Chapter 16

152 6 22
                                    

"Ate may boyfriend ka na?"

"Wala." agad na sagot ni Amerie habang natatawa.

Nandito kami ngayon Moa sa may Baywalk. Dinala kami ni Amerie dito. Since wala naman daw kaming gagawin sa bahay kesa naman daw ma bored lang kami kakanuod ng tv don. Kaya inaya na lang nya kaming kumain ng ice cream sa tabing dagat.

Presko ang hangin dito. Masarap din tumambay.

Bumili kami ng ice cream, no actually inilibre kami ni Amerie tapos nag hanap hanap ng pwedeng upuan malapit kung saan mas tanaw namin yung dagat.

Napili naming maupong tatlo sa may batuhan. Sa kaliwa ko si Mau at katabi nya sa dulo si Miyuki. Tapos ako sa kanan ko si Amerie pero nakatalikod sya sa may dagat.

"Al look at your ice cream! Natutunaw na." sabi nito tapos hinawakan nya yung wrist ko then dinilaan nya yung part ng ice cream na natulo papunta sa daliri ko.

Nagulat ako sa ginawa nya ang dami pa naman tao dito.

"Amerie meron namang tissue eh. Paabot na lang. Kung ano na naman gingawa mo. Daming nakatingin oh!"

Hindi na sya sumagot pero mapang akit lang syang tumingin sakin. Tapos tawa nya pa. Pero inabutan din naman nya ako ng tissue pag ka tapos non.

"Hala may paganon si Ate a ng galing!" sabi ni Mau kaya napatingin ako sa kanya. Tapos tumingin sya kay Miyuki sabay sinabi ba naman na, "Miyuki oh natulo na din yun sakin dilaan mo na din!" parang batang utos nito kay Koryanang hilaw.

Sarap ilublob mukha sa dagat! Itulak ko kaya sya don para anurin na papalayo?

"Gago ka ba! Dang baboy mo Mau! No way asa kang didilaan ko yan! Manigas ka dyan." nandidiri nitong iwas.

"Bilis na Miyuki natulo na oh! Tutulo na din sa damit mo 'to sige ka!" sagot ba naman nito habang pinag duduldulan yung kamay nyang may ice cream na natulo na.

"Ilayo mo nga sakin yan Mau dang baboy mo talaga!" inis na sabi nito.

"Sige na kase Miyuki parang wala naman tayong pinag samahan!" sabay lapit pa ulit nito sa mukha ni Miyuki na diring diri na sa ginagawang katangahan ni Mau.

"Bakit mo kase kinagat yung pinaka dulo ng apa?! Saka anong tingin mo sakin?" sabay irap nito sa kanya, "Ayan oh kita mo yung aso na yon? Ayan oh palapit na sayo dyan mo padilaan! Para pati kamay mo lapain na nya. Hindi ka mag sisisi."

Pati si Amerie humahagalpak na nang tawa dito sa tabi ko. Hawak hawak na nya tyan nya kakatawa. Halos na mumula na din buong mukha nya.

"Pangit mo ka-bonding Miyuki!"

"Ay wow ha?! Ako pa ngayon ang pangit ka bonding Mau? Nag salita!"

"Parang hindi naman tayo mag katabing natulog sa higaan kagabe ah!" pa tampo tampo pa nitong kinunsensya si Miyuki.

"Eh ano naman! Hindi naman porket mag katabi tayo kagabe didilaan ko na yang kamay mo! Asa ka uy! Ano ka gold?" iritado nitong sagot.

Sabay humarap sakin si Mau pati itinutok nya talaga sakin yung kamay nyan may ice cream na natulo, "Allyson baka naman?" nakangisi pa nitong sabi.

"Iw ka kamo Mau. Ilayo mo sakin yan Mau baka hindi kita matantya dyan." hinawi ko yung kamay nyang punong puno ng ice cream. Muntik pang tumulo yung iba sa damit ko.

"Akin na Mau ako na nga lang ang didila dyan kung ayaw nila." suhestyon ni Amerie na kanina pa tawa tawa sa kalokohan nung dalawa.

Tapos gusto na din nya dumila sa ice cream ng iba?

Sabay akma na nyang kukuhanin yung kamay ni Mau. Kaya tinabig ko yun at napunta yung atensyon ko kay Amerie.

"Tantanan mo nga Amerie yang kadugyutan ni Mau huwag ka nang sumali sa kanila."

What? My EX-GF is now our new Teacher?! (Lesbian Story)Where stories live. Discover now