalsada ay may huminto na puting kotse sa gitna ng kalsada.

Hindi ko ito pinansin at nagtuloy tuloy na lamang sa paglalakad. Hindi pa nga ako nakakahakbang ng sampo ay biglang bumuhos ang malakas na ulan.

“Si Lord akala nakikipagbiruan ako!” inis kong sigaw 'tsaka tinuro yung walang muwang na kalangitan.

Basang basa ako habang naglalakad. Nagulat ako nang may humawak sa akin sa braso kaya agad ko itong sinapak.

“Wait! Zero here! Sh*t, don't punch me again!”

Agad kong itinigil ang aamba ko pang suntok sa kaniya. Pinayungan niya ako at inilalayang pumasok sa kotse. Sa kaniya pala yung puting kotse na huminto kanina?

Teka? Paano niya ako nakilala e para na nga akong white lady sa itsura ko.

“Don't f*cking touch me.” maldita kong banta nang pupunasan niya sana ako.

“Are you okay now?” nag-aalala niyang tanong pero nakatuon ang tingin niya sa kalsada.

Nag-simula na siyang magmaneho pero hindi ko alam kung saan kami pupunta.

“Sinong tao ang magiging ayos kung naulanan ng ganoon?!” sigaw ko.

“Okay, I'm sorry. I shouldn't have told you earlier so you didn't see what they were doing. I'm really sorry.”

Napapikit ako dahil sa inis. Bakit ba siya humihingi ng tawad?!

“Hindi ikaw ang gumawa non kaya huwag kang magsorry.”

Hininto niya ang sasakyan sa harap ng napakalaking bahay. Nauna siyang lumabas na nakapayong at ipinagbuksan ako ng pinto. Nagulat naman ako kasi first time ko mabigyan ng ganitong treatment.

“Kanino bahay 'to?” tanong ko nang makapasok kami sa loob.

May lumapit sa aming matanda. Nakakamiss tuloy yung mayordoma sa mansion nina Mr. Garcia—ay erase! No! no!

“Hijo, sino iyang kasama mong dalaginding?” para siyang si Lola Ester ganiyan din kasi si Lola magsalita, napakalambing.

Ngumiti si Zero sa kaniya. “Si Alli po, Nay. Kaibigan ko.” nahihiyang pakilala ni Zero sa akin.

“Umakyat muna kayo sa itaas at pagbihisin mo muna 'yang kasama mo, Zero baka lamigin 'yan at mapunta sa sakit.”

Inakay ako ni Zero paakyat. Binigyan niya rin ako ng susuotin kaya nagbihis na ako. Pagkatapos kong magbihis ay tumunog ang cellphone ko.

Tinignan ko ito at nakitang tumatawag si Ante Tina. Agad ko itong sinagot.

“Alli! Alli! Si Hyde naaksidente!”

Napatayo ako dahil sa sinabi ng tiyahin ko.

“Nasaan kayo, Tiya?!” aligaga kong tanong habang kinakagat kagat ko ang mga kuko.

“Nasa AHS Hospital kami! Umuwi ka agad please, Alli.”

Magsasalita pa sana ako ngunit binaba na ni Ante Tina ang telepono. Nagmamadali akong bumaba at hinanap si Zero, nakita ko siyang masayang nakikipagkwentuhan sa matanda na nakita ko kanina.

Nang makita ako ay lumapit siya sa akin.

“Bagay sa'yo ang daster ni Nanay Sali.” puri niya pero hindi ko pinansin iyon.

“Zero, iuwi mo na ako. Yung Nanay ko, baka kung ano nangyari sa kaniya. please, Zero.”

Tumango tango si Zero at kinuha ang susi ng kotse niya. Mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan, halos paliparin niya na ang kotse makapunta lang sa Manila. Ako naman ay hindi mapakali sa pwesto ko sa tabi niya, parang gusto kong magteleport sa hospital kung nasaan si Mama.

Dahil sa bilis ni Zero sa pagpapatakbo ay hindi niya na pinansin ang mga pulis na humahabol sa amin. Nakarating na kami sa AHS Hospital na sinabi sa amin ni Ante Tina. Sinabihan ako ni Zero na ipapark niya lang ang kotse at susunod na siya sa akin. Pumasok na ako sa loob nang hospital, tinanong ko ang isang nurse na naka-assign sa pagtitingin ng mga kwarto ng pasyente.

“Nurse, saang room yung Salvez?”

Nalilitong tumingin sa akin yung babae pero sumagot pa rin. “Kaano ano po kayo ng pasyente?”

Hinampas ko ang mesa. “Puta! Kailangan pa ba 'yan!? Anak ako! anak!”

Natatakot na hinanap ng nurse ang room ni Mama. Nilibot ko ang paningin habang naghihintay sa sasabihin ng nurse na 'to.

“Sa room 208 po. Pasensya na po.”

Pagkasabi niya noon ay umakyat na ako sa hagdan na ako umakyat dahil second floor lang naman ata. Binuksan buksan ko ang nadadaanan kong public room at nakahinga ako ng maluwag nang sa huling kwarto ay nakita ko si Mama na nakahiga sa kama.

Lumapit ako kay Mama at hinawakan siya sa kamay. Hinalikan ko ang kamay niya ay naiiyak na tumingin sa kaniya.

“Ma, anong nangyari? Ma, gising na ho.”

May pumasok kaya napalingon ako sa pinto. Nakita ko si Ante Tina kasama si Zero.

“Alli... Ang sabi ng doctor nacoma raw si Hyde...” napayuko si Ante Tina pagtapos sabihin iyon.

Napasandal ako sa pader. Inis akong lumabas nang kwarto, may nakabangga pa ako pero hindi ko na nilingon kung sino. Pumunta ako sa chapel ng hospital, paluhod akong pumunta sa isa sa upuan doon at nanalangin kay Ama.

“Lord, sana pagalingin mo na si Mama please. Gagawin ko naman lahat e kahit ano pa 'yan.”

Naramdaman kong may umupo sa katabi kong upuan. Nilingon ko ito at nakitang si Ante Tina iyon, umiiyak siyang nagdadasal sa itaas.

“Mabuting sabihin ko na 'to sa'yo ngayon, Alli. Tagal ko nang kinikimkim 'to dahil ayaw kong mag-aalala ang Mama mo sa'yo.”

“Ano 'yon, Tiya?”

“Gusto mong makilala ang Papa mo 'di ba? Sumali ka sa organisasyon.”

Maybe We Weren't Meant to be EnemiesWhere stories live. Discover now