Chapter 1

12.2K 242 10
                                    

Woah bigla naman akong ginanahan mag update na! May nagbasa at nag vote na agad kasi eh haha! Pakiss nga haha charot… Thank you pala :*

---

 

“Girls! Wala tayong pasok bukas! Yehey!!” Masayang balita samin ni Mau habang hinihingal-hingal at nakahawak pa sa dibdib nya na nag a-announce sa harapan namin. Si Mau ang isa sa mga maingay at napaka chismosa naming kaibigan. Lahat ng chismis tungkol sa mga classmates, schoolmates, teachers, at ulitimo yung pinagmulan ng skwelahan namin alam din ata ng taong ito.

“Oh bakit naman? Anong meron at walang pasok ha?” agad na tanong ni Ericka. Si Ericka naman ang pinaka maarte at pinaka suplada sa lahat. Tapos kada minuto ata lagi siyang nakaharap sa mahiwaga niyang salamin at nagpupulbo, nagli-lipstick at kung anu-ano pa. Minsan nga eh kinakausap niya ata sarili niya dun. Weird.

“Wait wala namang holiday or event something na gagawin bukas right?” sabat naman ni Lovely. Sa pangalan pa lang siguro alam na! Siya naman yung taong hindi nawawalan ng boyfriend. Tipong parang linggo linggo may iba-ibang boyfriend. Yung bang malalaman mo ngayon break na sila nung guy, then kinaumagahan merong bago na naman.

“Girls wait!” putol nyang sabi sa mga sunod-sunod na tanong ng mga ito habang nakataas pa ang mga kamay nito na parang sumusuko na. “Girls pwede isa-isang tanong lang? Jusme isa lang ako tatlo kayo! Oh ikaw Ally wala kabang itatanong baka gusto mo ring makisali?” sarcastic nitong sabi saakin.

“Wala.” Sagot ko sabay irap at tumungo akong muli sa aking desk.

“Nako! Ano na naman bang nangyari don ha? Sungit naman.” Tanong nito.

“Oa much Mau? Eh dalawa pa lang naman silang nagtatanong!” sabat ni Miyuki.

 “Kanina pa yan wala sa mood. Atsaka umpisahan mo na nga yung dahilan kung bakit wala tayong pasok bukas?” mataray na sabi ni Ericka.

“Okay eto na! napaka HB naman ngayon ng mga taong ‘to. Eh kasi kasal na nga daw ni Ma’am Torres sa Friday diba? Hmm kaya lahat daw ng teachers pupunta, eh sa Palawan pa daw gagawin yun, saka sagot daw kasi nung lalaki yung pamasahe nung mga teacher sa buong faculty kasi kasosyo ata yung tatay nung lalaki dun sa airport chuchu… so kaya ayun, then mamayang hapon wala na daw ata tayong gagawin, free time daw pero hindi pa tayo pupwedeng makauwi. 5 pa tayo papalabasin.”

“We-we-we-wait! Stop!” putol ni Miyuki. Si Miyuki may lahi siyang Koreana pero dito na siya lumaki sa Pinas, Siya naman ang pinaka close ko sa lahat. Sa kanya din ako nag she-share ng mga secrets ko at kung ano-ano pa. Kababata ko kasi siya at kapitbahay pa. At siya lang din ang nakakaalam kung anong nakaraan meron ako. Yuyu ang tawag ko sa kanya, tsaka gusto daw niya na ako lang ang tatawag ng ganun sa kanya. Then ang lagi naman nyang kabangayan sa lahat ng bagay ay si Mau. Sa tuwi-tuwinang binubwisit ako ni Mau nanjan si Yuyu para ipagtanggol ako. “Diba Thursday pa lang bukas? So bukas ibig sabihin may pasok tayo at sa Friday lang ang wala dahil nga kasal ni Ma’am? Am I right?”

“Oh onga pala nakalimutan ko haha! Bukas nga pala Thursday wala din pala tayong pasok hehe. Peace. Kala ko kasi Thursday ngayon Wednesday lang pala.” Kakamot-kamot niyang sagot. “Ia-announce din naman satin yan, maya-maya konti kaya antayin nyo na lang. haha”

What? My EX-GF is now our new Teacher?! (Lesbian Story)Where stories live. Discover now