CHAPTER 1

66 14 4
                                    

#Unedited
READ AT YOUR OWN RISK!

Age

"I'm sorry, Hindi na mauulit." Kinagat ko ang pangibabang labi ko para maiwasan ang mautal.

Napayuko ako dahil hindi ko kayang labanan ang mga titig niya. Masyadong malamig nakakatakot, nagsusumisigaw iyon ng awtoridad.

Tahimik ang buong klase at tila ang paghinga lang ng bawat isa ang maririnig mo. Nag iba talaga ang atmosphere ng room namin mula ng pumasok itong si Sir.

Makalipas ang ilang sandali ay naglakad ito pabalik sa unahan. Nanatili naman akong nakayuko. Pakiramdam ko maling galaw ko lang mahihimatay na ako sa sobrang kahihiyan.

"Once again, I'm Ace Cavin Ledezma." Seryusong sabi nito sa'min. Naghintay pa ako kung may sasabihin pa syang iba pero hindi na iyon nasundan pa.

So yun na yun? Yun lang pangalan nya lang? Yung school kung saan sya nanggaling hindi nya man lang sasabihin? Nice. Ang strict naman nito pare-pareho lang naman kaming student dito ah. Pinagkaiba lang nasa mataas na level na sya.

Wala nga si Miss Carranza mukhang strikto rin ang student teacher na pumalit sa kanya. Kakaumay.

Naramdaman ko ang pagsiko ni Yurkie sa'kin.

"Ang chaka girl ah? Balak mo pang murahin si Sir Ace." Masungit na sabi nya sinimangutan ko naman sya.

"Hindi ko sya mumurahin kanta kasi yun." Paliwanag ko.

"I know pero hindi pa rin tama buti hindi na confiscate yang cell phone mo."

"Subukan nya lang." Hamon ko at tiningnan si Sir sa unahan at tila lumundag ang puso ko sa kaba ng makitang nakatingin na ito sa'kin.

Bago pa man mahalata ni Yurkie na kinakabahan ako ay nag iwas na ako ng tingin. Shit lang ah.

"Tommorrow we will start our lesson, but for now I want you to introduce yourself first here in front."  Sabi nito na halos ika gulat ko.

Naghiyawan naman ang mga kaklase ko.

Ano ito first day of school? Bakit kailan pang mag introduce yourself, yung adviser nga namin walang ganun. Grabe kaartehan ganoon ba sa school nila?

Tila wala namang problema sa mga kaklase ko ang pumunta sa gitna at magpakilala mukhang mas pabor pa ito sa kanila lalo na sa mga babae dahil magkakaroon sila ng pagkakataon na matabihan nila ang Student Teacher namin.

"Good morning Sir Ace, I'm Janina Gail Aguilar, 18 years old."

"Good morning Sir Ace! I'm Mae Bernardo 18 years old."

"Good day Sir Ace, I'm Luisa Casero 18 years old, anyway sir ang gwapo mo po!" kinikilig na sabi ni Luisa  nagtawanan ang mga kaklase namin.

Tiningnan ko ang itsura ni Sir pero hindi man lang nagbago ang emosyon ng mukha nito. Hindi naman mukhang galit pero hindi rin naman mukhang natutuwa. Para bang normal na sa kanya ang masabihan ng ganun.

Yabang.

Marami pang pumunta sa gitna at nagpakilala pero nang ako na ang sunod ay bumalik na naman ang kaba sa dibdib ko.

I Crush You SirWhere stories live. Discover now