CHAPTER 10

25 4 0
                                    

#Unedited
READ AT YOUR OWN RISK!

Admit

"Owemge! Panalo noh?!" Nasa pinto palang ay sinalubong na ako ng matinis na boses ng kaibigan ko.

"Ano Lesh panalo?" Salubong rin sa'kin ng kaklase kong si Kai.

Ngumiti ako bago tumango.

"Talaga?! Wah edi champion ka!" pasigaw na sabi nya mukha ng mga kaklase ko ay nasa akin na.

"Oo." Maikling sabi ko.

"Yes! Kuha natin yung volleyball at basketball pati yung chess nakuha natin!" Sigaw nya at naghiyawan naman sa tuwa ang mga kaklase ko.

Nakatanggap ako ng mga papuri sa kanila pero sinusuklian ko na lamang iyon ng ngiti. Mukhang hindi ko yata feel ang pagkapanalo ko. Ang lakas ng trip ng kalaban ko sinong magpaparty sa ganun.

"Totoo Sis? Panalo?! Congratssss! Milk tea naman dyan! Champion!" Pabirong sabi ni Yurkie.

"Milk Tea! Milk Tea!" gatong naman sa kanya ng mga kaklase ko.

"Si Mr. Ledezma o si Miss Carranza nyo hingian wala akong pera." natatawang sabi ko napatawa naman sila.

"Oo si Miss Carranza baka pag nilibre ka ng Milk Tea bagsak ka na!" Biro ni Carlyn nagtawanan ang buong klase.

"Edi si Sir Ace mukhang galante naman yun!" si Shenon.

"Wala nga Sir Ace nyo kanina pa. ni hindi nga nanunood kahit isang sport!" Sawsaw ni Yurkie.

Nagbulungan ang mga kaklase ko na halos karamihan babae.

"Oo nga noh? mula yata kanina hindi ko nakita si Sir Ace." si Daniella.

"Hindi ba Lesya nasa library palagi si sir Ace." Hindi ko inaasahang tatanungin ako ni Shana.

"O-Oo pero mula kanina hindi ko naman yun nakita don." Na uutal pa na sagot ko.

Ngayon ko lang napansin na halos wala si Sir Ace sa mga laro ko kung kailan final tsaka hindi manunood nung practice palong palo. Tss. Weirdo.

"Baka naman nag attend ng seminar, narinig ko kasi yung isang Teacher na may seminar ngayon at kailangan ng dalawang teacher bilang representatives ng school."  si Cally.

Tumango-tango ang mga kaklase ko.

"Ahhhh." tanging nasabi nalang nila.

"Congrats sa'tin! Huhu.. ang galing talaga natin hula ko tayo pa ang mag oover-all Champion daming sport na tayo ang panalo." si Jeca.

"Sana nga ng maging proud naman si Miss Dragona pagbalik nya." Natawa kami pareho sa sinabing iyon ni Yurkie.

"Guys deserve natin mag snack sa labas panalo eh!"  si Jeca ulit.

Napagpasyahan naming lumabas ng school para ipagdiwang ang pagkapanalo namin.

Pumasok kami sa isang mamahaling korean restuarant at dahil si Yurkie ang medyo nakakaraos raos sa'min sya ang manlilibre.

"Guys, di ba si Sir Ace yun?" biglang sabi ni Jeca ng maupo kami sa pang apatan na lamesa.

"Oo nga sya yan pero ayy may kasama! Ka date yata mga behhh!" oa na sabi naman ni Yurkie.

Tiningnan ko ang tinitingnan nila at nakita ko nga si Sir Ace sa pinaka dulo nitong restuarant doon sya sa area na pang magcouple ang vibes.

Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko ng makitang tumatawa ito habang kausap ang isang Teacher na babae. 

I Crush You SirWhere stories live. Discover now