Chapter 1

359 7 0
                                    

'Reena!!!'

'Mahal Na Prinsesa!!!'

'Kamahalan!!!'

''Yan lang ba ang makakaya mo? Akala ko pa naman napakalakas mo! 'Pag wala pala ang buwan, wala ka ring kapangyarihan! Hahaha!'

Lumapit sa kanya si Glair, hinawakan ang pinakamamahal ko sa buhok, at pinagsusuntok siya!

'D'yosa ng Buwan... Tulungan mo po kami..!'

Ang munting hiling ni Reena sa isip niya.

And a flash of light beamed to her making everyone blind for a second! The next thing was shown, a whole page dedicated to my beautiful waifu where she was floating in midair, her eyes turned white, unwounded anymore like nothing really happened earlier, and now ready to fight!

"Ang ganda talaga ng asawa ko! Lalo na 'pag nasa Divine Mode!"

"Humanda ka na, Glair! Matitikman mo na ang ganti ng api! Hahaha!"

Nakaka-excite talagang basahin itong comic book ni Sir IdleThor! Kahit ilang beses ko na itong nabasa, nagugulat pa rin ako sa mga nangyayari! Na parang unang beses ko pa rin itong babasahin! At lagi kong inaabangan ang scenes ng waifu kong si Reena my loves! Hahaha!

Nilipat ko na sa susunod na pahina ang comic book at tinuloy ang binabasa ko! Nang biglang may kumatok at nagbukas ang pinto ng kwarto ko.

"Kuya Sin, kain na raw tayo ng dinner sa baba!"

"Ano niluto ni Mama, Cos?"

"Adobong manok."

"Si Tan, nakauwi na ba?"

"Hindi mo pa ba nababasa 'yong message niya kanina sa group chat natin? Doon daw siya kina Billy magdi-dinner at magpapalipas ng gabi."

"At pinayagan naman siya ni Mama?!"

"Oo. Hayaan mo na, hindi naman siya mabubuntis." At tumawa siya.

"Hindi nakakatawa, Cos." Sabi ko't nagkibit-balikat lang siya!

"So, sasabay ka ba samin ni Mama, o itutuloy mo ang pagbabasa mo?"

"Sige na, susunod na ako."

Nilapag ko na sa kama ko ang comics at sumunod na ako sa kanya.

"Mama, bakit n'yo naman po pinayagan si Tan mag-overnight kina Billy?"

"Sinubsob ni Tan ang sarili niya sa pag-aaral para makapasa sa board exam niya sa first take niya. Hayaan mo siyang i-enjoy nag lovelife niyang isinantabi niya noong nag-aaral pa siya."

* Fictional - Khloe Rose *

"Ikaw, wala ka bang balak magkaroon ng lovelife, Sin? 28 ka na at wala ka pang pinapakilalang girlfriend sa'kin, sa'min! Wala ka bang balak mag-asawa, anak? Naunahan ka pang magkajowa nina Cos at Tan!"

And those scenes plays back again in my mind! And I did everything to shake it in my head!

"May mga pinakilala na po ako sa inyo, ah! Una, si Hermione, pangalawa, si Yuna, at pangatlo po 'yong asawa ko ngayon na si Reena!"

"Pero, anak, lahat ng pinakilala mo sa'min ay mga fictional characters mula sa libro, sa laro, at sa comics! Ayaw mo ba sa totoong tao?"

Ayoko.

Fictional (BL) Where stories live. Discover now