Chapter 24

3 0 0
                                    

“Your father is my first love because he is the most gentlemanly man for me because he helps me carry my things but he is also my first heartbreak dahil sa gangster mong Mommy! Aba't sabi niya ba naman hindi niya gusto ang tatay mo kasi nga masiyadong patpatin ito at hindi niya type!” galit niyang pagk-kwento.

Nagulat ako na tagalog siya kung magsalita pero yung accent niya medyo tabingi. Kumuyom pa ang kamao niya at sinuntok ang isang palad.

Naalala ko bigla si Garcia, parang kami lang noong highschool— teka bakit ko ba inaalala yung pesteng 'yon?

“Anong pangalan niya?”

Hinawakan niya ang baba at tumingin sa kisame na parang nag-iisip.

“I think Aleksandr Sovetsky?” patanong niyang sagot.

Tumayo na ako bigla pagtapos niyang sabihin iyon. Kakailanganin ko 'yon at ipapahanap ko kila Kian ang impormasyon tungkol kay Aleksandr.

“Thank you, Nang.”

Hinalikan ko siya sa pisngi at pumasok ulit sa kwarto ni Mama. Naabutan kong nagkw-kwentuhan sina Lia at Ante Tina. Nagtatanong silang lumingon sa gawi ko.

“Aalis muna ako, Tiya. Babantayan ni Lia si Mama kaya magpahinga ka muna.”

Hinalikan ko sa pisngi si Ante Tina at tinignan si Lia na 'alam mo na' look. Tumango naman ito at nagthumbs up. Pagkalabas ko ay nakita kong wala na sa upuan si Xiuan binalewala ko na lang ito at Itinext ko muna si Kian.

Ako:

Hoy. Magkita tayo sa Headquarters.

Agad naman itong nagreply.

Kian:

Hmmm 'kay. Ingat.

Ibinulsa ko na ang cellphone ko. Nag-elevator na lang ako kasi tinatamad ako maghagdan. Nagulat ako ng may pumigil sa papasarang pinto ng elevator.

“Miss, sa may-ari lang po pwede sumakay diyan!” isang nurse?

“Walang nakapaskil.”

Aligaga nitong hinanap ang paskil. Tumango ito ng kaunti na parang sinasabi na tama ako kasi walang nakapaskil.

“E kasi po... Baka po magalit yung may-ari ng hospital...”

Tinaasan ko siya ng kilay at hindi pinansin. Pinindot ko ang floor pababa para wala na siyang magawa. Sumara na ang pintuan ng elevator pero naririnig ko pa rin ang sigaw niya.

Habang naghihintay ako bumukas ang elevator at makababa ay kinuha ko muna ulit ang cellphone ko at naglaro ng candy crush.

“Divine!”

Napangiti ako ng marinig ang sinabi ng lalaki sa nilalaro ko. Panalo na ata ako nito.

Biglang bumukas ang elevator pero hindi ko pinansin at nagpatuloy na lang maglaro sa cellphone.

“What is your name, Lady?”

Lumingon ako sa lalaking kakapasok pa lang. Ibinulsa ko agad ang cellphone ko at tumingin na lang sa harap.

“Why should I tell you?” mataray kong sagot.

“Because you are now riding in my elevator.”

Gulat akong tumingin sa kaniya. Medyo may katandaan na rin katulad ni Mr. Garcia pero mas gwapo naman ito. Makapal din ang kilay niya katulad ng akin, ang buhok niya ay wala pang puting buhok hindi katulad kay Mr. Garcia na tinutubuan na. Naka-office suit pa 'to at may nakasuksok pa na sigarilyo sa bibig niya.

Sobranie?! Putcha! Ang mahal ng sigarilyo niya. Ano kaya lasa?

Iniwas ko ang tingin sa kaniya. Hindi na rin nagsalita ang matandang lalaking 'to hanggang sa bumukas na ang elevator.

