CHAPTER 9

24 3 0
                                    

#Unedited
READ AT YOUR OWN RISK!

Won

Eksaktong pagpasok ko sa room ay umiinom ng tubig si Jeca sa bottle nya lumapit ako at kinamusta ang laro nila.

"Kamusta ang volleyball keri pa ba?" Sinubukan kong magbiro.

Nilingon naman ako nito at nanlalaki ang mga mata.

"Hala tapos kana?! Wahhhh! Ano panalo ba? Champion ba ano?!" Nagtitili sya kaya naman ang mga usyuserang kaklase na paniguradong kakatapos lang rin maglaro ay napatingin na sa'kin.

Mabilis na umiling ako at nagsalita.

"Hindi pa tapos ang laro." Sabi ko nagsitanguan naman ang mga kaklase ko.

"Kamusta yung first game mo panalo ba? Malamang panalo ka! Halimaw ka kaya sa larong yun!"

"Panalo sa una at pangalawang laro pero sa pangatlo..."  Hindi ko na pinagpatuloy pa dahil alam ko namang gets nya na yun.

Akala ko pareho ko ay malulungkot sya pero taliwas sa mukha ko ang mukha nya ng marinig ang sinabi ko.

"Naku nakakatatlong laro ka palang kaya mo pang makahabol! Pustahan tayo makakahabol ka talaga." Pagpapalakas nya ng loob sa'kin.

Ngumiti ako ng tipid. Malabo. Na pi predicted ko na yung mangyayari.

"Hoy! Ano ka ba? Hindi ganyan yung Lesya na nakilala ko! Yung Lesya na nakilala ko mayabang yun! Kasi alam nya na may iyayabang sya!" Humalakhak sya sa sinabi.

Alam ko at sigurado ako sa sarili kong hindi ako kailan man nag yabang sa larong iyon kaya ano itong sinasabi ng babaeng to.

"Hindi ako mayabang." Sabi ko.

Pumasok tuloy sa isip ko ang babaeng stem student na nakalaban ko kanina. Hindi ko alam kung saan nun hinuhugot lahat ng tapang para sabihin ang mga iyon sa'kin.

"Oo alam ko pero, Lesya. Alam ko, namin na magaling ka nararamdamam ko rin na ikaw ang mag chachampion kaya magpapamilktea ka talaga!" Biro nya pa.

Umiling iling nalang ako sa pambobola ng kaibigan ko. Kahit kailan talaga hindi ito pumalya na pagaanin ang loob ko sa mga ganitong sitwasyon.

"Kayo kamusta ang laro nyo? Si Yurkie buhay pa naman?" biro ko rin. Hindi ko nakita si Yurkie at paniguradong naglalaro ito ngayon.

Gusto ko syang panoorin kaso babalik rin ako sa library para sa susunod na laro.

"Buhay pa ang guwapong bakla na iyon! Ang lakas tumira grabe! Kapag sya na ang magseserve hindi napapalitan hanggang hindi nakakalimang puntos!" Natatawang sabi nya.

Napatawa rin ako. Magaling talaga iyon sa volleyball at kung hindi nga sana ako isinama sa chess nitong si Jeca ay baka magkakasama kaming naglalaro ngayon.

"First game panalo kami tas ngayong nag change court nakipagpalitan ako kay Mema Yurkie dahil inuuhaw ako, dadalhan ko nga pala yun ng tubig!" Nagmamadaling kinuha nito sa loob ng bag ni Yurkie nag tumbler.

"Sige, good luck babalik na rin ako sa library." sabi ko.

"Ay sige! Good luck ah! Cheer up kaya mo yan isa lang ang talo mo hindi na yan masusundan magaling ka eh!" bola nya pa, tinawanan ko nalang.

Magkasabay kaming lumabas ng room pero diretso sya habang ako lumiko sa likod ng building papunta sa library na nasa dulo ng school.

"Mabuti naman at nandito kana Miss Del mundo. Kayo nalang ang maglalaro ni Miss Alteza dahil ang ibang player ay nag back out na hindi ko alam kung bakit pero nag tie kasi ang score nyo kaya maglalaban pa kayo." Anunsyo ni couch pagkabalik ko. Matapos nya ring sabihin iyon ay tinalikuran nya ako at bumalik sa pagtingin sa boys na naglalaro.

I Crush You SirWhere stories live. Discover now