Chapter 17

104 6 2
                                    

"Amerie wag mo na muna akong ihatid. Dadaanan daw ako ni Miyuki ngayon."

"Oh himala yata at okay na kayo ng jowaers mong hilaw?"

Sinamaan ko lang sya ng tingin. Aga aga na naman nya kaseng mang asar.

"Susunduin kita mamaya pag uwian nyo. May pupuntahan tayo."

Nag iisip ako kase kung papayag ako sa kanya, kase alam ko may gagawin kaming group project dun sa bahay ng classmate ko pag uwi. Tinext kase nila ako kagabe na kasama pala ako sa group nila.

"Eh paano kapag may kailangan kaming gawin after school like project or report?" tanong ko habang nasubo ng tinapay na inabot nya sakin.

"Hindi ba pwedeng ipag paliban mo muna yung gagawin nyo?"

"Hindi ko alam Baka kase importante yon or-"

"Anong hindi mo alam? Sigurado namang hindi lahat kayong nasa grupo nyo mag aambag ng idea don sa gagawin nyo. Katulad na lang last time nung nandito kayong lahat sa bahay nyo, puro pag haharutan lang ginawa nila Mau at yung jowaers mong hilaw, ikaw kumakain tapos yung dalawa lang ang kumikilos!"

"Pwede ba Amerie hindi ko nga kase sya jowa. Mga napupulot mong pauso ni Mau at pinapaniwalaan mo pa."

"Kahit kase biro lang ng kaibigan mo yung mga ganong bagay may pakiramdam din naman ako Allyson! Ang hirap kase sayo masyado kang manhid." sagot nito tapos halos padabog nyang hinagis yung kinakain nyan tinapay sa plato nya.

"May kumakatok sa pintuan! Buksan mo na baka yan na yung kaibigan mong koryana. Maliligo na ako at aalis ako ngayon. I lock mo na lang yung gate pag alis mo." pa-irap pa nitong sabi sabay mabilis na umakyat sa kwarto namin.

Ang aga nyang topakin na naman.

Sya naman kase yung nauna ah. Tapos sya pa ngayon ang magagalit?

Nakakainis sya.

Inubos ko na yung tinapay at juice. Tumayo na din ako para kuhanin yung bag ko.

Saka may cash akong nakita sa center table sa sala. Muntik ko pang makalimutan.

Sya din kase ang nag aabot ng pera sakin. Sa kanya pinapadala ni Mama yung pera para pang gastos namin sa bahay saka yung sa allowance ko. Kung sakin daw kase ibibigay ng buo baka maubos agad yon.


"Good Morning Ally, ready ka na?" pambungad ni Miyuki ng pag buksan ko sya ng pinto.

Tumango na lang ako bilang sagot.

Lumabas na kami saka ko ni lock yung gate. Hindi na din ako nakapag paalam pa kay Amerie. Mukhang may topak na naman kase eh.

Napalingon ako sa may bintana ko kase parang may nakatingin sakin.

Nakita ko naksilip nga don si Amerie.

Kumaway ako kaso bigla nyang hinarang na yung kurtina.

Napasimangot tuloy ako. Tapos hindi ko alam kanina pa pala ako tinitignan ni Miyuki sa tabi ko.

Binigyan nya lang ako ng matipid na ngiti.

Hinila na nito yung kamay ko saka kami sumakay na sa bus.

Saka mabilis din naman kaming nakarating sa school.

Halos kakadating lang din pala ng mga kaibigan namin.

Umupo na ako sa pwesto ko saka tumabi sakin si Miyuki.

"Oh okay na kayo?" tanong samin ni Lovely.

Feeling ko naman okay na siguro kami ni Miyuki. Nag uusap naman na kami. Pero hindi pa din makakaila na medyo may pag kakailangan pa din sa pagitan namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 20 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What? My EX-GF is now our new Teacher?! (Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon