CHAPTER 4

37 9 3
                                    

#Unedited
#READ AT YOUR OWN RISK!


Stalk

"Ano nilalandi ba ni Daniella si Sir Ace natin?" Nangangating tanong ni Jeca pagkarating na pagkarating ko sa table namin.

Pareho ko silang pinagmasdan at talaga naman parehong nag aabang sa sasabihin ko. Ano kayang magiging reaksyon ng mga to pag sinabi kong iba ang lumalandi kay Sir Ace.

"Ano sis! Kwento na tagal!" Si Yurkie.

Kinuha ko ang inorder nila para sa'kin at kumagat muna ng malaking kagat sa burger bago nagsalita.

"Huwag na kayong umasa taken na yung tao." Sabi ko bago ngumuya.

Pareho naman silang hindi makapaniwala.

"What?!"

"Ha?!"

"Sabi ko taken na sya huwag na kayong umasa kasi may nanalo na." Sabi ko bago uminom sa mineral water.

"Oh my gosh!" Pigil na bulong ni Jeca habang nakatingin sa likod ko.

"Dumaan sya sa likod mo sis!" Kinikilig na sabi ni Yurkie at niyuyog pa ang magkabilang balikat ko.

Lumingon ako pero wala na nasa counter na si Ace. Kita ko ang mga titig sa kanya ng mga babae. Mga kinikilig sa kanya pero mukhang wala naman itong  pakialam.

"Hala sayang dapat pala ako ang umupo dyan!" Inis kunwareng sabi ni Jeca.

"Apaka lucky mo girl!"

Hindi ko pinansin ang mga pagtitili nilang dalawa at kumain na lamang. Ano pa kaya kung malaman nilang pinapabalik ako nun sa office mamayang lunch.

Natapos ang break namin na mga talak lang ni Jeca, Yurkie ang naririnig ko, naririndi na nga ako.

Nang sumapit  ang lunch ay nagpaalam ako sa kanila na pupunta ako ng library nung una nagtaka pa sila dahil sportfest daw anong gagawin ko sa library. Pero ng sabihin ko na may isasauli lang ako na libro ay pumayag din kahit ang totoo sa Office talaga ako didiretso.

Hindi na ako kumatok sa pinto at pumasok nalang pero  ng makapasok ay nagtaka ako dahil wala man lang ni isang teacher doon.

Baka nagkaroon ng conference sa DO, balak ko na sang bumalik sa room kaso naisip ko na baka papunta rin naman na ang mga teacher dito kasi 11: 50 na ng tanghali.

Dumiretso ako sa upuan na nasa harapan ng mesa ni Ace at nagpasyang doon na lamang sya hintayin.

Kinuha ko ang cellphone ko sa suot kong skirt at tinext si Jeca.

Jecatot:

Huwag nyo na akong hintayin kumain na kayo.

Message sent!

Matapos i send yun ay nagfacebook na lang ako. Nag scroll ako sa wall ko at maraming post doon na galing sa iba't ibang student dito sa school namin.

Jenica Valenzuela

Ang Hottie ng student teacher sana pala nag accounting nalang ako eme😝

I Crush You SirWhere stories live. Discover now