Chapter 20

3 0 0
                                    

“Organisasyon?” nalilito kong tanong.

“Sa labas na tayo mag-usap para walang makarinig.” bulong ni Tiya.

Tumayo siya at umalis. Sumunod naman ako para malaman ang sinasabi niya.

Nandito na kami sa garden ng hospital. Kamangha, mayroon din palang garden sa hospital?

“Ang Mama mo at Papa mo, nagkakilala sila sa organisasyon na tinayo lang din ng Lolo mo sa side ng Papa mo. Pinamana ng Lolo mo ang trono sa Papa mo dahil na rin sa katandaan. Sumali si Hydie sa gangster na 'yan dahil kailangan niyang magbayad sa hospital na nag-gamot sa akin, nagkadiabetes kasi ako noon. Naging magaling na gangster ang mama mo hanggang sa tumungtong siya sa ranggo na knight. Kailangan protektahan ng mga knights ang Emperor dahil nga naging leader ng knights ang mama mo ay siya ang nagpr-protekta rito. Hanggang sa hindi namalayan ng Mama mo, umiibig na siya sa Papa mo. Ang organisasyon ang naging hadlang sa kanilang pag-iibigan dahil ang isang rule sa organisasyon ay bawal kang umibig sa kaaway. Si Tatay, kaaway siya ng Lolo mo.”

Hindi pa rin nasusolusyunan ang mga katanungan sa isip ko. Yung tumawag ba sa akin dati, kasama ba 'yon sa organisasyon ng Lolo ko?

“At sa tingin ko nalaman na ng mga kaaway ng Papa mo na buhay kayong dalawa ng mama mo. Ang hula ko rin ay kaaway ng papa mo ang nagsagasa sa mama mo.”

Kinuyom ko ang mga kamao. Kailangan kong tawagan sina Peto, sila lang ang pwede kong pagkatiwalaan ngayon.

Tumingin si Ante Tina sa kalangitan. Tumayo siya kaya nagtaka ako.

“Mag-gagabi na kaya kailangan ako ng mama mo. Kung gusto mo pang malaman tungkol sa organisasyon, puntahan mo si Liam. Nakatira siya malapit sa penthouse niya ngayon kasi bulakbol sa magulang.”

Bago siya umalis ay hinalikan niya muna ang noo ko at tinapik ang balikat at umalis na.

“Mag-iingat ka, Alli.”

Nagpahangin muna ako saglit 'tsaka ko naisipan na tawagan sina Botchok. Kinuha ko ang cellphone at tinawagan sila habang naghihintay sagutan ang tawag ay nagsindi muna ako ng sigarilyo.

“Bossing, napatawag ka?”

“Ihanda ang grupo, babalik tayo sa kinagawian natin.”

Matapos kong sabihin iyon kay Botchok ay ibinaba ko na ang tawag at tinapon ang puspos ng sigarilyo. Umakyat na ako ulit sa kwarto kung nasaan si Mama, kailangan kong tanungin pa kung ano ang nangyari kay Mama.

Pagkapasok ko ay nasa loob nga ang doctor at si Ante Tina halatang nag-uusap ng seryoso ang dalawa. Lumingon silang dalawa sa akin nag makitang pumasok ako.

“Anong nangyari kay Mama?”

Umupo ako sa sofa na nasa gilid ng kama ni Mama. Mabuti na lang maayos ang kwarto na kinalalagyan ni Mama.

“Nasagasaan ang Mama mo.” singit ni Tiya.

“Hindi ikaw ang tinatanong ko.” malamig kong sabi.

Tumikhim ang doctor. “Being involved in a devastating accident that caused a severe injury is a devastating experience. Not only can the event be shocking, but it can make it even more complicated when another driver’s carelessness caused the accident. Let's just be thankful that her accident was not serious because maybe in 2 to 4 weeks she will be able to wake up.” paliwanag ng doctor.

Tumango tango naman kaming dalawa ni Ante Tina.

“Over several weeks, your Mom may slowly start to regain consciousness and become more aware. I will carefully monitor and assess a person’s consciousness by using the Glasgow Coma Scale. Let's just pray that your Mom wakes up soon. Just come to my office if you have any questions.” ngumiti ang doctor sa amin pagtapos sabihin iyon ay walang paalam na lumabas sa kwarto.

Tumingin ako kay Mama na may dextrose ang kamay. Marami ring wire wire kung ano man 'yon ang nakasaksak kay Mama.

Kinabukasan ay hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Tumayo ako at napansin kong sa kabilang sofa natulog si Ante Tina. Inayos ko ang mahabang upuan at nilagyan ko ng kaunting damit para gawing unan. Kinarga ko si Ante Tina kahit mabigat siya at inihiga ko siya sa inayos kong higaan.

Nagstretching muna ako bago lumabas ng kwarto. Lumabas ako ng hospital na hikab hikab, naghanap ako ng tindahan na maliit malapit dito sa hospital para bumili ng isang kahang sigarilyo at kape para kay Ante Tina.

“P're, isang kaha nga ng pula tapos isang blanca at isang greatest white na kape.”

Sumandal ako sa pader ng tindahan habang naghihintay ay nililibot ko ang paningin ko. Nahagip ng paningin ko ang maraming tao na nakapila, may karinderya rin pala dito.

“Miss, eto na yung pula mo.”

Kinuha ko ito at binuksan. Kumuha ako ng isang piraso at sinindihan gamit ang lighter ng tindahan. Nang matapos timplahin ang mga kape ay bumalik na ako sa hospital.

Naabutan ko sa kwarto si Tiya na kakagising lang. Nakita ko naman na may isang supot na pandesal sa mesa.

“Kanino galing 'yang pandesal?” tanong ko.

Binigay ko sa kaniya ang kape niya at umupo sa tabi niya.

“Dumalaw dito yung kapatid ni Liam na si Lia, pinabili ko muna ng pandesal para hindi mainip.”

Tumango ako. Habang nag-aalmusal kami ni Tiya ay biglang bumukas ang pintuan. Bumungad sa amin ang matangkad na babae na nakablonde at yung isa ay lalaking kulot na hindi maipinta ang mukha dahil nakasimangot.

“Who are you?” I asked them 'tsaka kinuwelyuhan ang lalaki na nakabusangot.

Itinaas nito ang dalawang kamay na parang sumusuko na. Naramdaman ko ang malamig na bakal na nakatutok sa ulo ko, lumingon ako sa babaeng nakablonde at nakitang pinutok niya ang bubble gum sa bunganga bago magsalita.

“Let my twinnie go.”

Nakacrop top ito at soft girl tignan pero magugulat ka na mayroon pala siyang baril.

Pabalagbag kong binitawan ang kapatid niya daw. Binaba naman ng babae ang baril niya at isinuksok iyon sa bandang hita niya.

“I am Bedellia Harris Salvez and his name is William Harris Salvez.”

Nagtatanong na tumingin ako kay Tiya. May kapatid naman na lalaki sila pero nasa ibang bansa ang mga ito.

“Mga anak ni Benedict.” napasapo na lang sa noo si Tiya.

“Paano sila napunta dito e nasa ibang bansa lahat sina Tito?!” pasigaw kong tanong.

“Sinabihan ko sina Kuya na kailangan niyong mag-ina ng proteksiyon.” napayuko na lang si Tiya.

“I can protect my own mother!”

“You can? E you don't have a gun kaya, couz!” maarteng singit ni Lia kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Maybe We Weren't Meant to be EnemiesHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin