Chapter 11

4.2K 99 55
                                    

"Good Morning bitches!" bati nang kung sinong endangered na nilalang, kasabay ng tunong ng malakas na hampas ng dalawang kamay na mula sa teacher's table. Ang sakit sa tenga ang sarap ingudngod mukha sa lamesa eh.

Hindi na ako na abalang tignan pa kung kanino nag mula ang boses na iyon. Sayang lang effort ko.

"Tsk! Ang aga hyper mo na naman!" -Ericka

"Ano pa ba aasahan mo masanay ka na. Oh anong bagong chika mo?" -Lovely

"Mamaya na iyon! Kamusta weekends nyo mga friends?" masayang tanong ni Mau saming lahat.

"It's pretty good without you." at sarcastic namang sinagot iyon ni Miyuki.

"Harsh mo naman Miyuki. Hindi mo ba ako namiss man lang?"malanding hirit pa ni Mau. Sarap tuktokan sa ngala ngala eh.

"Mag kakamissan pa ba kayong dalawa eh diba nga halos buong weekends mo siya ka-text Mau?" basag dito ni Lovely habang nag papaypay.

Sa sinabi niyang yun dun na yung time na napatingin ako sa naka ngangang si Mau.

"Oo nga pati ini-screenshot mo pa nga diba tapos isine-send mo samin sa messenger." pang lalaglag na dugtong naman ni Ericka dito.

Taka akong napatingin kay Miyuki saka din ito bumawi ng tingin sakin. Ngayon alam ko na kaya pala halos kahit hindi ko siya gaanong nakasama sa mga lakad namin sa Corregidor eh mukhang okay lang sa kanya.

Pero bakit nakaramdam ako ng konting selos sa mga naririnig kong iyon?

"Oh huwag ka ng mag kaila pa Mau kase nakita kanina lahat ni Miyuki yung convo sa cellphone ni Lovely." -Ericka

"Wala akong nagawa girl kase kunuha niya sakin cellphone ko." cool lang na sabi ni Lovely.

May nangyayari na palang ganun sa tabi ko bakit hindi ko man lang napansin iyon? Kung sa bagay wala nga pala akong pakelam sa paligid ko. Sa ibang bagay nakatuon atensyon ko.

Na hanggang ngayon binabagabag pa din ako ng isip ko. Hmm.

Kinuha ko na lang ang earphone saka cellphone ko sa bag bago pa ako makarinig ng hindi ko ng bagay na hindi kanais nais at masira pa ang umaga ko.

Pagka open kong phonw ko merong 35 miscall at 55 unread messages galing sa unknown number.

Ito pa naman ang pinaka ayoko sa lahat eh yung ibinibigay kung kani-kanino yung number ko ng walang paalam sakin.

Tapos nagulat ako kase sakto bigla na naman ulit tumawag yung number sakin.

Naramdaman kong napatingin si Miyuki sa hawak kong cellphone kaya agad ko na lang naibinulsa iyon at lumabas na lang muna ako ng classroom para sagutin yung tawag. Maaga pa naman para sa first subject namin kaya sa garden ako nag punta.

"Hello?"

"ALLYSON ANO BA KANINA PA AKO NATAWAG SAYO BAKIT BA ANG TAGAL MONG SAGUTIN HA?!" sigaw ng babae sa kabilang linya.

Aba ayos ang agang manigaw nito ah!

Hindi ko na kinailangang tanungin pa kung sino yung nasa kabilang linya kase siya lang naman gagawa nito sakin eh. Sino pa nga ba?!

"Bakit ka ba napatawag alam mong nasa school ako tapos tatawag ka. Required ba na sagutin ko yan kaagad?!" pag tataray ko.

"YES OF COURSE! KASE GIRLFRIEND KITA-" bigla siyang nanahimik at hindi na niya naituloy ang sasabihin nang may biglang sumingit...

"Allyson!"

Napalingon ako sa likuran ko kase may tumawag sa pangalan ko.

Nakita ko si Richard na papunta sa kinatatayuan ko. Isa siya sa mga kilala sa school namin palibhasa kase MVP player ng men's volley ball. Sabagay gwapo din naman kase ito.

What? My EX-GF is now our new Teacher?! (Lesbian Story)Where stories live. Discover now