CHAPTER 6

33 8 0
                                    

#Unedited
READ AT YOUR OWN RISK!

Loss

Tatlong araw bago ang laro para sa chess kaya tudo practice ang ginagawa ko. Alam ko sa sarili kong hindi malabong matalo ako dahil mahigit apat na taon na rin na hindi ako nakakapaglaro ng chess.

Grade 8 ako ng matuto nun at ng mag Grade 9 ako hindi na ako nakakapaglaro dahil kinukulang na rin sa oras.

Sabi ni Ace na mayabang dapat daw galingan ko. Para kapag di man namin nasungit ang basket ball at volleyball atleast yung chess nakuha namin.

Lakas mang pressure ng bwesit.

Nandito ako ngayon sa Library at kasalukuyang naglalaro.

Kalaro ko ang isang Humss student at masasabi kong magaling sya dahil maglilimang minuto na mula ng magsimula kami wala pa rin akong kuha ni isang pieces samantalang na kuha nya ng ang dalawang minor piece ko.

Mula nung laro namin ni Cupid ay palagi ng nakamasid si Ace sa mga laro ko, tuloy minsan talo pero minsan naman  panalo.

Pinilit kong mag focus sa laro pero hindi ko talaga magawa panay ang tingin ko sa gawi ni Ace.

Naka upo ito sa isang upuan di kalayuan sa pwesto namin nakatingin sa'kin at mula kanina hindi man lang yata inalis ang tingin sa'kin.

Hindi ako nakakapag-isip ng tama dahil alam kong may maiging nanunood sa bawat move na pinapakawalan ko.

Doble ingat nakakahiyang matalo habang pinapanunood ng taong kinayayabangan mo. Tss.

Nilabas ko ang rook at hindi ko inaasahang  ka capturin iyon ng Queen nya. Badtrip. Inabante ko ang isang pawn para matakot ang Queen nya pero sa halip na ilikas nya ito ay ni capture nya ang pawn ko wala palang naka support doon.

Sa oras na iyon ay ramdam ko na tagilid na ako dahil dalawang minor at major na pieces na ang nawala sa'kin.

Kung tutuusin kong nasa focus lang ako ngayon baka may tyansa pang manalo ako pero hinayaan ko nalang. Kaya sa huli talo.

Tumayo ako at tumingin sa Humss student na nakalaro ko.

"Congrats ang galing mo." Ngumiti ako pero alam ko sa sarili kong peke iyon.

"Thank you salamat rin magaling ka rin naman." Sagot nya.

Hindi nalang ako sumagot pa at bagsak ang balikat na naglakad palabas ng library.

"Bakit ka nagpatalo?" Hindi na ako nagulat ng marinig si Ace sa likod ko.

Sumunod sya sa'kin at balak na naman yata akong yabangan, maliitin dahil sa natalo ako.

Nakakasawa na yung ugali nya kung alam nya lang.

"Ano pa bang magagawa ko natalo na?" Pilosopong sagot ko.

Nagdire-diretso ako sa paglalakad at iniisip nalang na hangin lang syang nakasunod sa'kin.

"Alam kong kaya mo pang ipanalo yun bakit ka nagpatalo?" Seryusong sabi nya. Ngayon ay magkapatay na kaming naglalakad.

I Crush You SirWhere stories live. Discover now