Chapter 13

216 4 1
                                    

"And now, all I want to do is this. Now you have to pay."


Ilang beses ko pa ding naririnig ang mga huling salita nyang sinabi nya sakin.

Halos mapuyat ako sa ginawa nya kagabe.

Heto ako ngayon inaantok na nakaupo sa may kusina habang inaantay ko sya matapos sa pag luluto nya.

Halos maga-alas dos na nang madaling araw kami nakatulog kagabe dahil sa mga pinag gagagawa nya. Kung ano man yon? Wag nyo nang itanong pa. Tapos ginising nya ako ng 6 para kumilos na daw at hintayin ko daw sya kase sabay kaming mag breakfast.

Bago nya ihain yung pag kain namin ako muna yung pinapak nya ng halik. Ganon na ba nya ako na miss? Hindi pa ba sapat yung nangyari kagabe?

Pero mas gusto ko yung ganitong mood nya, sweet, maalaga, saka tipong kalmado lang. Kesa yung mag ala dragon version sya at yung demanding side nya na medyo nakakainis.

Habang kumakain kami tinanong nya lang ako kung saan ako galing kahapon. Ikinuwento ko naman ng buo yung pangyayari. Pero nag bago agad ang mood nya nung nabanggit ko si Richard sa kwento ko. Halos hindi na nya tinapos ang pag kain nya.

Nag scroll na lang sya sa phone nya.

Okay na sana eh, dapat siguro hindi ko na lang isinali si Richard sa kwento ko.



Nakasimangot syang ihinatid na ko sa school namin.

Bago ako bumaba ng kotse nya kiniss ko na sya sa pisngi at nag pasalamat. Na-appreciate ko naman yung effort na ginawa nya sakin na pag luto at pag hatid sa school ko.

Pero wala syang kibo nung bumaba ako ng kotse nya. Para nga syang walang narinig nung nag paaalam na ako sa kanya. Hinayaan ko na lang sya. Bahala na mamaya.

Pumasok pa din akong walang bag. Hanggang ngayon hindi ko talaga alam kung nasaan yung gamit ko. Pati kase cellphone ko nandon sa loob non.


"And now, all I want to do is this. Now you have to pay."


Hanggang ngayon malaya pa ding nag lalaro sa isip ko ang mga salitang yan.

Halos maputulan ako ng hininga kaka halik nya sakin kagabe.

I tried to stopped her naman from time to time, pero the more na ginagawa ko ang bagay na yon. Mas lalo lang nyang dinodoble.

"Hoy lalim ng iniisip natin ngayon ha? Okay ka lang?"

Nawala ako sa malalim kong pag iisip ng biglang agawin ni Mau ng kanyang tanong ang aking atensyon.

Napatingin ako sa kanyang mukha. Mukha talangang kasuklam suklam. Char. Haha!

Napa tango na lang ako bilang sagot sa kanya. Ni hindi ako makapag salita. Hindi ko nga alam kung ano ang isasagot ko sa simple nyang tanong.

"Kung oo pala bakit ganyan ang reaksyon ng mukha mo ngayon? Para kang sinakluban ng langit at lupa dyan." Dagdag pa nito.

"Eh kung ganyan din ba naman kase ang unang mukha ng taong mag tatanong sayo be, ke aga aga kahit ako ganyang reaksyon din isasagot ko sayo Mau." Sarcastic na sabat ng kakarating lang na si Ericka habang umupo sa tabi namin. Wala na talagang tatalo sa ka-sarcastic'an taglay nito. Pero natawa din ako.

"Masyado ka namang makapang lait sakin. Ganda ka?!" Angal nitong sagot.

"Kung ikukumpara lang naman sayo syempre yes ang sagot." Sabi nito sabay hila ng buhok ko at sabing "tirintas kita girl gusto mo?" Hinayaan ko lang sya sa gusto nyang gawin sa buhok ko.

What? My EX-GF is now our new Teacher?! (Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon