Chapter 2

7.4K 139 2
                                    

Yes! At dahil thursday nga ngayon at wala kaming pasok masarap sanang mag pahinga ng mag pahinga at mag papahinga pa at matulog na din ng buong araw yung tipong gigising na lang ng late na mga tangghali na ganun. Yan ang mga bagay na nasa isip ko na gagawin ko kahapon pa. Naka schedule na yan kaya for sure yan ang aking mga gagawin at aking susundin! Ang kaso mo lang eto ang nangyari… -__-

Malakas at sunod sunod na mga katok ang nag pagising sa akin nung umagang yun kulang na nga lang matanggal at magkalas kalas na yung pintuan ko sa sobrang lakas nung katok. Nasira tuloy yung panaginip ko nun, nakasama ko pa naman siya sa nun panaginip ko, dun na nga lang kami nag kikita eh naputol pa. Kung sino man ang tinutukoy ko? Hulaan nyo haha! Ay de joke lang. Yung ex ko yung tinutukoy ko, baka obvious naman diba? Change topic na nga.

Ayun nga edi dumilat na ko sa pagkakapikit ng mga mata ko haha charot. Nakita ko si mama na nakatayo’t nakapamewang dun sa may harapan ng pintuan ko, nagsasalubong na naman ang mga kilay habang nagsasalita.

“Allyson anak nandyan si Miyuki sa baba. Bumangon ka na nga’t mag ayos asikasuhin mo siya sa baba. Tinutulungan ko si Mara dun sa kusina. Kanina pa kita tinatawag na bata ka eh!”

Hindi ako sumagot nun, malay ko bang tinatawag niya pala ako kanina pa? Ang aga-aga G n G agad! (galit nag alit) Tapos tinignan ko naman yung orasan na nakapatong sa side table ko nakita ko 6:54AM pa lang. Harujusko kaaga aga namang mangapitbahay ng babaeng ‘to! Dinaig pa niya ang nanliligaw eh. Hindi na ba siya nagsasawang mangapit bahay dito? Araw arawin ba?! Daig pa namin ang magsyota eh lagi na lang kaming mag kasama. Di na ba siya nag sasawa sa pagmumukha ko na araw-araw na lang niyang nakikita at kami pa laging ang mag kasama?! hays…

“Bumangon ka nang bata ka dyan ha! Kanina pa siya dun sa baba naghihintay.” Kulang na lang bugahan na niya ako ng apoy eh, aga aga ang init ng ulo. Ano na naman kaya problema nito.

Pagkasabi ni mama nun padabog na niyang sinarhan na yung pinto ko, feeling ko yumanig yung buong kwarto ko eh nung pagkasara niya ng pinto ko. Haaayy. Ako wala naman akong magawa kundi kumilos na, bumangon na ako kahit na labag man sa kalooban ko at nag tungo na sa banyo para maligo. Habang naliligo ako nakapitkit pa rin ako. Inaantok pa ko sobra. Pagkatapos ng ilang mga seremonyas na ginawa ko dun lumabas na ko ng nakatapis lang, nakalimutan ko ba naman kasi yung bathrobe ko pati na din yung damit ko sa kama kaya ayun buti na lang merong tuwalya dito lagi na nakasabit. Yun ang ginamit ko.

Paglabas ko sa banyo syempre agad ko naman sinarado yung pinto nun tapos pag harap ko nagulat ako nung nakita kong may nakaupo sa kama ko! Shimays! Kulang na lang malaglag na ang puso ko sa sobrang gulat ko nun kaya naman napahawak ako ng bongga sa dibdib ko! Si Yuyu lang pala! Kasabay nung pag sara nung pintuan nung banyo, hindi ko naman napansin na naipit pala yung dulo nung towel ko dun sa pinto, geez! Nalaglag tuloy yung tapis ko nun! Oh my gulay! Nakakahiya! Deym! Buti na lang at may suot na ako nung bra at underwear wuaaaaa nakakahiya pa din! Kasi nakatingin siya nun! Nakita niya! >,<

“WUAAAAAHHH!!! Pfft!” kaagad kong tinakpan ang aking dibdib at hinablot ko kaagad ang tuwalya kong nalglag sa lapag para itapis ng muli sa katawan ko.

“Haha don’t worry wala naman akong nakita.” Sabi niya sabay tinakpan niya ng unan yung mukha niya at nahiga sa kama ko.

“Wuaaa! Pfft! Sino ba naman ba kasing nag bigay sayo ng permiso na umakyat dito sa kwarto ko’t pumasok ka na lang ng basta basta ng walang paalam?!” naiirita at pasigaw kong natanong sa kanya. Kasi naman kasi eh! Okay lang naman sakin na nandito siya wala yung problema sakin pero kasi nakakahiya naman yung nakita niya! Nakakabadtrip lang!

“Si tita, pinaakyat niya ko dito, sabi ko dun na lang kita aantayin sa baba kaso pinaakyat niya pa rin ako eh, kaya ayun wala akong nagawa. Sorry.”

What? My EX-GF is now our new Teacher?! (Lesbian Story)Where stories live. Discover now