Chapter 21

4 0 0
                                    

“Kailangan pa ba natin ng mga ganito?” tanong ko nang makakuha ng isang baseball bat.

Nandito kami sa malaking bahay na hindi ko alam kung kanino. Nang makapasok kami dito kanina ay isang kwarto ang gusto kong pasukin kaso may nakalagay na bungo at yung kulay dilaw na nakahilera tuwing may namamatay o may naganap sa isang lugar na krimen.

“Yes, couz. How can you fight if you have no weapons? Argh! Why did I have a stupid cousin?” maarte nitong tugon 'tsaka sinapo pa ang noo kaya agad ko itong kinurot sa tagiliran.

“I can fight without weapons!” giit ko.

Napailing na lang si Lia at kumuha ng MSP Groza silent pistol. Nagtataka ko siyang tinignan.

“We need this nga kasi madadaya ang mga nasa emperyo! You're so kulit!” naiinis niyang paliwanag kaya napanguso ako.

“By the way, ask ko lang, couz. Bakit hindi ka pamilyar sa ibang baril? E pagkakaalam ko gangster ka rin, rightie?” maarte nitong tanong.

Napairap na lang ako. “Mga sumpak, itak, pamitik lang yung amin. Hindi nakakapatay.” napangisi ako ng sabihin ang huling salita.

Nakakamatay naman iyon e lalo na yung pamitik. Noong kami nina Botchok ang nag-eensayo ay puro babasagin na bote lang ang ginagamit namin tapos ayon gagawin naming target at pipitikin namin sila. I miss my balisong baby tuloy.

“Ah! So cheap naman pala.”

Tinignan ko sa malaking salamin ang kabuoan ko. Nakafit dress ako na itim, sleeveless at ang cleavage ko ay kaunting nakikita. Itinaas ko sa upuan ang isa kong paa at inilagay sa hita ang mga baril at mga daggers. Hindi mawala sa labi ko ang ngisi dahil nakita ko ang paboritong at pangarap kong daggers simula pagkabata.

Silver Shadow

Simple lang kasi ito dahil madaling isuksok kumpara sa iba kong dalang daggers na nasa pouch ko. Ang dala kong iba ay may iba't ibang hugis na.

The Titan

Warbird Dagger

“I'm done na!”

Ibinaba ko ang paa mula sa upuan at inayos na ang sarili. Nilingon ko si Lia at nakitang may AK-47, partida naka gloves pa siya na pink at nakadress din na pink. May mabalbon din siyang sumbrero at nakaheels.

“Where's my mask, Hermano?!” tanong nito sa kapatid.

Napabuntong hininga si Liam na lumapit sa kapatid na maarte at inabot ang mask. Isinuot ito ni Maarte, bulaklakin ito at ang bandang itaas lamang ang natatakpan at ang bibig ay hindi.

Pinagmasdan ko naman si Liam na tahimik lang na inaayos ang mga dadalhin niya mamaya. Nakasuot na rin siya ng mask na simple lang na kulay itim, simple lang ang suot niya kumpara sa kapatid niyang maarte.

“So baduy talaga n'yan ni Brother e! Don't mind him, Alli. Here's your mask! Ako pumili niyan hihi!”

Pinagmasdan ko ito at nasabi kong mas maganda pa ito kaysa kay Lia. Katulad lang kay Lia ay yung bibig lang din ang hindi natatakpan. May malaking diamond ito sa gitna at napapaligiran na ng malilit na bato na kumikinang, ang gilid naman ay may balahibo ng ibon na kulay itim.

Itinali ko na ito sa akin. Hihintayin muna namin sina Botchok para sumabay na sa amin papuntang emperyo.

Tumunog ang cellphone ko na nasa loob ng pouch kaya kinuha ko ito. Tinignan ko kung sino tumatawag at nakitang si Lileth ito.

“Kamatayan, Nandito na kami.” seryosong sabi nito.

Sinenyasan ko ang magkapatid na lalabas lang ako at tumango naman sila. Nang makalabas ako ay nakita ko ang tatlong anino mula sa kalayuan. Nilapitan ko ang mga ito at hindi nga ako nagkamali, sila Botchok nga.

Maybe We Weren't Meant to be EnemiesΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα