Chapter 12

255 11 9
                                    

"Ma alis na po ako!" nag mamadali kong sigaw habang pababa ako ng hagdanan namin.

Nakita ko sila Mama at Ate na nag aalmusal na sa kusina.

"Teka akala ko nakaalis kana? Hindi ka pa ba male-late nyan?"

Hindi ko na sinagot si Mama.

Actually 6:30 na talaga ako nagising, sobrang late na nga eh. Saglit na lang akong nakapag ayos ng sarili ko. Tapos pag tingin ko sa relo ko 07:10 am na.

Ang sarap kase ng pag kakayakap ko sa bear ko kagabe at ang init pa ng katawan basta mukhang kakaiba nga eh. Tapos pag gising ko aba naman wala na sa tabi ko yung bear?

Pero naisip ko na lang na baka nananaginip lang ako kagabi na merong ganung bear sa tabi ko.

Bigla kong naalala ihahatid pala ako ni Amerie ngayon sa school. Nawala sa isip ko. Sigurado akong nakabusangot na naman ang mukha ng babaeng yun sa kakahintay sakin.

Nag sapatos na ako. Hindi ko na nga nagawang mag suklay ng buhok ko bahala na sa school na lang.

7:15 na ako nakalabas ng bahay hindi na din ako nakapag breakfast. Tinatawag pa ako ni Mama at sinabi nitong "Anak hintayin mo si –" kaso hindi ko na siya nilingon pa. May sinasabi sya kaso hindi ko na din naintindihan pa yung mga kasunod na sabi nito.

Nakikita kong mukhang uusok na talaga tenga nung babaeng naka upo sa loob ng kotse na nakaparada sa harapan ng bahay namin. Naka baba yung windshield nito kaya kitang kita ko mukha niya.  Hindi nga ako nag kamali sa hinala ko!

"Good Morning!" bati ko sa kanya habang medyo hinihingal pa akong sumakay sa kotse niya.

"Wow. Yun lang?" tanong nito habang nakataas ang isang kilay.

Aga aga na naman nitong mag taray sakin! Ano kaya pwedeng gawin sa kanya para mabawas bawasan man lang yung katarayan nito? Sinalo na niyang lahat nung nag paulan ng katarayan eh.

"Ah.. Eh good morning Amerie!" ayan muli kong bati sa kanya habang nakangiti na tipong labas na gilagid.

Pero wala pa din siyang kibo. Nahiya tuloy kaya itinikom ko na lang yung bibig ko, baka mamaya pala kaya siya ganyan kase may nakita siyang tinga tinga sa gilid ng ngipin ko kaya wala siya sa mood.

Sinipat ng dila ko ang kasulok sulukan ng mga ngipin ko pero wala naman akong tinga saka nag brush kaya ako ng ngipin kagabi at netong bago ako lumabas ng bahay.

"Seriously Allyson yan lang talaga?" sabi niya na naka poker face at humarap sakin.

Napahilamos tuloy ako ng kamay ko sa mukha ko. Ayoko talaga na naririnig yung full name ko kapag siya na. Kase alam kong galit na naman siya sakin kaya ganun.

Napakamot na lang ako sa pisngi ko. Eh hindi ko naman kase alam gagawin ko. Binati ko naman siya ng good morning at inulit ko pa with her name. Pero hindi pa din kuntento.

"Urgh!" narinig ko na lang na sinabi niya. Saka na nya pinaandar yung kotse.

Hindi tuloy ako makatingin sa kanya kase nakakatakot na naman mukha niya na nakasimangot.

Ang aga aga ganito ganito ba naman ang bubungad sayo diba! Siguro red days nito kaya ganito na lang talaga siya kasungit sakin. Ako pa talaga mapag bubuntungan. Hay.

Buong biyahe namin hindi niya ako inimik. Kaya itinuon ko na lang yung tingin ko sa bintana.

Inihinto na niya ang kotse sa tapat ng gate ng school ko.

Nakita ko si manong guard na isasara na niya yung gate kaya nag panic ako.

"Hala!" napa face palm na lang ako, "ano Amerie salamat sa pag hatid ha papasok na ako." nag mamadali kong sinabi sa kanya. Narinig ko na din ang pag click nya ng lock ng pinto ng kotse nya kaya agad na kong bumama.

What? My EX-GF is now our new Teacher?! (Lesbian Story)Where stories live. Discover now