Chapter 11

6 0 0
                                    

Sumalubong kasi sa akin ang abs niyang hindi naman kahubog-hubog. Pumasok na lang ako habang iniiwas ang mata sa kaniyang katawan.

“Who are you?” he asked me.

Umupo ako sa sofa na mahaba. Oo, feel ko masama ugali nito pero maraming bisita. Sa amin kasi kahit bisita ka dapat kumikilos ka pa rin, number one rule! “BAWAL TAMAD!”

“Hey, I'm asking you. Who the hell are you? Are you my freaking stalker?!” galit na sigaw niya sa akin habang nakapamewang na nakaharap sa akin.

Hindi ko pa rin siya sinagot 'tsaka kinuha ang remote at binuksan ang TV na malaki. Sana ganito din amin, yung amin kasi may likod yung TV pero buti nga tumagal pa iyon galing pa 'yon sa Lolo ko.

Pinindot pindot ko yung remote at nilipat ko kahit saang channel. Ang boring naman walang barilan dito puro balita at kung ano ano. Sa huli ay tumingin na lang ako sa mga mata ng lalaking nasa harap ko.

“Alli Salvez, your personal bodyguard.” malamig kong sabi sa kaniya.

Nagulat naman siya sa sinabi ko. “Alli? I think I've heard your name before...”

Hindi ko na lang pinansin ang pagkacurious niya sa pangalan ko, aba siyempre maganda naman ang pangalan ko sino ba hindi magugulat?

“Hindi kita kilala.” masungit kong sagot.

Tinarayan niya ako saka umakyat. Ang arte! Akala mo napaka gwapo, e wala pa nga siya sa kalingkingan ng kagwapuhan ni Lolo... Kung buhay pa...

“Akala mo kagwapuhan!” wala sa sariling nasigaw ko ang dapat nasa isip ko lang.

Sumilip siya. “Yes, I'm handsome!” sigaw niya rin saka umalis at hindi na sumilip.

Habang naghihintay akong bumaba siya ay nilipat ko ulit ang channel ng TV. Manonood muna ako ng Little Pony. Oo, Little Pony kasi may kaniya kaniya kaming role nina Peto, Lileth at Botchok.

Ako si Rainbow Dash kasi nga ako ang pinaka mabilis tumakbo sa aming apat. Si Botchok si Applejack kasi mahilig siya umakyat sa mga puno at hilig niya rin ang mansanas. Si Lileth naman ay character na binigay namin sa kaniya ay si Rarity dahil creative siya sa aming apat at siya ang extrovert. Si Botchok ay si Pinkie Pie, bakit? Siya ang joker sa aming apat at siya ang nangunguna kung pagiging extrovert man ang usapan.

Bakit nga ba My Little Pony yung paborito naming apat? Mga bata pa lang kami pinapangarap na namin makakita ng mga kabayo na may mahahabang buhok tapos katulad lang nila yung rainbow na iba't ibang kulay. Hindi naman masama sa lalaki ang manood ng My Little Pony kasi normal lang naman iyon at hindi nakakabakla.

“Hey, woman.”

Napabalik ako sa reyalidad nang pitikin ako ng lalaking ito. Nakita ko naman ang suot niya, saan ba pupunta 'to? Ay hindi maling tanong sinong kikitain? Kailangan i-update ko si Mr. Garcia para may alam siya.

Nakat-shirt siyang itim na parang puputok na ang biceps niya, nakapantalon na itim siyempre nakasinturon din siya para secured. May nakasabit ding jacket ata sa braso niya, kulay itim din.

Saang lamay naman ito pupunta?

“Sino namatay?” tanong ko.

Tinaasan niya ako ng kilay. Taray naman nito! Baka bading? Attitude masyado.

“Get out, I'm leaving.” masungit na sabi niya.

Kumunot ang noo ko. Bakit niya ako papaalisin kung aalis din naman siya? Baliw ba 'to?

“Sasama ako. As your bodyguard, kailangan kong bantayan ka.” maawtoridad kong saad.

Walang imik na tinalikuran niya ako at lumabas na. Sumunod na rin naman ako. Kinagat kagat ko ang daliri ko kahit pudpod na. Sabay kaming bumaba sa condo niya, hindi ko alam kung saan siya pupunta basta susunod lang ako kung saan siya pupunta.

Sana kung sa lamay siya pupunta may palibreng kape at pandesal. Nagugutom na ako e.

Sumakay na kami sa kotse. Bagong kotse 'to hindi yung kay Mr. Garcia, kay Sungit Boy ata 'to.

“Wow, idol. Ang yaman, porsche ang atake?” pang-aasar ko.

Putcha! Ang pinaka mura dito sa pilipinas na porsche ay ang Porsche 911 ₱ 8,150,000. Pwede na makabili ng maraming bahay, dream ko pa naman magkaroon ng porsche na kotse noong bata ako.

“Boy, ang mahal nito boss ha.” mangha kong sabi saka hinawakan ang kotse. Ang kinis!

“This is the cheapest na kay Dad yung latest. tss.”

Umandar na ang kotse kaya nagmuni muni muna ako. Sana dumaan muna kami sa Jollibee o kaya McDo, nakakagutom maging bodyguard nito.

Nakaidlip na ako dahil sa kagutuman. Nagising na lang ako na maingay ang paligid.

“Ang ganda ng kotse mo, Boss!”

“Bago?”

“Ang pogi talaga niya!”

Tinignan ko kung sino ang mga maiingay, handa na sana akong manuntok nang makita kong nasa tapat kami ng kumpanya.

Kanino 'to?

Bumaba na ako, nakita ko kasing kanina pa nasa labas si Lalaki at inip na inip na ang itsura niya.

“Good Morning, Madame.” sarcastic niyang sabi saka tinarayan ako.

“Hoy sandali!”

Nang makapasok kami ay hinarangan ako ng guard. “Sorry, Miss. Bawal mamalimos dito.”

Anak ng! Ano tingin niya sa akin?! Magmamakaawa na mamalimos sa kaniya?!

“Hoy, hindi ako nagmamalimos. Baka ikiskis ko 'yang mukha mo sa table mo.” malamig kong sabi saka pumasok na lang.

“You're so bagal.” reklamo nitong sabi ni Lalaki.

Aba't ako pa ang mabagal?! Kasalanan ko bang hinarangan ako ng guard.

Pumasok na kami sa opisina kuno niya. Nakita ko naman ang secretary niya na maiksi ang suot. Akala ko pa kumpanya ito? Bakit may paclub girl ang atake na ate?

“Good Morning, Sir.” malambing nitong sabi nang makalapit si Lalaki.

Noong ako naman ay tinarayan ako at hindi ako pinansin. Umupo na si Lalaki sa swivel chair niya, ako naman ay nakatayo lang sa likod niya. Si ate club girl ay tumayo at lumapit sa amin.

“Sir, may nagpapabigay po.”

Inilapag niya ang box sa lamesa. Hindi naman ito pinansin ni Lalaki kaya ako na nagpresinta. Nagulat naman ako ng paluin ni Ate club girl ang kamay ko.

“Si Sir daw po ang magbubukas kasi siya ang binigyan.”

“Let her, Bethel.” maawtoridad na sabi ni Lalaki habang nakapikit pa rin.

Kulang siguro tulog nito. Binuksan ko na ang box at put—! Mga s*x toys ang bumungad sa akin kaya nabitawan ko.

Maybe We Weren't Meant to be EnemiesWhere stories live. Discover now