Nagulat naman ako dahil maraming media ang sumalubong sa amin. Nasilaw ako sa mga ilaw ng flash nila kaya tinakpan ko ang mukha at mabilis na lumabas.

“Mr. Sovetsky, Can I interview you?!”

Napapintig ang tainga ko nang marinig ko ang sigaw ng isang reporter. Nakalayo na ako sa media pero parang gusto ko bumalik dahil sa narinig.

Mabilis akong bumalik sa elevator pero wala na roon ang hinahanap ko. Wala na ring mga media na kanina lang ay nagkakagulo. Tumunog ang cellphone ko kaya aligaga kong sinagot ito.

“Oh?”

“I don't want to wait, Alli. You took too long.”

Binaba ko na ang telepono at bagsak ang balikat na nagtawag ng taxi.

Bago ako pumasok sa headquarters ay sinuot ko muna ang mask ko para na rin sa proteksiyon.

“You took too long, Alli-chi!”

Napailing na lang ako nang marinig agad ang boses ni Kian. Kapag kaharap niya ang grupo niya ay parang demonyo ang itsura pero ngayon parang bata.

Umupo at sumandal ako sa sofa. Kumuha ako ng isang balot na banana chips na nakalagay sa babasagin na mesa. May puspos din ng sigarilyo na natira at may mga chichirya na nakakalat.

“Evander and the group passed by so it was messy.”

Nginuya ko muna ang banana chips at nagsalita.

“Hanapin mo at tuklasin niyo kung anong mukha ni Aleksandr Sovetsky.”

Kita ko ang gulat sa mukha ni Kian. Sinindihan niya ang sigarilyong hawak at bumuga.

“You already know his name? Hahaha. That fast?”

“Tss.”

“He is a billionaire who also owns many hospitals and art galleries here in the Philippines.”

Tinaasan ko siya ng kilay. Nakita niya namang nagbago ang expresyon sa mukha ko kaya mahina siyang natawa.

“Aleksandr is more dangerous than Alejandro. He was our inspiration. Maaari nating gamitin ang anak ni Alejandro para makita natin siyang magalit.” natawa pa siya sa huli niyang sinabi.

Who the f*ck is Alejandro?

Parang nabasa niya ang iniisip ko kaya sinagot niya ako kaagad.

“Mr. Alejandro Garcia. Siya ang ayaw namin maging kapartner sa business namin dahil madaya siya. Lalo na ang anak niya.”

Si Augustine? May alam din ba siya sa organisasyon?

“Yung anak ba ni Alejandro ay may alam din sa organisasyon?” tanong ko.

Humalakhak siya. “Siya pa? E ang putanginang 'yon ang dahilan kaya hindi ko nakakausap ang pinsan niya!”

“Sino?”

“Faye Rianne Salvador. My girlfriend since highschool, pinipilit ng batang Garcia na mapaghiwalay kami ni Faye.” kita ko ang galit sa mga mata niya.

Si Faye? Yung nakasabay ko dati sa elevator? Boyfriend niya pala 'tong si kumag, kahit ako papaghiwalayin ko sila e.

Charotski!

Pinadausdos ko ang mga daliri ko sa aking buhok at napabuntong hininga na lamang.

“Si Alejandro ang matinding kalaban ni Aleksandr sa negosyo. Hindi nagpapatalo si Alejandro kahit na si Aleksandr ay hindi naman nakikipagkumpetensya sa kaniya.”

“Anong gagawin ko para mapabagsak natin 'yan?”

“Kailangan natin patumbahin ang bunga bago ang ugat. Paibigin mo ang anak ni Alejandro at kapag nahulog siya sa'yo ay papatayin natin siya sa huli.” napangisi siya pagtapos sabihin iyon.

Nahawa ako sa kaniya kaya napangisi na lang din ako at inisip ang sunod na gagawin.

Putangina, Augustine? Isa ka rin palang traydor.

Maybe We Weren't Meant to be EnemiesWhere stories live. Discover now