PROLOGUE

174 16 15
                                    

#Unedited
READ AT YOUR OWN RISK!

Mabilis kong isinukbit ang bag ko sa likod ko at nagmamadaling lumabas ng kwarto.

"Lesya wait!" Sigaw ni Jeca nasa loob pa sya ng kwarto nya at siguradong naramdaman nun na tumatakbo ako palabas ng Dorm namin.

"Bilis na! Late na tayo!" Pasigaw na sagot ko pero hindi ko na sya hinintay at lumabas na.

Hindi naman kalayuan ang Dorm namin sa school pero kung maglalakad pa ako  tiyak na hindi ko na maabutan ang first subject namin ngayong umaga.

Tumakbo ako ng mabilis at hindi na pinansin ang nagugulong buhok. Sa room ko nalang ayusin.

"Excuse me, excuse me--" Nagmamadaling sabi ko sa mga estudyanteng nakasalubong ko sa hagdan.

Paakyat na ako ngayon sa Thirdfloor ng building namin.

"Sorry!" Mabilis na sabi ko ng mabangga ako sa isang lalaking estudyante.

Nahulog ang mga daladala nito at nagkalat ang mga libro sa sahig.

"Naku sorry talaga pero nagmamadali talaga ako, peace!" Pilit na nginitian ko ito at buti nalang mabait si kuya tinanguan nalang ako.

Nakarating ako sa floor naming at hinihingal na pumasok sa classroom.

"Good morning, Miss Carranza!" May kalakasan na bati ko.

Hindi na ako nag-abalang tumingin sa table nya dahil ayaw kong makita ang nakakatakot nyang aura. Ayaw nya sa lahat yung late comers.

Nakayuko akong naglakad sa pinaka last row kung saan ako nakaupo.

"Bwahahahahahahahaha!" Biglang hagalpak ng tawa ng mga kaklase ko. 

Bakit sila tumatawa...

Tumingin ako sa unahan at sa teacher table na nasa gilid at viola! Wala naman doon si Miss Carranza! Kaya pala sila nagtatawan kasi nagmukha akong tanga.

"Ang epic nung itsura nya Bwahahahha!" Malakas na tawa ni Shenon kaklase kong lalaki.

"Yung mukha nya nang sabihin na Good Morning Miss Carranza Bwahahahha! Ang epic namumutla pa!" Malakas na tawa ni Kai na ginaya pa ang tuno ng pagkakasabi ko kanina.

Shocks! Nakakahiya. 

Nagtatawanan parin sila kaya naman napayuko nalang ako. Buong akala ko kasi nandito na si Miss Carranza wala pa naman pala. Sana bumuka ang sahig at lamunin nalang ako, nakakahiya!

"Akala ko kasi nandito na si Miss..." Naibulong ko nalang para mabasan ang pagkapahiya.

"Uso din kasi Lesya ang icheck muna si Miss bago mag good morning bwahahahaha!" Tawa rin ng katabi kong si Yurkie.

Sinimangutan ko sya. Isa pa ah kainis!

Maya maya ay humupa rin ang tawanan pero napapangisi parin ang mga kaklase ko tuwing natatapunan nila ako ng tingin dito sa likod.

"Good morning Accounting students! Miss Carranza will not come today but She has an announcement." May dalawang estudyante na pumasok sa room namin.

I Crush You SirOù les histoires vivent. Découvrez maintenant