Chapter 46: Magsisimula Na

4 0 0
                                    

Sa isang madilim na lugar ay nagtipon tipon ang nga demonyo . Makikita sa mukha nila ang galit

"Sinabi kona sayo, anghel yan!" ani ng orger

"Hindi ako makapaniwalang anghel sya ,kaya pala minsan kakaiba ung nararamdaman ko . Yung tipong gustong gusto ko syang patayin at pahirapan" ani naman ng isang demonyong baboy

" Tayo dapat ang namumuno sa mundong to ! Tayo ang kinakatakutan ng lahat ! Tayo ang nag uudyok sa mga tao na gumawa ng masama at magtanim ng galit sa mga taong yan ! Huwag tayo mag pakampante na papamunuan tayo na takot sa anghel at nakikipag kaibigan sa mga anghel !! Ang mas masaklap ay nakipag isang dibdib pa ang namumuno satin !! Sa ikalawang araw , mag titipon tayo upang mag rebelde ! Agawin natin ang trono at tapusin ang namumuno satin ! Hindi natin kailangan ng pinunong hindi tayo kayang ipag laban !" ani ni Lucifer

"Pero isa ka ngayong tao ,pano ka makakalaban ?" tanong ng butiking halimaw

"Kaya ko pa rin naman lumaban  " naka ngisi nitong ani

"Ikaw naman kase talaga ang totoong namumuno sa impyerno,Ikaw ang sinundan namin hindi si Hades " ani ng nakakarami

Halos lahat ng mga halimaw at demonyo ay nais mamuno sa empyerno . Lahat sila ay nais nang makipag laban

"Unahin natin ang babaeng to" dugtong pa ni Lucifer at binato ng dart ang picture ng isang anghel na nasa black board

"Baka gusto nyo kong isali dyan?" nakangising tanong ng isang lalaki at nag lakad ,binigyan naman sya ng daan ng mga halimaw

"Anong ginagawa mo dito ?" tanong ni Lucifer sa lalaking dumating

"Sabihin na nalang nating ... sasali ako sa himagsikan" ani nya at may ibinato kay Lucifer "Nakuha ko yan sa gamit ni Hades ,mapagkakatiwalaan kase ako kaya nagawa ko yan . Sa impyerno ,hindi dapat ipinapairal ang tiwala " nakangising sabi nya

"Ayusin mo lang baka pati ako traydorin mo"seryoso namang sabi ni Lucifer

"May dahilan ako kung bakit ako makikipag alyansya sayo , Lucifer. Hanapin kona rin muna si Succubus dahil panigurado sasang-ayon din yon sa plano mo ,lalo na't pareho kami ng pakay" ani ng lalaki at bigla nalang nag laho sa hangin

Ininom naman agad ni Lucifer ang likidong nasa boteng ibinigay ng lalaki at wala pang isang segundo ay naramdaman na kagad nya ang lakas nyang dumadaloy sa mga ugat nya kaya naman humalakhak sya sa galak at nag diwang ang mga halimaw
.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Diana's POV

Katatapos ko lang mag luto kaya naisipan kung puntahan sila Daedae at si Haruhi sa school .

The Demon Prince and The Importunate AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon