Chapter 8

5 1 0
                                    

Nagising na lang ako na may tumatapik sa mukha ko. Dinilat ko ang mga mata ko at nakitang si Mama iyon. Mugto na naman ang mga mata nito, sabi ko kagabi itigil niya na 'yan para hindi mamaga pero tinuloy pa rin.

“Kakain na, Alli.” she said softly.

Ano nakain nito ni Mama? Bakit parang bumait ata?

Nagpunta na ako sa banyo at naghilamos. Sinabihan ko rin si Mama na sumunod na siya pababa para makakain na pero sabi niya nauna na siya. Paniguradong magkukulong na naman siya sa kwarto.

“Magandang umaga, Alli. Kumain kana, umalis na sila Sir dahil may aasikasuhin pa sila.” bati ni Nanay Eli sa akin pagpasok ko sa kusina.

Tumango na lamang ako. Naalala ko na may susunduin pa ako mamaya pero hindi ko kilala iyon... Umupo na ako at kumuha ng mga ulam pang-umagahan.

“Sarap talaga ng mga luto mo, Nay!” puri ko sa kaniya.

Pagtapos kong kumain ay umakyat ulit ako para maligo at magbihis. Susunduin ko na kasi yung hindi ko kilala sa airport. Oh 'di ba? Hindi ko kilala pero susunduin ko? Baliw lang?

“Ma, Aalis na ako. Kumain ka sa tamang oras.” hinalikan ko ito sa noo at lumabas na ng kwarto.

Nagpaalam na rin ako kay Nanay Eli na aalis na. Sumakay ako sa isang kotse ni Mr. Garcia, ayon ang habilin niya.

Matagal ang byahe papuntang airport kaya nagmuni muni muna ako sa pamamagitan ng pagtingin tingin sa mga building na natatanaw ko.

Nakatulog na rin ako at nagising na lang ako sa pagyugyog ng driver sa akin. Nagpasalamat naman ako kaagad at bumaba na. Ang laki pala talaga ng airport na ito 'no? First time ko pumunta dito e, baka maligaw pa ako.

Kinuha ko ang ginawa kong malaking cartolina na may nakasulat na “SINO DITO MAY KILALA KAY MR. GARCIA?! AKO SUNDO MO TANGA!” ayon ang nakasulat. Pumwesto na ako at nakipagsiksikan sa harap saka inangat ang hawak ko.

Nagtitinginan naman sa akin ang mga tao dahil sumisigaw din ako ng “BASAHIN MO 'TO!” nagugulat pa nga ang iba sa akin dahil sinisigawan ko kapag nagtatanong ako na kilala ba nila si Mr. Garcia kaya natatawa na lang ako ng mahina.

May kumalabit sa akin kaya natigil ako sa pagtatanga. Bakit mas matangkad pa ito kaysa sa akin?

“Miss? I know Mr. Garcia... So are you my sundo?” tanong niya na tinuro pa ang cartolina na hawak ko.

“Oo! At bakit ang tagal mo, te?! Pa-VIP ka pa!” sigaw ko at hinila na ang mga maleta na hawak niya.

“Miss, Can you pull my suitcases slowly?” naiinis niyang tanong.

Hindi ko ito pinansin at pinasok na sa likod ng kotse ang mga bagahe nito. Bago ako pumasok sa kotse ay umikot muli ako at pinagbuksan ko muna siya ng pinto.

Hinawi niya ang kamay ko kaya nagtaka ako. “I can do it.” mataray niyang sabi kaya hinayaan ko na lang magyabang.

Pumasok na ako sa kotse, syempre umikot na ulit ako alangan namang siksikin ko siya para makapasok ako???

Katabi ko na siya ngayon at nakapikit siya habang hinihimas ang noo. Kinalabit ko siya, tumingin naman siya sa akin na nakataas ang kilay.

“Ano ka ni Mr. Garcia?” tanong ko.

“I don't want to answer your question.” masungit niyang sabi at pumikit ulit.

CHE! AKALA MO ANG GWAPO!

Hindi na lang ako ulit nagsalita para daldalin siya. Nagulat ako ng magsalita siya na hindi raw siya sa mansiyon ni Mr. Garcia uuwi!

“Take me to my condo, Rolan.” he demanded.

“Teka, b-bakit? I mean 'di ba sa mansiyon ni Mr. Garcia ang diretso?” naguguluhan kong tanong.

“Rolan, explain to her.” nagtitimpi niyang sabi.

“Ah Ma'am Alli, doon po dumidiretso si Señorito kapag uuwi siya sa pilipinas.”

Tumango-tango naman ako. Dumiretso nga kami sa condo niya, nilabas ko ang mga bagahe sa likod at nagpresinta na ako na magbubuhat hanggang condo niya.

“No thanks, I can do it.”

Pumasok na ako sa kotse at nagdrive na rin naman si Kuya Rolan pabalik sa mansiyon. Pagbalik namin ay nandoon na daw sina Alfonso.

“Alli, sino yung sinundo mo sa airport?” bungad sa akin ni Vin.

Hala? I forgot to ask him!

“Hindi ko naitanong e.” napakamot na lamang ako sa ulo.

Hindi ko na sila pinansin at umakyat na lamang sa itaas. Marami pa akong itatanong kay Mama tungkol kay Papa.

“Ma, nandito na ako.” bungad ko pagpasok.

Nakita ko naman si Mama na nagliligpit ng mga damit namin. Tinulungan ko naman siya kapag may mabibigat siyang kukunin. Pagtapos non ay umupo ako sa kama.

“Ma, magtatanong sana ako ulit kung pwede?”

Matagal pa bago makasagot si Mama. “Alli, pagod ka ngayon. Tama na 'yang pagtatanong mo.” seryoso niyang sabi.

Tanghali pa lang naman ha?

Magsasalita pa sana ako ng may kumatok sa pintuan. “Alli, nang-aaya si Xon na mag-inom! Sasama ka ba?” sigaw nito mula sa labas.

Tumingin ako kay Mama at nakita ko namang tumango siya kaya napangiti ako. Makakatikim na ako ng alak pangmayaman!

“Sasama ako, boy!” sigaw ko pabalik at binuksan ang pintuan.

Sabay kaming bumaba at nakita naming naghihintay sina Xon at Alfonso.

“Ang tagal, te!” angal ni Alfonso.

“Ulol, ililibre ka nga lang!” asar na sabi ni Vin kay Alfonso.

Tumawa na lang ako kasabay na pagtawa ni Xon at umakbay pa ito sa akin. Hinayaan ko naman siyang akbayan ako dahil wala namang malisya.

Napagdesisyunan namin na pumunta sa bar daw ng isa pa nilang kaibigan ang pangalan ay Papsi? Ang gago naman ng pangalan 'no?

Nakarating na kami sa bar na tinutukoy ni Xon. Siya ang manlilibre kaya sumusunod lang kami sa kaniya kung saan siya iinom. Pagpasok namin ay usok agad dapat ang bubungad saiyo katulad ng mga normal na bar pero dito ang elegante nitong bar na ito. Halatang pangmayaman lamang.

May bouncer na nagpahinto sa amin at tinanong kung ilan taon na kami dahil nga hindi sila halatang adult, iniharap nila ako sa bouncer.

“Sabihin mo na, Alli.”

“Boy, yung kaibigan nitong ni Xon ay may-ari nitong bar.” napaisip ako kung tama ba ang sinabi ko.

“My name is Xon Cortaga.” mayabang na sabi ni Xon at humarap sa bouncer.

Napalunok naman ang bouncer at pinapasok na kami. May sumasayaw na mga babae sa gitna at may mga mayayamang nakikipaghalikan at nagsasaya dito.

Umupo na sila sa mesa pero ako lumapit ako sa bartender. Ang pogi niya pero ayoko, cinompliment ko lang naman siya pero wala akong nararamdaman sa kaniya.

“Anong tinda niyo diyan?” parang tanga kong tanong.

“Alangan mga alak gaga!”

Natawa ang lalaki dahil sa sinabi ko. “Riesling, Gorgeous.” nakangisi nitong sabi.

“Bigyan mo ako nyang sinasabi mo.” utos ko.

Tumingin tingin ako sa paligid, parang ako lang ang mukhang mahirap dito. Akala ko kasi normal na bar lang putcha pangmayaman pala.

Binigyan niya na ako ng wine na sinasabi niya. Nilagok ko agad ito, para akong tanga nakakalasing kasi first timer ako sa alak na ito pero masarap naman dahil matamis.

“Madame, Riesling has a reputation of being a sweet wine, and if sweet is what you crave, you're in the right place.” sabi nito saka ngumiti sa akin.

Bigla akong nahilo at muntikan ng mahulog pero may nakasalo sa akin.

“Alli!”

Maybe We Weren't Meant to be EnemiesWhere stories live. Discover now