Chapter 15

146 3 9
                                    

10:45 am na pala pag tingin ko sa side table ko kung saan nandon ang orasan ko. Late na ako nagising saka sabado naman ngayon. Kaya Siguro hindi na din ako ginising pa ni Amerie.

Wala na din pala sya sa tabi ko pag tingin ko sa kanan ko. Anong oras kaya sya nagising kanina?

Makapag cr na nga muna ako bago ko sila puntahan.

Nung matapos na akong nag hilamos at nag toothbrush agad ko silang pinuntahan sa baba.

Nakita ko naka ayos na din yung hinigaan nila sa isang tabi. Maayos na ulit tignan yung sala namin. Dun kase sila natulog kagabe nila Mau.

Dumiretso na ako sa kusina namin since wala namang tao sa may sala namin.

Duon nakita ko si Mau nakaupo habang at nainom ng juice nya.

"Asaan sila?"

"Late ka na gumising! Kaainis ka kanina pa ako nag aantay!" pambungad nito.

"San nga sila?"

"Si Miyuki dinaanan dito ni Ericka kanina dahil dun sa order daw ng mama nya. Eh diba weekends ngayon kaya may sideline na naman si Ericka."

"Eh si Amerie?"

"Bakit Amerie lang tawag mo sa kanya? Hindi ba mas matanda sya sating lahat?"

"Sagutin mo muna kaya tanong ko hindi yung tanong din lang ang isasagot mo sakin." iritado kong sabi sa kanya habang kumuha ako ng pandesal at nilagyan ito ng palaman saka naupo sa harapan nya.

"Ang sungit mo aga aga Allyson." pairap nitong sabi, "Si Ate nag paalam kanina na pupuntang market daw kase bibili daw sya ng grocery para sa lunch natin. Nag volunteer nga akong samahan sya pero sabi nya lang sakin maiwan na ako dito kase mag hahanap ka ng kasama mo daw lalo kapag gising mo."

"Ah okay." yan na lang naisagot ko wala naman akong ibang sasabihin pa eh.

Mantakin mo naisip pa pala ni Amerie yung ganong bagay?

Nung na bored ako sa kaharap ko, inaya ko na lang sya manuod ng tv.

Kaso mo wala din lang naman magandang panuorin.

Kung si Miyuki na lang ang naiwan edi nakapag usap pa kaming dalawa at baka naayos na namin yung tampuhan.

"May tanong ako sayo Allyson." putol na tanong ni Mau sa katahimikan namin.

"Sige ano yon? Siguraduhin mo lang na maayos tanong mo."

"Oo na! Wala pa nga eh!" inis na sabi nito, "Kayo ba talaga ni Ame-Miyuki?"

"Nino?" naguguluhan kong tanong.

"Kayo ba talaga ni Miyuki?"

"Hindi." diresto kong sagot dahil yun naman talaga ang totoo. "Bakit mo pala natanong?"

"Alam mo naaawa ako sa kanya."

"Bakit mo nga natanong at bakit ka naaawa sa kanya? Ano meron?"

"Kagabe kase after mo umakyat sa taas non, bigla syang umiyak." sagot nito habang kinakalikot yung kung ano dun sa daliri nya.

"Oh bakit naman sya umiyak? Pinaiyak mo sya no?!"

"Hindi ah grabe ka sakin!"

"Eh ano nga bakit daw sya umiyak?"

"Papatayin ako non kapag sinabi ko sayo Allyson!" medyo ninenerbyos nitong sagot habang kamot kamot na sya sa ulo nya.

Bakit naman iiyak si Miyuki eh okay naman sya nung iwan ko sila sa baba kagabe.

Dahil ba kaya yun sa nakita nya samin ni Amerie kagabe dun sa kwarto?

Hindi kaya yun ang dahilan? Pag sasalitain ko itong si Mau. Sa ayaw at sa gusto nya.

What? My EX-GF is now our new Teacher?! (Lesbian Story)Where stories live. Discover now