CHAPTER 12

24 3 0
                                    

#Unedited
READ AT YOUR OWN RISK!

Baby

Kahit pilitin kong mag enjoy ay hindi ko pa rin talaga magawa.

Nakaupo ako ngayon sa buhangin at tahimik na nakatingin sa dalawang magkasintahan.

S Ace at ang babaeng hindi ko kilala na kasama nya. Ngayon ko lamang ito nakita.

Hindi na ako magtataka kung paano nasabi ni Yurkie na mag jowa sila dahil sa paraan palang ng tingin ni Ace sa babae kita na ang nagsusumigaw na pagmamahal nya dito.

"Lesya Tara! Mamangka kami!" Sigaw ni Jeca sa'kin pero umiling lang ako.

"Kayo nalang!" Sigaw ko bilang sagot.

Hindi naman na nila ako pinilit sumakay na sila sa bangka ni Yurkie, dahan dahan naman itong umandar paalis at na iwan ako. Well, yun naman ang gusto ko.

Gusto kong mapag-isa at hindi ko alam kung bakit bigla akong naging ganito. Ang tanging sigurado ko lang ay nasaktan ako dahil may girlfriend na pala ang taong hinahanggaan ko.

Kainis ha! magkaka-crush nalang sa may sabit pa.

Tumayo ako at napagpasyahang maglibot-libot nalang. Wala rin naman magandang papatunguhan ang pagmukmok kong ito.

Tumingin-tingin ako sa mga taong nagtitinda ng mga kung anu-anong maliliit na bagay. Iyon mga iba't ibang uri ng keychain.

"Magkano po ba sa ganyan ate?" Tanong ko sa maliit na keychain na sili ang design.

May nakasulat rin sa mga ito na I LOVE BICOL

"Bente isa ma'am, ano bili ka? Pwedeng mag pa customize kung gusto ninyo na pangalan nyo ang nakalagay. " Nakangiting sagot sa'kin ng babae.

"Dalawa po kukunin ko yung sili ang design tapos yung broken na heart."

"Papalitan po ba yung sulat ma'am o yan na po."

"Pwede pong papalitan ng name yung sa Sili po 'Ally' tapos yung sa broken heart lagyan nyo po ng ' I'm broke ' "

Ngumiti naman ang babae bago ginawa ang sinabi ko.

I'm broke kasi wala na nga akong pera broken pa. Tss. Oa pero nakakabadtrip akala ko pa naman mag eenjoy ako sa bonding na to.

Bakit ba kasi dito pa sila? Hindi nalang sila nag Boracay  dito pa talaga. Tss.

"Ito na po ma'am." Ibinigay sa'kin ng babae yung key chain na sili na may nakasulat na second name ko tapos yung broken heart na may nakasulat na I'm broke.

Sa totoo ang ganda nun damang dama ko talaga na broken ako.

Matapos kong bayaran ang mga yun ay nag lakad-lakad pa ako tumingin tingin ako sa mga tinda doon at sa dami kong nagustuhan ay ang dami ko ring nabili.

Pansamantala kong nakalimutan ang  tungkol kay Ace dahil sobra talaga akong nalibang.

Bumili pa ako ng isang malaking teddy bear at nagkataon na  sa suot nito ay may nakasulat na Lesya kulay peach.

I Crush You SirWhere stories live. Discover now