CHAPTER 13

26 0 0
                                    

#Unedited
READ AT YOUR OWN RISK!

Confession

"Are you okay?"

Papasok na sana ako sa cottage namin ng biglang may humawak sa kaliwang braso ko. Nanglingunin ko ito ay bahagya pa akong nagulat ng makitang si Ace 'yon.

Parang lumundag ang puso ko ng makita sya. Sinundan nya ako? Bakit?

Yan dahil sa mga galawang yan nahuhulog ka. Kung hindi mo napapasin pa fall sya Lesya at kung ipagpapatuloy mo pa yang nararamdaman mo sa kanyang magmumukha ka lang tanga.

Naipilig ko ang ulo ko sa mga pumasok na iyon sa isip ko.

"Nasaan ba ang mga kaibigan mo bakit mag isa ka?" Tanong nya.

Hindi naman sya mukhang galit pero hindi rin naman mukhang natutuwa. Hindi ko napigilan ang lihim na mangiti. 

Ang maisip na sinundan nya ako dito sa cottage namin without reason ay isa ng dahilan para maibsan ang lungkot ng puso ko.

"Ikaw nasaan ang pamilya mo?" Tanong ko rin sa kanya.

Tumaas ang isang kilay nya na para bang may nakakatawa akong sinabi.

"Ofcouse they're at our house." sagot nya ako naman ngayon ang naguluhan.

Kumunot ang noo ko. House? Nakikita ko pa nga lang sila kanina magkakasama. Nice joke, Mr. Ledezma.

Hindi ako ka agad nakasagot kaya nagsalita ulit sya.

"Wait, sino ba ang tinutukoy mong pamilya ko?" Pigil ang ngiting tanong nya.

Napanguso ako.

"Yung babae kanina tapos yung bata na tumawag sayong Daddy sige ideny mo." sagot ko at hindi napigilang irapan sya.

Sa halip na magalit sya sa inasal ko ay lumabas ang magagandang ngiti sa labi nya bago umiling, umiwas naman ako ng tingin.

"Damn, you're so cute, mas cute ka pa kay Acetell." Namamanhang papuri  nya na hindi ko talaga inaasahan.

Sinabi ba talaga nyang cute ako?

"Oo mas cute naman talaga ako sa anak mo tsk!" Laban ko pa bago sya inirapan ulit.

"Hindi ko anak si Acetelly kaya anong sinasabi mo dyan, Miss Del Mundo?" Nanunyang aniya.

Naasar ako sa tinawag nya sa'kin kaya nakatanggap muli sya ng irap.

"Kung hindi mo sya anak bakit Acetelly ang pangalan nya? Mukhang galing pa sayo yung Ace?"

"Terriell is my ex when we are in highschool at yung anak na nakita mo anak nya iyon sa ibang lalaki na halos kapangalan ko rin." Pagkwento nya.

Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinabi nya o hindi nakangisi kasi sya habang sinasabi iyon. Nakatingin sya sa'kin na para bang may nakakatawa sa mukha ko. Wala sa sariling napairap ulit ako.

"Alam ko naman na masungit ka talaga pero bakit yata mas masungit ka ngayon?" Nanunuyang dagdag nya pa.

Hindi ako makatingin sa kanya dahil parang uminit ang mga pisngi ko dahil sa  sinabi nya.

I Crush You SirWhere stories live. Discover now